Sneak Peak of the past.

21 2 4
                                    

Grade 3 student pa ang ating mga bida sa panahon na ito. Madalas nabubully si Liz dahil sa kanyang itsura. Si Liz ay kulot ang buhok at kayumanggi ang balat. Nakasuot din si Liz ng salamin dahil sa malabo ang mga mata nito. In short she looks like an elementary nerd sa kanilang class.
Ang isa sa madalas na nambubully kay Liz ay ang classmate nitong si Francis. Si Francis ay isang batang pilyo. Madalas na may complainant ang batang Ito kaya madalas mapagalitan ng mga teachers at siempre madalas mapatawag ang magulang. Marami rin ang kabataang babae na nagkakagusto sa pilyong Francis na Ito. Matangkad, payat, hati ang buhok pero nakabrush-up. May dalang killer smile ang mga ngiti nito sa kababaihan. Madalas makatanggap ng mga letters si Francis about confessions. Ang ginagawa naman ng bata sa mga sulat na natatanggap niya ay itinatapon nito directa sa basurahan o kaya naman ay inaabot sa mga kasamahan niyang laging nasa likuran niya.

Nakatanggap na naman ng isang love letter si Francis. Iniabot mismo ang sulat habang siya ay nakaupo sa kanyang desk sa loob ng classroom.
Wala pa ang teacher kaya magugulo pa at maiingay ang mga bata.
Nakasimagot na tanggapin ni Francis ang sulat na iniabot sa kanya. "Ikaw!" Aniya na nakatitig sa hawak niyang sulat. Nagitla ang batang babae na Ito ngunit ngumiti pa rin na para bang nasa cloud nine. Nasa isip kasi nito na swerte siya at nasa iisang classroom sila ng crush.
"Huwag mo na kong bibigyan ng sulat." Ginasumot ni Francis ang sulat at tinapon ng malakas sa harapan. At sa harapan ng row ay may tinamaan.
"Bakit naman hindi na kita bibigyan ng letters? Wala ka pa ngang nabasa sa sampung letters na inaabot ko eh." Reclamo ng classmate nitong babae. Pero malambing ang pagkakasabi nito.
Napasipa si Francis sa desk dahil sa pagkairita nito. "Iniinis mo ba talaga ko?! O gusto mong upakan din kita ha?!"
Natakot ang classmate nitong babae at umiiyak na bumalik sa desk nito sa harapan ng row. Agad naman ding kinomfort ng iba pang kaklaseng babae ang busted nilang classmate at masasama ang tingin sa batang Francis.
"Pakelam ko sa inyo." Bulong ng bata sabay kuha ng kanyang wallet to check his money.

Lumapit kay Francis ang babaeng tinamaan nito ng ginasumot na letter.
Dala ng bata Ito ang letter na inayos niya sa pagkakagusot at binaksak ng galit sa desk sa harapan ni Francis. Nabigla ang batang si Francis sa ginawa ng classmate, tumayo ang bata at sinabing. "Anong problema mo kulot?!"
Nakangiwi ang mukha ng classmate nitong babae at inalis ang salamin sa mata. Napaurong ng bahagya ang batang si Francis sa nakita nitong reaction sa kanyang classmate, na para bang may lalabas na usok sa butas ng ilong nito.
"Ang yabang mo naman!" Ang sabí ng batang babae.
"Ha!?" Sagot ni Francis.
Hinawi ng batang babae ang bangs nito sa kanyang noohan at tumingkayad para matitigang mata sa mata si Francis.
"Ang sabí ko! Mayabang ka! Akala mo kung sino kang guapo dito sa school na to! Dito sa classroom natin!"
"Ang lakas din naman talaga ng loob mong sabihan ako ng ganyan! Ikaw na four eyes ka!" Mas lumapit pa ng kaunti si Francis sa mukha ng kaklase nito. "Ikaw nerd, inggit ka lang kasi kung ikaw ang gagawa ng love letter for me, kahit 100 pa na sulat ang gawin mo, lahat yan bago pa makarating sakin pinatapon ko na!"
"As if naman na susulat ako sa isang lalaking kagaya mo! Ang ere mo kaya! And for your info, hindi kita type! Ang layo ng itsura mo sa tao!" Sabay talikod ng batang babae kay Francis. Bago pa man makahakbang ang batang babae ay nahila na ni Francis ang I.D strap nito sa likuran at napahinto ang batang babae at muling humarap kay Francis. "Ano ba?! Hindi yan dog collar ha!" Reclamo ng bata.
Tinitigan ni Francis ang I.D, binabasa nito ang nakasukat at mabilis na hinatak ito pataas habang ang batang babae ay napatingkayad at pilit na hinahatak ang strap.
"So, your name is Liz. Liz Masaya." Binitawan ni Francis ang I.D at muling naupo sa kanyang desk at tumawa ng tumawa. Kumunot ang noo ni Liz at napaclose fist. "Hindi porket masaya ang apellido ko ay kailangan mo ng tumawa diyan." Nahihiyang sagot ni Liz.
Tumalikod si Liz at humingang malalim at sinuot muli ang kanyang salamin sa mata at muling bumalik sa kanyang desk sa harapan.

Habang nangyayari pala ang eksenang  nagkakainitan sina Francis at Liz. May isang bata pala na nasa pintuan ng kanilang room na natatawang pinanonood sila.
Lumapit ang teacher sa batang tumatawa at hinawakan ang I.D nito. Napatigil ang bata sa kanyang pagtawa at sinabing "Good morning po teacher."
"Ikaw, Allan Clásico this isn't your classroom. So if you mind going back to your room now. The class will start."
"Yes po sir, I will go now." Sagot ni Allan.
Naglakad si Allán sa corredor at huminto saglit sa kabilang pintuan para muling pagmasdan ang babae na nakita nitong nakikipagtalo. Ngumiti si Allán. "I can't believe she's crazy." At napailing ang bata.
Malakas na napaehem ang teacher ng makita si Allan na nasa pintuan na naman, agad namang tumakbo ang bata pabalik sa classroom nito.

Nag ring na ang bell at sinabi ng teacher na class is dismissed.
Sa bintana pa lang ay kita na ang pagpatak ng ulan hindi man kalakasan pero makulim-lim ang ulap.
Sa may gate sa labas ng school nakaabang na ang sasakyan na susundo kay Francis. Bumaba mula sa kotse ang yaya ng bata at sinalubong si Francis na may dalang payong.
Hindi muna agad umalis si Francis sa gate bagkos ay gumilid sila ng kanyang yaya at tumingin muna ang bata sa kanyang nakainitang kaklase na si Liz. Si Liz ay nakatayo din sa di kalayuan. Halos lahat ng batang nagsisiuwian ay may sundo at may dalang payong ang mga sumusundo. Pansin agad ni Francis na mukhang walang dalang payong ang kaklase nito at mukhang wala ring susundo.
Si Liz ay nakatingin sa may kalangitan at pinagmamasdan ang ulan habang nakasalo ang palad nito sa mga pumapatak. Namangha si Francis sa nakikitang reaction nito kay Liz, na para bang nasasayahan pa ang batang si Liz kahit alam na puede siyang mabasa at magkasakit sa ulan.
Sa likuran ni Liz ay may isang bata na kumalabit sa kanya. Nilingon ni Liz ang kanyang likuran at nakita nitong inaabutan siya ng bata ng isang payong. "Ito oh, gamitin mo." Ang sabí ng bata. Pagkakita ni Liz sa itsura ng mukha ng batang Ito ay para bang may malakas na hangin na umihip sa kanyang mukha at nakurap-kurap Ito ng sandali. "Payong.. para di ka mabasa." Dagdag ng bata.
Tinanggap ni Liz ang payong na may ngiti sa kanyang mga labi. "Salamat." Sagot ni Liz. "Ibabalik ko ulit tong payong mo, sayo."
Ngumiti ang batang lalaki. "Kahit huwag na, sayo na yan, ingatan mo." Sabay na naglakad ang bata sa pagitan nila ni Francis. May isang kotse rin na naghihintay sa batang ito.
Humiyaw si Liz ng salamat at tinanong din nito ang pangalan ng mabait na bata bago pa Ito makasakay.
"Allan." Pahiyaw ding sagot ni Allan. "Allan Clásico." At itoy sumakay na sa kanyang sundong kotse.

Napangiti si Liz na tila ba kinikilig at sinasabi nito sa kanyang sarili na si Allan ang kanyang night in shining armour. Pinagmamasdan ng bata ang payong na iniabot sa kanya ng batang si Allán.
Sa kakiligan ni Liz ay hindi nito napansin na nasa tabi na pala niya si Francis at ang yaya nito. "O.A mo naman kulot!" Sabi ni Francis.
Nagitla si Liz. Nang makita nito ang mukha ni Francis ay agad itong napasimangot. "Ikaw na naman?!" Reclamo ni Liz.
"Anong ako na naman?! ikaw ha.. kitang-kita ko kaya yung ginawa niyong eksena diyan at kita ko din kung paano ka kinikig." Pang-aasar ni Francis habang nakakruz ang mga brazo nito sa kanyang balikat at nagpapasway-sway pa.
"Alam mo ikaw ang pangit mo." Seryosong sagot ni Liz.
Agad napatigil si Francis sa kanyang pag-sway at tumitig kay Liz. Buong akala kasi ng bata ay makikipag-asaran pa sa kanya Ito.
Binuklat ni Liz ang payong na bigay ni Allan at patalon-talon na naglakad palayo at nakangiti na may halong kilig na lumalayo na rin sa batang Francis na mapang-asar.
Sumeryoso ang mukha ng bata at tinawag ang kanyang yaya habang nakasunod ang mga paningin nito sa batang si Liz.
"Bakit po señorito?" Tanong ng yaya.
"Ah! Wala!" Asar na sagot nito at patakbong nagtungo sa kanilang kotse.

The following days ay madalas ng nakikita na magkakasama ang tatlo.
Si Allan ay madalas na nakikigulo sa clase nila Francis at Liz before the class start and after class naman ay más madalas na siya ang naghihintay sa dalawa sa corredor to walk with them and to talk what they will do after going home. Madalas sa playground ang tatlo nagpupunta together with their sundo except Liz na palaging umuuwi mag-isa.
Maging ang tatlo ay nagkikita sa playground na malapit sa bahay nila Liz every weekends or bibisita sila sa bahay ng isa until dinner. Madalas sa bahay nila Allan sapagkat malapit sa street kung saan nakatira si Liz ilang streets away lang.
Madalas kasing wala ang parents ni Allan always away abroad because of their job. Maging si Francis ay hindi nalalayo sa pagkakaroon ng busy parents while Liz her family is with her they have a small business that makes them busy but not so busy.

The Way I Remember Us.Where stories live. Discover now