CHAPTER 5

2.2K 57 1
                                    

Dahan-dahang minulat ni Betty ang namimigat na talukap ng mga mata.Agad niyang nabungaran sa nanlalabong paningin ang matalik na kaibigan.

Naupo ito sa tabi niya."Mab? Ayos ka lang ba?" 

Nasa isa siyang silid na gaya sa isang normal na kwarto.The wall was color in blue with white strips.May ilang appliances din gaya ng telebisyon at radyo na nasa gilid ng kama.Kahit hindi sabihin ay halatang lalaki ang nagmamay-ari niyon.

Rumihistro sa isipan niya ang dahilan nang pagkakawala ng kamalayan.Nang iangat niya bahagya ang tingin ay nakita niya ang gwapong mukha ni Mark na nakatayo katabi ni Cindy.Naka-ekis ang mga braso nito sa dibdib.Imbis na pang lakasan siya ng loob dahil sa pagkakakita  dito ay salungat ang kanyang naramdaman.Natakot siya sa kung anong magiging kahihinatnan ng pagkakabuking nito sakanya.Hindi lang nito kung hindi ng iba pang miyembro ng varsity side.

"Mark, sabihin mo na ang parusa mo para kay Ms.Pony tail girl." Ani Carlo na hindi alintana ang panghihina niya.

"Bwisit ka talaga!Wala kang pakiramdam.Kakagising pa lang ng kaibigan ko diba?Hindi ka muna nagpasintabi.Demonyo ka talaga eh!" Nanggigil na turan ni Cindy mula sa lalaking nasa kabilang panig ng kama.

Inamba nito ang kamao. "Nagsisimula ka na naman ha! Papatulan na talaga kita." 

Pumagitna si Rindo sa mga ito.Kinawit ni Cindy ang mga kamay dito na para bang close na close na ang mga ito. "Halika kana nga.May panira kasi ng araw."

Nagsalubong ang pares ng makakapal na kilay ng katunggaling si Carlo ngunit hindi naman nakapagsalita.

"Sige Mab, sa labas lang kami ha." Paalam nito sakanya.

"Sige, lalabas na din ako." Si Carlo muli..Agad nitong kinontra ang masakit na tingin ni Cindy. "Oh bakit? Akala mo naman susundan kita?Lalabas ako para makapagpractice.Masyado kang ambisyosa." Hindi na nito hinintay na makasagot ang kaibigan at nagpatiuna nang lumabas.

Bago umalis ay inirapan ito ni Cindy.Tapos ay nakangiti na siyang binalingan. "Sige Mab ha.Lubos-lubusin mo na ang momentum ninyo." Kumukutitap ang mga matang bilin nito at lumabas na kasama si Rindo.

Mukhang iba ang inaakala ng kaibigan niya.Marahil ay hindi pa nito ang alam ang tunay na nangyayari.

"Ngayong alam mo nang alam ko, na ikaw ang salarin sa misteryosong pagkakawala ng mga gamit ko, gusto kitang hingan ng bayad sa perwisyong ginawa mo."

Napaupo siya mula sa pagkakahiga dahil sa huling sinabi nito.

"Pero, hindi ko naman talaga sinasadyang makuha ang mga gamit mo.Nacute-tan lang talaga ako kaya ko nagawa 'yon.Kung gusto mo ibabalik ko na lang sa'yo ang lahat ng gamit mo.Basta wag mo lang akong pagbabayarin.Wala akong pera ngayon." Pagmamakaawa niya dito.

"I'm not talking about money."

"Eh, anong balak mo?

"Hindi ba, masipag kang mag-aral?"

Tumango siya. "Oo naman."

"Lagi kang gumagawa ng mga assignments mo at always present?"

"Siyempre naman! Masipag yata ako." Pagyayabang niya pa.Ikanangiti nito iyon.Siguradong bumilib ito sakanya.

"Magaling ka din sa Finance diba?"

Pumalatak siya. "Sus! sisiw lang sa'kin 'yon."

"Kung ganun---------"

"Kung ganun?"

"Ikaw ang gagawa ng mga assignments namin nina Rindo, Mathew at syempre ako.Tatlo lang naman kaming kaklase mo sa finance kaya siguradong kaya mo ‘yon.Masipag ka naman, sabi mo?”

“Ay hindi, hindi na ako masipag.Tamad na ako ngayon.” Gusto niya sanang isagot dito.

“Halata din namang matalino ka." Hindi siya nagpadala sa pambobola nito.Mas nakuha ng atensyon niya ang balak nitong ipagawa sakanya.Grabe naman yatang kabayaran ang gusto nito.Balak ba nitong tuyuin ang utak niya?

Lumuwa ang mata niya sa panlalaki. "Ano?Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"

Lumapit ito at naupo malapit sakanya.Namumungay ang mga matang pinakatitigan siya nito.

"Gusto mo ako hindi ba?" Hindi siya nakaimik sa katotohanang iyon. "I'm just giving you this chance para mas lalo kapang mapalapit sa akin.Makakatulong kana sa amin, magiging close pa tayo.Ayaw mo ba nu’n?"

Sandali siyang nag-isip sa mga sinabi nito.Oo nga naman!Oras na siya ang gumawa ng mga takdang aralin ng mga ito ay may pag-asang lagi niya itong makasama at ang posibilidad na tuluyan na siyang mapansin nito dahilan upang mahulog ang loob nito sakanya.Bayad na bayad ang pagod niya kung sakali mang ganoon ang mangyari.Kung hindi man ay hindi pa rin siya susuko.Sinisigurado niyang siya ang makakabwingkwit sa puso nito.

Talagang mahal siya ng Diyos dahil sa pagbibigay nito ng big break na iyon.Tingin niya'y dininig na nito ang matagal na niyang panalangin.Ang magkaroon ng pagkakataon na makabonding at makausap ng normal ang hinahangaang binata.

Hindi na siya mapapabilang sa mga stalker nito.At sa huli'y ramdam niya na sa pagiging magkasintahan mauuwi ang mamumuong pagkakaibigan nila.Nasiyahan siya sa mga naisip ngunit hindi niya iyon pinahalata sa kausap.Gusto niyang maglambing dito kahit papaano.

Bumuntong hininga siya. "Kahit naman siguro ako ang gumawa ng assignments ninyo, hindi mo pa rin ako mapapansin dahil sa dami ng nagkakagusto sa'yo.Alam ko namang mataas ang standards mo pagdating sa pagpili ng nobya mo." Totoong nalumbay ang tinig niya.

Parang gusto nitong matwa sa sinabi niya."Bakit gusto mo bang maging girlfriend ko?”

Nahihiyang tumango siya dito.

"Wala namang imposible diba? Lalo na sa kagaya mo.Malay mo madevelop ako sa'yo.Yan ay kung gagawin mo ang pinapagawa ko sa'yo.Siguradong may pag-asang matupad ang pangarap mo." Ito sa pagitan ng pagngisi.

Batid niyang sinasakyan lamang siya nito upang pumayag siya sa kagustuhan.Ngunit kung iyon ang paraan para magustuhan nito ay magpapakatanga na muna siya.Kakapitan niya na lamang ang sinasabi ng kanyang puso na mapapa-ibig niya din ito.

"Sige.Tinatanggap ko ang alok mo.Ako na ang gagawa ng mga assignments ninyo.Pero sa isang kundisyon." Tinaas niya ang hintuturo.

Nagsalubong ang dalawang kilay nito. "Parang mali yata?Bakit ka humihingi ng kundisyon, eh, ikaw ang may atraso sa’kin." She ignored what he said.

"Basta! Dapat mo nang layuan si Rima.Alam mong may gusto ako sa'yo di’ba? At alam mo ding magseselos ako kapag may kasama kang iba." Inalog niya ang braso nito na parang nalanta sa kahilingan niya.Mahirap nga siguro para sa isang tulad nito na gawin ang mga bagay na sinabi niya. "Pumayag ka na, mahirap din naman ang pinapagawa mo sa'kin ha?Biruin mo, tatlo kayo, tapos dapat iba-iba pa kayo ng assignments para hindi kayo mahalata at hindi---------"

Parang nandidiri nitong inalis ang braso sa pagkakahawak niya. "Tama na.Susundin na kita.Iyon lang naman pala.Gusto mo miski sa lahat pa ng babae ng Westville." Hamon nito.

"Sure, why not." Banat ang ngiti na sagot niya.Natuwa siya sa naging reaksyon nito.Hindi ito apektado sa pagpapalayo niya kay Rima.Siguro ay wala talaga itong balak na seryosohin ang naturang babae.Sana lang ay tuparin nito ang mga sinabi.

"Sige, deal." Inabot niya ang palad dito.

Kinuha nito iyon.

"Deal."

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon