MMPE<3 -- Chapter 7

120 16 11
                                    

~Mika's POV

CAFETERIA

Prelim exam na bukas kaya naman lahat ng prof. naming nagchecheck lang ng attendance tapos nagpapadismiss na, mag review na daw kami para makapag handa sa exam.
Kaya andito ako ngayon nakatambay buti nalang nakapag review na ako last week kaya maaga ako matutulog mamaya.
Yumuko muna ako sa lamesa para makapag relax.
"Ahem, Ahem" Inangat ko yung ulo ko para makita ko kung sino 'yon.
Nung nakita ko kung sino 'yon tinignan ko lang siya ng matalim tapos bumalik sa pagkakayuko sa lamesa.
"Uy, Mika" sabi niya tapos sabay tapik sa braso ko.
"Hindi tayo bati, dun ka nga" sabi ko sakanya ng naka yuko pa rin.
"Andito ako para mag sorry sa ginagawa ko sayo" umayos ako sa pagkakaupo ko.
"Talaga? Ikaw? Ego? Magsosorry? Pinapatawa mo ba ako?" gulat na gulat na sabi ko sakanya.
"Oo nga" matipid na sagot niya tapos umupo siya sa upuan sa may harap ko.
"Sorry Mika" sabi niya na nakatingin sa mata ko tapos napaka seryoso mahahalata mo namang sincere siya, sa totoo lang ngayon ko lang siya nakita na ganito kasi naman diba kung barahin, sungitan niya ako wagas. Hindi naman agad ako nakapagsalita.
"So, silence means yes?" sabi niya with matching smile pa.
"Hmmm. Mag beautiful eyes ka muna" utos ko sakanya para batiin ko siya.
"Seryoso?"
"Muka ba akong nagbibiro?" kunwaring masungit na sabi ko. "Sige, hindi na tayo bati" panakot na sabi ko pa sakanya.
"Oo na, Oo na gagawin na" ngumiti ako tapos tinignan siya.
*WINK* *WINK* *WINK* *WINK*
Sobrang lakas ng tawa ko dahil ang cute niya nung ginawa niya 'yon.
"Ayoko na nga tinatawanan mo naman ako" nagtatampo na sabi niya.
Pinigilan ko yung tawa ko baka kasi hindi na niya ulitin yun eh ang cute pa naman niya kapag nag bebeautiful eyes.
"Peace" with sign na sabi ko.
"Dahil jan bati na tayo" inabot ko yung right hand ko para makipag hand shake.
Naghand shake kami "Friends?" tanong niya.
"Friends" sabi ko.

~Zia's POV
I can't believe na prelim exam na bukas 25% din yun sa grade. Hindi pa ako ready bukas hindi pa kasi ako nakakareview ngayon, busy kasi ako sa pagmomodel tapos si Ego hindi pa ako pinapatawad.

*Toot* *Toot*
Hindi ko muna pinansin kung sino yung nagtext.

After 15 minutes
Naalala ko meron palang nagtext sakin.
Tinignan ko kung sino 'yon.

From: Mitch

Girl, You must go here at cafeteria. ASAP!

Ano naman kayang meron dun at pinapamadali ako ni Mitch, Inayos ko na yung mga gamit ko para pumunta doon.
Papunta ako sa pwesto nila Mitch at Monette, natigil ako sa paglalakad kasi nakita ko si Ego at Mika magka hand shake sila.
Lumapit si Mitch at Monette sakin. "Girl, mejo late kana, kanina pa sila nag-uusap" sabi ni Mitch. "Oo nga tawa nga ng tawa kanina 'yang Mika na yan eh." Dagdag na sabi ni Monette.
Naiinis na talaga ako kay Mika may gusto ba siya kay Ego? Wag lang siyang magkamali na magkagusto sa lalaking gusto ko hindi niya alam ang mga kaya 'kong gawin.
Tinignan ko si Mitch at Monette at sabay sabing "Ano ba kayo Girls sa tingin niyo si Prince Ego magkakagusto kay Mika?"
"Of course not!" sagot nila.
Diba malabong mangyari yun, sa panaginip pwede pa pero sorry si Mika this is not dream this is the reality. Kami ni Ego ang meant to be.

~Mika's POV

"Did I miss something?" sabi ni Zia tapos tumabi siya kay Ego.
"Hello Bestfriend, wala naman nag-uusap lang kami ni Ego." Nginitian ko si Zia, nginitian rin naman niya ako.
Kinalabit ni Zia si Ego, tinignan lang naman siya ni Ego. "why are you like that to me?" nagtatampo na sabi ni Zia. "What?" matipid na sabi naman ni Ego. "Alam mo mas malamig ka pa kaysa sa yelo" nakasimangot na sabi ni Zia. Nakaka out of place naman silang dalawa, Aalis nalang muna ako para makapag-usap sila ng maayos. "Alis muna ako guys ha." Paalam ko sakanila, nginitian lang uli ako ni Zia.
Aalis na sana ako ng pinigilan ako ni Ego. "Wait, Mika I'll come with you" agad siyang tumayo hindi man lang niya kinausap si Zia. "Let's go" sabi niya. "Pero, paano si Zia" hindi niya ako inimik hinila nalang niya ako basta na hawak hawak yung kamay ko.
"Uy, san ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sakanya.
"Kakain ng merienda" matipid na sagot niya sakin.
"Kakain ng merineda? Eh andun na nga lang tayo kanina sa cafeteria" reklamo ko sakanya habang naglalakad.
"Ayaw ko mga pag-kain dun" daing niya.
Ang arte talaga nitong lalaking 'to.
Okay heto nanaman po tayo, once upon a time kasama ko ang campus prince ng university tapos lahat ng tao nakatingin samin.
Bigla akong pumiglas sa pagkakahawak sa kamay niya kaya napahinto siya sa paglalakad tapos tumingin sakin "Why" bigla niyang sabi. "Eh, kasi" tinuro ko yung mga estudyante na nakatingin samin gamit yung mga mata ko para di mahalata. "Don't mind them" naasar na sabi niya. "Don't mind them ka jan, palibhasa kasi hindi naman sila sa'yo galit, sakin naman" sabi ko sa isip ko.
"Doon nalang tayo magmerienda sa Mall" aya niya sakin, napaka sosyal talaga nitong lalaking 'to magmemerienda na nga lang sa Mall pa ang gusto.
"Sosyal sa Mall pa ang gusto" sabi ko na may pang-aasar.
"Saan mo ba gusto magmerienda" tanong niya sakin.
"Hmmmm" kunwari nag-iisip ako. "Alam ko na para hindi tayo gumastos ng malaki" napa smile ako sa naisip ko.
"Ano naman 'yon?" tanong niya sakin.
"Basta, wait mo ako sa Canteen may bibilhin lang lang ako" hindi ko na siya hinayaang magsalita pa tumakbo ako palabas ng University.
-
AFTER 15 minutes

Andito na ako sa canteen may para hanapin si Ego. Hanap here, Hanap there, Hanap everywhere.
Ayun siya agad akong pumunta sa pwesto niya bitbit yung binili ko.
"Ba't ang tagal mo? Alam mo bang gutom na ako" reklamo niya, sabi na kasi eh makakarinig nanaman ako ng reklamo galing sakanya.
"Sorry na, ito na nga oh bumili na ako ng memeriendahin natin" pinakita ko sakanya yung binili ko.
"Ano naman yan?"
"Pandesal, Condensemilk at cheese hindi mo ba nakikita?" siraulo talaga 'tong lalaking 'to pinakita ko na nga sakanya magtatanong pa.
Umupo na ako, magkaharap kami ni Ego. Nilabas ko sa plastic yung mga pinamili ko napansin 'kong may kulang.
"Ego, hiram ka nga ng can opener tapos kutsilyo tska spoon" utos ko sakanya, nakita 'kong nagkamot siya ng ulo niya. Sorry naman nakalimutan ko.
"Yun lang ba?" tumango lang ako.
Bumalik siya dala dala yung mga inutos ko sakanya ngumiti ako sakanya tapos nag smile.
Binuksan ko yung condense milk gamit yung can opener, Tapos nag cut na rin ako ng cheese, kumuha ako ng pandesal nilagyan ko yun ng condense milk tapos nilagyan ko rin ng cheese, habang ginagawa ko 'yon nakatingin lang si Ego.
"Oh, kainin mo, masarap yan" inabot ko sakanya yung pandesal.
Nung hawak niya yung pandesal tinignan niya muna tska inamoy kahit kailan talaga ang arte nitong lalaking 'to bahala siya jan, kumuha ulit ako ng pandesal at nilagyan 'yon ng condense at cheese grabe na miss ko 'to.
Tinignan ko si Ego mukang sarap na sarap siya sa pandesal.
"Bigyan mo pa nga ako" sabi niya habang ngumunguya.
"Beautiful eyes ka muna" gusto ko kasi ulit na makita siyang nagbebeautiful eyes ang cute niya.
"Ayoko nga"
"Edi wag, Ako nalang kakain nito lahat" pagbabanta ko sakanya.
"Oo na, Oo na" Panalo nanaman ako. HAHAHA!
*WINK* *WINK* *WINK*
Hindi ko talaga mapigilang mapangiti kapag ginagawa niya 'yon, Tulad ng pangako ko inabot ko sakanya yung pandesal.
"Masarap diba?" sabi ko tsaka inabot sakanya yung pandesal.
"Hindi" sagot niya sabay kagat sa pandesal.
"Hindi ka jan, ang dami mo na kayang nakain tsaka sarap na sarap ka nga"
"No choice, gutom na kasi ako" Sus! No choice daw hindi pa kasi aminin na masarap pakipot pa.
"Ok" sabi ko.
"Joke lang, masarap siya"sabi na eh nasarapan din naman siya nagpakipot lang siya.
Nag smile lang ako.
"Asan pala si Lewis?" nagtataka ako kasi hindi ko pa siya nakikita dati rati kasama naming siyang magmerienda.
"May gagawin daw" sabi ni Ego na sarap na sarap sa kinakain, siguro nag rereview na yun para bukas.
Napatingin lang ako kay Ego, gusto ko sana siyang tanungin about kay Zia kaya lang baka sabihin niyang pakelamera ako hayaan ko nalang siyang mag open up sakin mag kaibigan naman na kami ngayon. Alam'kong hindi sila ok ni Zia eh, Ba't ko alam? Syempre mahahalata mo naman 'yon.
"Oh ba't ka nakatingin sakin?" bigla akong natauhan nung narinig ko yung boses ni Ego.
"Wala, ang gulo mo kasing kumain tignan mo may dumi kapa jan malapit sa labi mo" nilapit ko konti yung muka ko tapos kunwaring may tinggal na dumi malapit sa labi niya. Joke ko lang sakanya yung may dumi siya sa malapit sa labi niya.
Napaatras siya tapos sabay sabing "S-sige M-mika una na ako may gagawin pa kasi ako" agad na siyang tumayo tapos naglakad palayo. Ano kayang nangyari dun nagmamadaling umalis siguro natatae na 'yon kaya ganon.

Ego's POV~

"Oh! Pare, musta? Nakahingi kana ba ng sorry ka Mika?" bungad na tanong sakin ni Lewis, kararating ko lang sa bahay nila ganyan agad ang tanong nitong kaibigan ko.
"Ok na kami" matipid na sagot ko.
"Buti naman" sabi ni Lewis habang nagbabasa ng libro.
"Musta naman ang araw kasama siya pare?" naka smile na tanong niya sakin habang nakatingin pa rin sa libro niya.
"Ano naman yang tanong mo pare" A day with her? Naisip ko nanaman yung ginawa niya kanina na nilapit niya yung muka niya tapos tinggal yung dumi malapit sa labi ko. Papansin yung puso ko biglang bumilis yung tibok.
Natauhan akong ng may naramdaman akong may binato sakin.
Lokong Lewis 'to binato ako ng piso.
"Oy Pare tulala ka jan, sagutin mo na yung tanong ko" sabi niya tapos kumuha ng chippy, hindi ko alam na napatulala pala ako kanina.
"Ok lang naman kasama ko siya kanina mag merienda"
"Yun lang?" may pagtataka sa tono na sabi ng lokong kaibigan ko.
"Oo nga" matipid na sagot ko. "Ituloy mo na nga lang yang pag-rereview mo jan mamaya wala kang makuha sa exam bukas." Dagdag na sabi ko sakanya.
"Wow, Ego ikaw ba yan, inuutusan mo na akong mag-review?" tinignan ko lang siya ng masama para tumigil na siya.
Takte naman hindi ko malimutan 'yong ginawa niya kanina parang paulit ulit na nagflaflashback tapos nilapit pa niya yung muka niya kanina sakin. Makapagreview na nga lang(ngayon lang 'to).

A/N:

Here's My another update Guys. :)

I wanna dedicate this chapter to @Yoona_Fever.

Thank You for reading MikaMeetsPrinceEgo.

And Thank You rin po sa VOTE and COMMENT.













Mika Meets Prince EgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon