Mika's POV~
Naglalakad ako ngayon papasok sa University para sa 1st class ko. Hindi na bago sa akin na maraming makitang nagkakagulong Estudyante sa harap ng gate para salubungin ang pagpasok ng CAMPUS PRINCE nila.
"Tss!! Ano bang meron sa lalaking iyon para pagkaguluhan siya hmp!" sabi ko habang nakatingin sa mga Estudyante na may hawak ng mga tarpulin, banners etc.
"Ikaw lang ang kilala ko na ayaw sa Campus Prince ng University ah"
Napalingon ako para tignan kung sino yung nagsalita, Si Lewis pala
"Anong ginagawa mo dito?" nakakagulat naman siya bigla-bigla nalang siyang sumusulpot
"Wala, nakita kasi kita dito kaya nilapitan na kita" nakangiti niyang sabi
Naghiyawan na ang mga Estudyante, yun na ang signal na paparating na ang pinakamamahal nilang Campus Prince. Napatingin ako sa kabilang side, nakita ko si Zia kasama niya yung babaeng nagsungit sakin. Ibig sabihin may gusto siya dun sa mayabang na Campus Prince ng University?!?
Bumaba na siya sa kotse, todo hiyaw naman ang mga babae, aalis na sana ako ng hinila ni Lewis yung kamay ko.
"Wait Mika, sabay na tayo" Waahh! ang lambot ng kamay niya grabee.. kaya naman wala na akong nagawa
"Pare!! Lewis!!, sabay na ako sa inyo"
Napalingon kaming pareho ni Lewis sa likod, Hmp! yung kumag lang naman pala. Tatlo kaming naglalakad ngayon papunta sa kanya kayang classroom namin.
Habang naglalakad salita ng salita itong kumag na ito, naririndi na ako sa boses niya, tapos bigla niya akong kinalabit at saba'y sabing "Bakit hindi ka nagsasalita?" hindi ko siya pinansin, humiwalay na ako sa kanila para pumasok sa klase ko.
Habang naglalakad ako para pumasok sa classroom, nakatingin sakin yung mga babae sa akin hindi ko nalang sila pinansin kaya naman pumasok nalang ako at umupo sa upuan, narinig ko yung mga usapan nila.
"Sino ba siya? bakit kasabay niya si Ego at Lewis?" Girl#1
Bakit masama bang makasabay silang dalawa?
"Hindi naman siya maganda" Girl#2
Alam ko hindi naman ako kagandahan katulad niyo, pero alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama
"Malay niyo Girls! JULALAY nila?" Girl#3
Sabay tawanan silang tatlo, sinasadya nilang iparinig sa akin yung mga usapan nila. Hays! mga chismosa nga naman..
--
2ND CLASS
Sa wakas 2nd Subject na namin tapos 30 minutes break..
Andito ako ngayon sa room nakaupo hinihintay ang prof.. may mga Estudyante nanaman na pinag-uusapan ako dahil kay Ego at Lewis bakit ba eh, nakisabay ko lang naman sila.
Yung mga iba tinitignan nila ako ng taas baba, tapos iirapan pa nila ako Hahayst!
Ang tagal ng prof namin anong petsa na..
Nagulat ako sa isang classmate ko kasi pumasok siya tapos kinikilig tapos saba'y sabing "Oh My God si Ego at Lewis papunta sila dito"
"Mika sabay ka na samin ni Ego mag merienda" alok ni Lewis sa akin
"Hah?!? may klase pa ako ngayon eh una nalang kayo"
Tumingin ako sa mga classmates ko halos lahat sila nakatingin sa amin.
BINABASA MO ANG
Mika Meets Prince Ego
RomanceBest Friends are very special people in your life. Umalis ang Best Friend ko para mag-aral sa Saint Claire University kinailangan niyang umalis ng probinsya, at dahil mahal na mahal ko ang bestfriend ko sinundan ko siya sa unibersidad na pinag-aara...