Chapter 18

288 19 6
                                    

Maica





“could you please bring our luggage to our room? Thanks.”

Utos ko sa dalawang crew nitong hotel na pag babakasyunan namin ni Ethan for 1 month. Kakarating lang namin galing sa airport dito sa New York.

“Ethan tara na! Parehas tayong pagod galing sa flight.”

Masayang sabi ko sa kaniya.

Agad kaming naglakad papuntang elevator after namin mag checked ng book sa reception area nitong hotel.

Nagugutom ka ba?”

Tanong ko sa kaniya. kaming dalawa lang nandito sa loob ng elevator dahil nauna na ang mga crew sa pag akyat ng mga gamit namin sa itaas.

“No! I'm not hungry, gusto ko na lang muna matulog.”

Sabi nito sakin..

“Me too! Nakakapagod bumiyahe ng malayo, gusto kong ilatag ang buong katawan ko sa kama.”

Sabi ko naman sa kaniya sabay sandal ng ulo ko sa kanang braso niya.

(Ting!) *Tunog ng elevator*

Nakarating na kami sa number ng floor na pinindot ko kanina. Sabay naglakad na kami sa hallway nitong floor at pumasok sa kwarto namin na bukas kung saan nanduon ang dalawang crew at inaayos ang kwarto namin.

“Thank you!”

Sabi ko sa kanila nung lumabas sila sabay sarado na ng pintuan ng kwarto namin.

Humiga na si Ethan sa Isang kama at nagtungo naman ako sa Isa pang kama. Hindi kami magkatabi ni Ethan kahit gusto ko man na magkatabi kami sa iisang kama ay ayaw niya. Nasisikipan daw siya.

“Tingin mo kung hindi nalaglag ang anak natin na pinagbubuntis ko... Hindi Tayo hahantong sa ganito?”

Tanong ko kay Ethan nung nakahiga ma din ako sa kama ko.

“Matulog ka na lang! Ayoko ng pag usapan iyan. Nandito tayo para mag bakasyon hindi ba?”

Sagot niya sakin. Iniiwasan niya ang tanong ko na iyon sa kaniya siguro natutuwa siya ngayon na hindi na ako mabubuntis at nalaglag ang anak namin.

Tumalikod na lang ako sa kaniya, nakaharap ako sa bintanang nakasarado ng makakapal na bintana.

“Ayaw mo lang pag usapan ang anak natin dahil natutuwa ka na namatay siya sa sinapupunan ko, at natutuwa ka din na hindi na ako mag kakaanak pa.”

Sabi ko sa kaniya.

Narinig ko itong tumayo kaya naman nilingon ko ito sa kama niya.

“Maghahanap muna ako ng bakanteng kwarto na ako lang ang mag Isa. Baka hindi mo magustuhan ang maisasagot ko sa tanong mo sakin.”

Seryosong sabi nito sakin.

“Edi lumabas din ang totoo na natutuwa ka na nalaglag ang anak natin, na namatay siya dahil kriminal ako at mamamatay tao ganun din si daddy, diba sabi mo na karma samin ito? Matuwa ka, mag pa-party ka dahil namatay ang anak natin at hindi na tayo magkakaanak pa dahil may deperensya ako sa matres ko.”

Inis kong sabi sa kaniya.

“Hindi mo ititikom iyang bibig mo? Hindi ka pa titigil? Alam mo Maica na pareho tayong pagod. Huwag mo akong simulan.”

Pagbabanta niya sakin.

“Bakit anong gagawin mo? Sige nga? Alam mo Ethan, mag papa party ako dahil namatay na yung baklang iyon. At least napatunayan ko na mas may isip ako kesa sa kaniya. At ako ang panalo sa laban namin, sorry na lang siya at sana sa impiyerno siya mapunta.”

✓ THE INDESTRUCTIBLE CEO (THE BOOK 2 OF THE COLD-HEARTED DOCTOR) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon