Chapter 68

246 17 8
                                    

Ethan




"Daddy, paano po nag umpisa ang love story niyo ni Daddy Matthew?"

Tanong sakin ni Isaac. nasa kwarto ako ni Isaac at pinupunasan ko ang buhok niya na basa.

"Bakit mo na itanong iyan baby?!"

Tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko po kase malaman kung saan at anong age niyo po nung nagkagusto kayo kay Daddy Matthew?"

Tanong niya sakin. tinigil ko ang pagpapatuyo ko sa buhok niya, matutulog na kase kami.

*Buntong hininga* (I sighed sabay ngumiti)

"It's a long story baby, highschool pa lang kami ng Daddy Matthew mo noong nagkagusto ako sa kaniya. 12 years old kaming pareho niyon, bully ako sa kaniya noon pero siya lang ang namumukod tanging na bully ko na lumalaban sakin."

Sabi ko kay Isaac.

"Na gustuhan ko siya hindi dahil lumalaban siya sakin, kundi na love at first sight ako sa kaniya. he looks like a beautiful maiden before, I saw him playing volleyball dahil athlete ang Daddy Matthew mo noon."

Sabi ko kay Isaac.

"From bully to become friends. iyon kase ang way ko para mapalapit ako sa kaniya, dati hindi ako aware sa nararamdaman ko noon para sa kaniya. I know myself na straight guy ako and I like girls pero nung nakita ko siya na naglalaro ng volleyball? nagbago ang lahat ng meron sakin."

Sabi ko.

"Nagbago ang perspectives ko, feelings ko, behavior ko, attitude ko at kung ano-ano pa. magbabago ang lahat ng iyon anak kapag ang puso mo na ang nagpasyang tumibok dahil sa taong iyon. at iyon ang nangyari sakin noon, akala ko makakaya kong baguhin ang namumuong nararamdaman ko para sa kaniya pero i was wrong."

Pagpapatuloy ko.

"Hindi ko na kinaya ang tinatago kong nararamdaman sa kaniya at gumawa ako ng paraan para magkalapit kami sa isat-isa... nakipag kaibigan ako sa kaniya at doon nagsimula ang pag iibigan namin dalawa ng Daddy Matthew mo. hindi lang iyon anak, dahil ako pala ang first love ng Daddy Matthew mo noong highschool palang kami."

Sabi ko sa kaniya habang naka ngiti. nakatingin lang sakin si Isaac at halatang nakikinig siya sa kwento ko.

"Ano pong nangyari after niyon?"

Tanong niya sakin.

"Noong highschool pa lang kami, niligawan ko siya. naging kami and unfortunately dumating si Maica at ginulo niya ang love story namin. tinakot niya ako na sasabihin niya sa Lolo mo na may relasyon ako sa kapwa ko lalaki, and nung panahon na iyon is namro-mroblema ako sa grades ko at nangangamba akong bumagsak."

Paglalahad ko sa kaniya.

"Ginamit ko ang daddy mo para makapasa ako sa subject ko na iyon kung saan ako bumaba. ginamit ko din si Maica before para pumasa din pero hindi niya alam na ginagamit ko lang siya before. dahil doon, pinagkalat ni maica na kami na sa buong school. nung malaman ito ng Daddy Matthew mo, hindi siya naniwala. pero naniwala na siya nung makita niya kami ni Maica sa loob ng Isang laboratory na hinahalikan ko siya. that's my plan before para gamitin si Maica, pero iyon pala ang pinaka useless at dumb plan na nagawa ko dahil nasaktan ko ang damdamin ng taong mahal ko na walang iba kundi ang Daddy Matthew mo."

Mahabang sabi ko sa kaniya.

"After I graduate in highschool, nabalitaan ko na nag aral abroad ang Daddy Matthew mo, hindi siya umattend ng graduation namin noong highschool. kinuha na niya ng maaga ang diploma niya at nag aral ng college sa US. samantalang si Maica naman ay buntot ng buntot sakin, hindi niya ako nilalayuan. pinagkalat niya kase na arrange marriage ang mangyayari samin kapag umabot na kami sa tamang edad."

✓ THE INDESTRUCTIBLE CEO (THE BOOK 2 OF THE COLD-HEARTED DOCTOR) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon