CHAPTER 1

5.2K 105 5
                                    

"Maria Betty De Leon!" Isang malakas na sigaw ang agad na sumalubong kay Betty ng pumasok siya ng araw na iyon.Tumatakbong nilapitan siya ng kaibigan na si Cindy.

Kinalikot niya ang butas ng tainga. "Ang sakit sa tenga ng boses mo.Kailangan ba talaga na buong pangalan ko ang isigaw mo?" Taas ang sulok ng labi na sita niya dito.

Matalik niya itong kaibigan simula ng magkolehiyo siya.Nang lumipat sila ng bahay ng kanyang pamilya ay naging mahirap para sakanya ang makahanap ng taong makakabutihang loob.Mabuti na lamang at mabait ang pamilya ni Cindy na siyang kapit bahay lamang nila sa bagong tirahan.Doon nagsimula ang pagkakaibigan nila.They have the same likes and interest and even their attidue was similar.It was like the saying “The same feather, stick together”. Sakto din na gaya niya ay nasa unang lebel na ito ng kolehiyo.Kaya nagpasya sila na sa iisang Unibersidad na lamang pumasok.

Hinawakan nito ang braso niya. "Halika ka na.Late na tayo.laban ng varsity side ngayon.Bakit nandito ka pa?"

Umawang ang bunganga niya sa ipinaalam nito. "Ha?Nako naman! Ganoon ba.Kasi naman.Bakit hindi mo manlang ako tinext.Di sana'y nadala ko 'yong pompongs natin." Napadyak niya ang paa sa pagkalimot ng kaibigan.

"Hindi naman ako pumasok kahapon ha.Ba't ikaw pumasok ka ba?"

"Hindi din."

"Oh, 'yun naman pala eh.Parehas lang tayo.Ngayon ko lang din naman nalaman na laban nila dahil sa mga malalanding babaeng nakasabay ko papasok.Hmp!" Nalukot ang mukha nito.

Iniakbay niya ang kanang kamay sa balikat nito. "Hayaan mo na.Alam mo namang sa'yo lang si Tan di ba?"

Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Correction, Rindo Tan okay? Dalawa sila kaya wag kang tan ng tan diyan."

"Oh, edi si Rindo Tan.At sino naman ang sa'kin?" Tinapat niya ang tainga sa bunganga nito.

"Sino pa nga ba?Edi ang pinakamamahal mong si Mark Anthony Garcia.Ang boyfriend mo kuno." Pabulong na sabi nito sa huli.

"Ano?" Kunwa'y nainis siya dito.

"Sabi ko magiging boyfriend mo sa future.At gaya mo magiging akin din si papa Rindo ko." May kislap sa mga mata na huling pahayag.

"Huwag kang mag-aalala, magiging atin din sila." Siya na bumunghalit ng tawa.Nagsisismula na naman silang magkaibigan na mag-utuan.

"Tara na!" Yakag sakanya nito.

"GO Rindo!"

"Go Mark!" Salo nilang magkaibigan sa iba pang estudyante na sinisigaw ang pangalan ng kani-kaniyang idolo na myembro ng varsity side.Ito ang popular na basketball team ng kanilang University.Pawang mga gwapo ang miyembro ng varsity side kaya ganoon nalang kasikat ang mga ito hindi lamang sakanilang paaralan maging sa iba pang Unibersidad na nakakakilala sakanila.

Mabilis mong malalaman na ang varsity side boys ang paparating dahil sa kataasan ng mga ito.Bawat babae sakanilang paaralan ay pangarap na masungkit ang puso ng sino mang miyembro ng grupo nila.Kabilang na sila ni Cindy.

Matagal nang pangarap ni Betty ang mapansin ni Mark na isa sa mga miyembro ng varsity side oh VS kung tawagin.Ito ang kanang kamay ng pinakapinuno ng grupo na si William.Isang seryoso at istriktong leader.Ang idolo niyang si Mark ang nakatanggap ng Most Valuable Player noong nakaraang taon.Kaya naman masyado nang popular ang pangalan nito sa loob at labas ng kanilang campus.Dati’y wala itong dating sakanya dahil sa alam niyang mahirap itong abutin.Ngunit nag-iba ang pananaw niya ng maging kamag-aral niya ito sa isang asignatura ngayong nasa unang semestre siya sa ikatlong taon.Magkalapit ang kanilang upuan kaya hindi maiwasang priming mukha nito ang naiikutan niya ng tingin.His enchanting and stunning.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon