Chapter 9

319 22 9
                                    

Mateo





“Are you sure na uuwi ka ng pinas?”

Tanong sakin ni Levi.

“Yup! uuwi ako ng pinas, wala naman makakakilala sakin doon. Titignan ko lang ang kaibigan ko na buntis doon na si Hannah.”

Masayang sabi ko kay Levi.

“Hmmm.... Okay, sasama kami ni Isaac sayo.”

Sabi niya sakin.

“Huh? Sasama ka sakin? Eh diba tapos na leave mo?”

Tanong ko sa kaniya. Nasa dining kami ngayon at kumakain, nanunuod siya ng TV  dito sa may dining room. Gabi na niyon at kagagaling niya lang sa Hospital, natutulog naman na si Isaac. Gumagapang na ito at sobrang kulit at sobrang ingay.

Natutuwa naman sa kaniya si Levi at kapag aalis ito o darating laging napakalong sa kaniya. Tuwang tuwa naman si Levi sa kaniya. Pero kapag aalis na ito para pumasok, nag iiyak na parang totoong tatay niya ito.

“Yup! Why? Hindi ko pa nagagamit ang Vacation leave ko na aabot ng 15 days sa Isang buwan.”

Sagot niya sakin.

“Nothing, nagtaka lang ako. Kaka leave mo lang kase noong nakaraan nung nandito si benjamin.”

Sabi ko sa kaniya.

“Hindi naman iyon leave eh, off ko iyon.”

Sabi niya sakin.

“Okay! Gagalit?!”

Tanong ko. Bigla itong lumingon sakin.

“Am I look mad to you?”

Seryosong tanong niya sakin na may laman pa ang bibig niya na bumubukol sa kanang pisngi niya.

Pinisil ko naman iyon.

“Ouch! Para saan iyon?!”

Sabi niya sabay hawak sa pisngi niya.

Binibiro ka lang, tinotohanan mo na?”

Natatawang sabi ko sa kaniya. Gumanti naman siya sabay pisil ng ilong ko.

Aray! Masakit.... Mapanakit ka.”

Sabi ko sabay hampas sa kamay niya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

“Ikaw kaya nauna, gumanti lang ako.... Ang cute mamula ng ilong mo hahahaha.”

Natatawang sabi niya.

“Che! Bahala ka diyan.”

Sabi ko sa kaniya sabay tayo at naglakad palabas ng dining room para akyatin ang anak ko.

“aaaaaahhhhhh!... Bwesit ka Levi ibaba mo ako, hahahahaha...”

Tili kong sabi sa kaniya at pinaghahampas siya sa likod niya dahil binuhat niya ako sabay nilagay niya ako sa kaliwang balikat niya na parang Isang sako lang ako ng bigas sa kaniya. Kinikiliti niya ang tagiliran ko kaya natatawa ako sa ginagawa niya.

“Where the hell are you going?”

Natatawang sabi niya...

“Sa anak ko, saan pa ba ako pupunta? Hahaha.”

Natatawang sabi ko.

Simula noong inuwi kami ng anak ko ni Levi dito sa bahay niya, inaral ko na ang sarili ko na dumistansya na kay Theo. Pero hindi parin ako nakakalimot sa kaniya, disidido parin akong tulungan ito at maghiganti sa mga taong nang api samin. Naalala ko na malapit na rin matapos ang marriage contract namin.

✓ THE INDESTRUCTIBLE CEO (THE BOOK 2 OF THE COLD-HEARTED DOCTOR) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon