MMPE<3 -- Chapter 9

64 13 12
                                    

~Mika's POV


"Lewis pwede bang iba nalang yung ipagawa mo sakin? wag nalang yang pagsali sa pageant na yan" sabi ko sakanya habang naglalakad papunta kasi kami ngayon sa dean's office para ipalista yung pangalan ko sa secretary, ano naman kayang alam ko jan ni hindi ko nga alam rumampa.

"Diba sabi mo lahat gagawin mo? Ito ang gusto 'kong ipagawa sayo" bumuntong hininga nalang ako wala naman na akong magagawa.

Problema ko din kasi yung gagamitin 'kong pera para sa pageant na yan 100 pesos na nga lang ang laman ng wallet ko. Kailangan ko na talagang magtipid iniisip ko saan nalang ako pupulutin dahil wala na akong kapera pera hindi pa ako nakakabayad ng renta sa apartment papalayasin na nila ako doon. Kailangan ko na talagang makahanap ng part time job.

Nakarating na kami sa loob ng dean's office umupo muna ako tapos si Lewis naman kinakausap niya yung secretary.

Lumapit sakin si Lewis at may inabot at sabay sabing "Oh sagutan mo sabi ni Ms. secretary seryosohin mo yan" tsaka umupo sa tabi ko.

Tinignan ko kung ano yung nakasulat dito sa papel para lang naman akong sasagot ng authograph alam niyo yun nung uso nung high school, sagutan ko na nga lang 'to para matapos na.

Fullname: Mika Castillo

Address: Cavite

Age: 17 years old

Course: BSHRM

Why do you like to join in this activity:

Malamang kailan 'kong magsinungaling dito sa tanong na yan di naman pwedeng isagot na dahil pinilit ako ng kaibigan ko edi magagalit sakin si Lewis. Hay! bahala na si batman.

I like to join in this activity because I want to build self-confidence because you would never catch me talking in front of large crowds.

Pagkagtapos 'kong sagutan 'yon pinasa ko na sa secretary.

"Pano ba yan Mika wala ng bawian yun nakapag pasa kana ng form" sabi niya tska binuksan yung pinto ng office. Loko rin pala 'tong Lewis na 'to malamang wala ng bawian 'yon nakapagpasa na nga eh, inaasar lang ako ganun?

Tinignan ko lang siya at saba'y sabing "Pahamak ka talaga" totoo naman kasi pahamak siya ayoko kasi ng sumasali sa pageant na yan baka mapahiya lang ako.

Nakarating kami ni Lewis sa Cafeteria nakabusangot akong umupo sa upuan, si Lewis ayon agad umorder ng kakainin, kaharap ko si Ego na kanina pa nandito.

"Oh? Ba't ka naka busangot jan? ang panget mo na nga lalo mo pang pinapapanget muka mo" sabi ni Ego.

Tumingin ako sakanya tska umupo ng maayos.

"Aba matindi, nahiya naman ako sa ka gwapuhan mo" sabi ko tapos sabay irap sa kanya. Kakahiya naman kasi sa kagwapuhan niya kahit kailan talaga napaka YABANG niya. Problemado na nga lang ako tapos aasarin pa niya ako.

"Ngumiti ka kasi para hindi ka pumapanget" 

Hindi ko pinansin yung sinabi niya umirap lang ako. Ayaw ko munang ngumiti ngayon panget na kung panget.

Palapit na si Lewis samin dala yung binili niyang pag-kain, napahawak ako sa tiyan ko nakaramdam ako ng gutom hindi kasi ako kumain ng umagahan.

Habang tinatanggal ni Lewis yung binili niyang pagkain sa tray at nilalagay sa lamesa takam na takam ako paano ba naman kasi spaghetti at pizza yung nilapag niya tapos softdrinks tapos nagulat ako sa inabot sakin ni Lewis yung favorite ko kaya naman napa smile ako habang hawak hawak 'yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mika Meets Prince EgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon