Chapter 7

313 21 16
                                    

Rolando Ynares






“What on earth is this? Bakit nabawasan ang shares ko? Saan napunta ang mga shares ni Rafael na shares ko din?”

Galit kong sigaw sa head ng accounting department.

“Gawan mo ng paraan iyan, huwag kang titigil hanggat hindi mo nakikita o nalalaman kung nasaan napunta ang mga iyon. Tonta!”

Galit kong sigaw sa kaniya.

“What's wrong dad?! Bakit kung makasigaw ka eh parang wala ng bukas? Abot hanggang sa office ko ang sigaw mo?”

Tanong sakin ni Maica pagpasok niya sa loob ng office ko.

“Nawawala sa accounts ko ang mga shares ni Rafael. Isang araw nung nag check ako ng accounts ko nakita ko pa ang mga iyan sa accounts ko pero ngayon wala na.”

Pagpapaliwanag ko kay Maica.

“Baka naman minumulto ka na ni Rafael ngayon Dad?!”

Sabi niya sakin na ikinasimangot ko.

“Don't make a nonsense joke lalo na sa harapan ng ibang tao. Baka isipin nila na ako ang nagpapatay kay Rafael, watch your words.”

Seryosong sabi ko sa kaniya.

“I'm sorry dad.”

Sabi niya sakin.

“By the way? Kumusta iyang apo ko?”

Tanong ko sa kaniya. Nagbubuntis ngayon si Maica sa anak nila ni Ethan. Himala nga na matatawag ko iyon dahil may deperensya siya sa matres niya pero nabigyan pa siya ng anak.

“Well dad, 14 weeks pa lang niya sa tummy ko an I'm so excited dahil sa mga susunod na buwan ay lalaki na ito na parang bola.”

Sabi niya sakin habang hinihimas ang tiyan niya.

“That's good. Huwag ka lang magpapaka stress sa dito sa company, take time to take care of yourself at magkaroon na rin kayo ng bonding ni Ethan. Okay?”

Bilin ko sa kaniya.

“I know dad.”

Sagot niya sakin..

“I have to go, may lunch meeting ako with Mr. Fernando.”

Sabi ko sa kaniya at umalis na palabas ng office ko. Pero bago ako umalis ay hinarap ko muna ang head ng accounting department.

“Babalikan kita after ng lunch meeting ko, kailangan masabi mo sakin kung saan napunta ang mga shares ko. Understand?”

Pagbabanta ko sa kaniya.

“Y-yes Chairman ynares.”

Sagot niya sakin.

At saka na ako naglakad palabas ng office ko.

Pagbaba ko ng floor galing sa office ko, lumabas na ako ng elevator dito sa ground floor at tinungo ko na ang labas ng company. Marami akong pinabago rito kabilang na roon ang mga foundation na pinatayo ni Alfredo ay pinalitan ko ng pangalan ko.

Lahat ng meron si Alfredo at si Rafael ay binago ko ang pangalan, inalis ko ang mga pangalan nila at sakin ang pinalit dahil ako na ang may hawak at bagong Chairman ng RTan group of Companies.

“This way po Chairman Ynares.”

Sabi ng Isa sa mga guard ko na malapit sa pintuan ng sasakyan ko.. pumasok na ako sa loob at agad niya itong sinara. Sumakay na ito sa harapan katabi ng driver ng sasakyan ko.

✓ THE INDESTRUCTIBLE CEO (THE BOOK 2 OF THE COLD-HEARTED DOCTOR) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon