Chapter 33

315 18 9
                                    

Erica





“Nurse Eunice, pwede ko ba makita yung medical record ni patient 315?”

Paki suyo kong sabi dito.

“Yes! Doc. Erica, wait lang po.”

Sabi nito sakin.

Ilang saglit pa ay inabot niya sakin ang hinihingi ko sa kaniya.

“Thank you!”

Sabi ko rito, aalis na sana ako sa health desk para pumunta na sa office ko.

Uhm... Doc. Erica? may sasabihin po sana ako.”

Sabi niya sakin. Nilingon ko naman siya

“Ano iyon Nurse Eunice?”

Tanong ko sa kaniya.

Uhm... Gagamitin ko na po kase vacation leave ko dito, matagal na kase ako nag tratrabaho and wala pa akong ni Isang leave simula nung unang pasok ko pa dito nung si Director Matthew pa nandito, baka naman po na magamit ko na vacation leave ko. Pero okay lang sakin kung ayaw niyo ako mag leave o umabsent.”

Sabi nito sakin.

“Iyon lang ba? Walang problema sakin kung gagamitin mo vacation leave mo. Kailan ba? Para ma process ko sa HR yung vacation leave mo?”

Sabi ko dito.

“Talaga po? Papayagan niyo po ako mag vacation leave? Yessssss!”

Sobrang tuwa niya, napasigaw siya at lahat ng tao dito sa lobby ng hospital ay sa kaniya nakatingin.

Ssssshhh! Huyyyy yung boses mo ang lakas. Nakakahiya sa mga tao dito.”

Suway ko sa kaniya. Natigilan naman siya at napatingin sa paligid.

“Sorry po! Sorry... Hehe”

Sabi niya sa mga tao sa paligid sabay peace sign.

“Nga pala Doc. Ikaw? Paano ka po? I mean hindi ka din po mag va-vacation leave po? kagaya niyo din po kase ako diba na wala pa rin vacation leave? mas okay kung bigyan niyo din ng time ang sarili niyo makapag pahinga.”

Sabi sakin ni Nurse Eunice. natigilan ako sa sinabi niya, tama siya... Marami na akong pasok at ilang absence lang ako nung dinala ko si Ruth sa New York, pero excuse naman ako niyon dahil si Sir Rafael ang nag excuse sakin sa head ng HR. Never pa ako nag leave sa work ko para sa personal ko na buhay.

“Hindi ko din alam Nurse Eunice, hindi ko pa kase naiisip iyan sa ngayon.”

Sabi ko sa kaniya.

“Oh! Ganun po ba? sayang naman kung hindi niyo po gagamitin.... Iyon lang po, salamat po ulit Doc. Erica.”

Sabi nito sakin at bumalik na siya sa trabaho niya, tumango na lang ako at ngumiti saka naglakad papunta sa office ko. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ko ang number ng floor kung nasaan ang office ko.

Pagpasok ko sa loob ay sinara ko ang pintuan ng office ko at nagtungo sa swivel chair ko at umupo. Kahit anong basa ko ng paulit-ulit sa medical record ng patient ko ay hindi ko maintindihan dahil sa sinabi ni Nurse Eunice sakin.

Nilapag ko sa office table ko ang medical record ng patient ko at sumandal sa sandalan ng swivel chair ko.

“Bakit nga ba ako hindi rin mag vacation leave kagaya ni Nurse Eunice para naman mabigyan ko ang sarili ko ng Oras makapag pahinga rin?”

✓ THE INDESTRUCTIBLE CEO (THE BOOK 2 OF THE COLD-HEARTED DOCTOR) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon