MMPE<3 -- Chapter 8

55 17 12
                                    


~Mika's POV


Salamat tapos na rin ang kalbaryo naming mga estudyante kasi tapos na ang exam thanks to God kasi matataas lahat ng nakuha ko may bunga ang paghihirap ko.

"Congrats Mika" sabi ni Lewis na umupo sa tabi ko.

"Salamat. Ikaw musta mga scores mo?"

"Ayun mataas din pinag review kasi ako ni Ego" sabi niya tapos ngumiti ng nakakaloko.

"Ganun? Edi kung hindi ka niya pinag review hindi kana magrereview?" gulat na tanong ko sakanya.

"Parang ganun na nga" sabi niya tapos ngumiti ulit. Kanina pa siya ngiti ng ngiti.

"Ang saya mo yata ngayon Lewis" kanina pa kasi siya ngiti ng ngiti parang ewan.

"Oo dahil mataas yung nakuha 'kong score inspirasyon ko kasi yung taong gusto ko" sabi niya tapos ngumiti nanaman.

Hindi kaya yung tinutukoy niyang gusto niya si Ego? kasi sabi niya kanina pinag review siya ni Ego? Kaya siguro palagi silang magkasama, Kaya siguro hindi nagkaka girlfriend si Lewis dahil may lihim na pagtingin siya kay Ego. Whaaaat? OMG! Bakla si Mark Lewis?

"Oy! Anong iniisip mo bat ganyan itsura mo" bigla akong natauhan sa sinabi ni Lewis hindi ko namalayan nakahawak na pala ako sa magkabila 'kong pisngi.

"Ah-eh..w-wa-la" nauutal 'kong sabi.

Sayang naman yung kagwapuhan niya 'kong bakla siya. Paaminin ko nga 'tong Lewis na 'to tungkol sa kasarian niya.

Hinila ko siya palabas ng classroom namin at pinunta ko siya sa walang katao tao.

"Bakit mo ako hinila papunta dito?" nagtatakang tanong niya sakin.

"Oi Lewis umamin ka nga sakin" tinuro ko pa siya habang sinasabi yan.

"Ano naman ang aaminin ko sayo?" naguguluhan na sabi niya, maang maangan pa kasi 'to hindi nalang umamin.

"Na bakla ka, Na yung taong gusto mo ay si Ego" walang alin alin na sabi ko.

Tinignan lang ako ni Lewis sa sinabi ko tapos tumawa siya ng sobrang lakas na akala mo wala ng bukas.

"Ewan ko sayo Mika kung ano anong iniisip mo" sabi niya na natatawa pa rin ang weird talaga nito.

"Eh ano nga si Ego ba yung tinutukoy 'mong gusto mo?"

"First, hindi ako bakla and Second, hindi si Ego yung taong gusto ko kasi babae yung tinutukoy ko" pagpapaliwanag niya sakin.

"Weh?" sabi ko na nang-aasar na tono.

"Gusto mo bang halikan kita diyan para mapatunayan 'kong hindi ako bakla gaya ng iniisip mo tska bakit mo naman nasabi na bakla ako at si Ego yung gusto ko?"

"Eh, sabi mo kasi pinag review ka ni Ego tska palagi kayong magkasama at isa pa hindi ka pa nagkakaroon ng Girlfriend" sagot ko sa tanong niya.

Natawa nanaman siya sa mga sinabi ko. Hindi kaya totoo yung sinasabi niyang hindi siya bakla? Na Babae yung tinutukoy niyang gusto niya. Hindi kaya imahinasyon ko nanaman 'yong mga pinagsasabi ko kay Lewis? MYGAD kung totoo ngang imahinasyon nakakahiya sakanya.

"Oo pinagreview ako ni Ego kasi inaasar ko siya noon, malamang kaya kami magkasama kasi simula pagkabata magkaibigan na kami at last kaya hindi pa ako nagkakaroon ng Girlfriend kasi wala pa akong lakas ng loob na umamin sa taong gusto ko" mahinahon na pagpapaliwanag niya sakin.

Mika Meets Prince EgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon