Chapter 1
Mika's POV~
Waahh! Ang ganda ganda pala dito ang lalaki ng mga buildings at mga billboards. Siguro kung andito sila lolo at lola matutuwa yung mga yun. Haayy miss ko na sila pinilit ko lang ang lolo at lola ko na pumunta dito sa Manila.
***FLASHBACK***
“Lolo, Lola, payagan niyo na po ako dun mag-aral sige na please” pagmamakaawa ko sakanila
“Apo, hindi ka namin kayang pag aralin ng lola mo dun alam mo namang kapos tayo sa pera” sabi ni lolo
“Pero, meron naman po akong naipon na pera para sa pag-aaral ko” sabi ko sakanila
Hanggang sa huli napilit ko ang lolo at lola ko na mag-aral dito
***END OF FLASHBACK***
After kung nag graduate naghanap ako ng trabaho para maka ipon nang pera para sa pag-aaral ko, nagpursigi ako magtrabaho kung ano anong pinasukan ko taga hugas ng plato, saleslady, para maka ipon ng pera at para masundan si Zia miss na miss ko na talaga ang bestfriend ko isang taon din kaming hindi nagkita ano na kaya ang itsura niya?
Ako nga pala si Mika Castillo 17 years old, hindi ko na nakilala ang mga parents ko kasi sabi ni lolo at lola namatay daw ang mama ko sa panganganak sakin at ang papa ko naman daw bigla nalang nagkasakit, ang lungkot noh hindi ko man lang sila nakita, nakilala tama na nga ang drama buti nalang anjan si lolo at lola para sakin.
Naglalakad ako ngayon para makahanap ng boarding house na matitirhan ko, ang swerte ko nga eh may nahanap ako agad apartment siya 3,500 solo ko pumayag naman na ako mas gusto ko kasi yung walang kasama sa kwarto para walang magulo gusto ko tahimik lang.
Pumunta na ako sa Saint Claire University para makapag entrance exam. 2 hours din akong nagsagot hindi naman ako masyadong nahirapan. Nag-apply din ako para maging working student ayun ininterview ako, hindi ko pa alam kung nakapasa ako. BS-HRM pala ang kinuha ko kasi mahilig ako sa pagluluto, gusto ko rin kasing maranasan mag bake nag cake at gumawa ng cookies.
Habang naglilibot ako sa campus naiisip ko si Zia kung may bago na ba siyang kaibigan, kilala pa ba niya ako?, ano kayang course niya? 2nd year college na siya ngayon. Napatigil ako sa iniisip ko kasi may nabangga ako yung noo ko tumama sa dibdib niya.
“Anu ba yan miss ang lampa mo naman” sabi nung lalaking nakabangga ko
“Sorry hah! Pasensiya na kung lampa ako!!” sabi ko sakanya na umirap ako tapos umalis sa harap niya
Hinila niya yung kamay ko at sabay sabi “Aba Miss! Hindi mo kilala kung sinong nasa harap mo?”
“Hindi! bakit nagpakilala ka na ba sakin? Wala na akong balak kilalanin ka pa!” kunot-noo na sabi ko
“Makikilala mo rin ako, soon” ngumiti siya at umalis na
Wala naman akong balak kilalanin yung lalaking yun noh! At isa pa ang yabang niya imbis na mag sorry siya sakin sinabihan pa ako ng lampa! Hindi siya gentleman!
Bumalik ako sa office kanina kung saan ako nag take ng exam at sa wakas nakita ko na yung resulta, pasado naman at kinausap din ako ng guidance na pasado ako sa interview at nakuha akong working student ng university na ito mag wowork ako as librarian ng school.
Nagpapasalamat ako kay Papa Jesus dahil nakapasa ako ngayon sa exam at nakuha bilang working student thank you sa blessing. Bukas na pala ang first of school kailangan ko ng mamili ng mga school supplies.
Pumunta ako sa Mall para mamili agad naman akong namangha first time ko kasing pumunta sa mall kaya naman ang saya saya ko agad akong naglakad lakad sumakay akong escalator para umakyat pumasok ako sa “National Book Store” kasi nakita ko na may mga libro dun kaya alam ko may mga school supplies dun.
After kung mamili ng mga gagamitn ko para bukas, Naglibot libot muna ako ang daming magagandang babae dito at ang daming gwapo. Napatigil ako sa isang shop ng mga damit dahil may nakita akong isang malaking picture ng model ng isang lalaki, teka lang siya ba yun? Yun nakabangga ko sa school kanina? Hindi ako makapaniwala kaya pumasok ako at nilapitan yung picture at tinitigan.
“Miss? Pogi ba bakit ka nakatitig jan?” isang boses lalaki ang nagsalita mula sa likod ko
“Oo kaya lang ang yabang niyang lalaking yan” sabi ko na nakatingin lang sa picture
After kung sabihin yan napalingon ako sa likod, at nagulat naman ako sa nakita ko yung lalaking yun nasa likod ko pala, at ang kapal ngumiti pa sakin. Kaya naman inirapan ko tapos sabay tumakbo ako paalis dun sa mall.
Haay! Naiinis talaga ako dun sa pagmumuka ng lalaking yun ang kapal nun ewan ko ba bigla nalang akong naiinis dun. Uwi na nga lang ako ayusin ko nalang mga gamit ko para bukas.
A/N: Ano kayang mangyayari kay Mika sa 1st day of school niya sa Saint Claire University, magkita na kaya sila ng bestfriend niyang si Zia?.. Abangan~ COMMENT PO KAYO Sana po nagustuhan niyo yung story (Picture Ni Mika Nasa Side)
BINABASA MO ANG
Mika Meets Prince Ego
RomansaBest Friends are very special people in your life. Umalis ang Best Friend ko para mag-aral sa Saint Claire University kinailangan niyang umalis ng probinsya, at dahil mahal na mahal ko ang bestfriend ko sinundan ko siya sa unibersidad na pinag-aara...