Chapter 15

4.1K 70 4
                                    

Ilang linggo at buwan pa ang lumipas, ganoon pa rin ang relasyon na mayroon kami ni Dos. Hindi pa rin ito umaamin na may fiance na ito pero hinayaan ko na lamang dahil pareho naman kaming masaya kapag magkasama kaming dalawa. Pareho naming naibibigay ang pangangailangan ng isa't-isa. Subalit, lahat ng ginawa ko ay may kapalit. Iyon ay ang malayo sa mga kaibigan ko.

Palagi silang busy sa tuwing aayain ko sila sa bar ko para mag-inom kagaya noon. Noong una ay naiintindihan kong busy nga sila. Pero 'yong halos ilang buwan na nila akong iniiwasan ay hindi na normal. Naisip ko na, siguro ito ang bunga nang pagtatalo namin noon. Hinayaan ko na lamang muna. Alam kong darating ang panahon na maiintindihan nila ako. Sana...

“Saan ka sa Christmas?” tanong ko kay Dos. Nakahiga kaming dalawa ngayon sa kama ng isang hotel na pinag-check-in-an namin dito sa tagaytay at parehong nakabalit lamang ng comforter.

“Hmm... Hindi pa namin napag-uusapan ng family ko. Why?” mahinang sambit nito habang nilalaro ang buhok ko.

“Kung wala kang lakad, puwede naman tayo magplano. What do you think?”

“Let's see. Tawagan kita kung free ako,” sagot nito.

“Okay!”

Padalawang araw na namin dito. Tinawagan lang niya ako bigla at sinabing gusto raw niya mag-unwind sa tagaytay kasama ako. Siyempre masayang-masaya ako nang sabihin niya iyon kaya hindi ko na pinag-isipan pa at sumama na ako.

Malapit na ang pasko, at alam ko na hindi kami matutuloy ng mga kaibigan ko sa plano namin. Isang buwan na lang din at kasal na nina Mili at Dos.

“Dos,” tawag ko sa pangalan nito habang magkatabi kaming nanonood ng movie.

“Hmmm?” sagot nito pero hindi pa rin inaalis ang paningin sa tv.

Pareho kaming nakaupo sa sofa at may kinakain na chips. Nakataas pa ang mga paa namin sa center table.

“Sa tingin mo, hanggang kailan tayo tatagal? I mean, 'yong ganito nating relasyon?” Saka pa lamang ito tumingin sa gawi ko.

“Hanggang masaya pa tayong dalawa. Bakit? Hindi ka na ba masaya kasama ako?”

“Ha? Siyempre masaya!” mabilis kong sagot. “Paano kung pareho pa tayong masaya pero kailangan mo akong iwan?” ramdam kong natigilan ito.

“B-bakit kita iiwan?” wala sa sariling tanong nito.

“Dahil kailangan? Ewan ko. What if lang naman na mangyari, anong gagawin mo?”

“Ikaw?” tanong nito pabalik.

“Anong ako?”

“Ikaw? Gusto mo ba akong bitiwan?”

Kung alam mo lang...wala naman akong plano na bitiwan ka.

“Hindi, siyempre!” sagot ko at napatango-tango naman ito na tila may biglang naisip.

“Pero...depende pa rin sa sitwasyon. Siguro maiintindihan mo rin ako,” seryosong sabi pa nito.

“Maiintindihan mo rin ba ako kung hindi kita bibitiwan kahit gusto mo?” nagsalubong ang mga kilay nito.

“What do you mean?”

Ilang segundo ko pa itong tinitigan at ganoon din naman siya sa 'kin.

“Wala! Forget it! Mas'yado tayong seryoso, let's enjoy the movie dahil uuwi na tayo mamaya.” Tumawa pa ako nang bahagya para hindi nito mahalata ang kaba ko.

Tango lamang ang naging sagot niya. Pero kita ko sa mga mata nito ang pagtataka.

Tahimik namin tinapos ang movie. Akala ko ay uuwi kami na tahimik pa rin siya pero nagbago rin naman ang mood nito kalaunan.

“Kanina pa ring nang ring ang phone mo, hindi mo ba sasagutin?” tanong ko habang sinusuklay ang aking buhok. Naghahanda na kami pareho para mag-check out pero ang phone nito ay walang tigil sa pag-iingay.

“Pauwi na rin naman tayo, sina Daniel lang naman ang tumatawag.” Nagkibit-balikat na lamang ako.

Nang pareho na kaming tapos mag-ayos ng aming gamit, dinala na nito ang bag naming dalawa na may lamang ilang pirasong damit kaya hindi naman mabigat.

Hinapit nito ang baiwang ko palapit sa kaniya habang naghihintay kami sa pagbukas ng elevator. Pagtingala ko para tignan siya ay seryoso lamang itong nakatingin sa 'kin. Bumaba ang ulo nito at bumulong.

“Baka ma-snatch ka ng kung sino,” bulong nito kaya natawa naman ako.

“Tss. Walang maglalakas loob na gawin 'yon kapag ikaw ang kasama.”

“Good then,” he said and smirked.

Pagpasok namin ng elevator ay bigla na lamang ako nitong isinandal sa pader at sinunggaban nang halik. Ibinagsak nito ang aming mga bag sa sahig at iginala ang kaniyang kamay sa katawan ko. Naka-dress lamang ako kaya madali niyang naipasok ang kaniyang kamay sa loob nito.

“Dos, baka biglang magbukas na ang elevator!” sabi ko habang hinahalikan ako nito sa panga.

“Hindi 'yan,” bulong nito sabay balik nang halik sa labi ko. Sa pagpikit ko ay siya namang tunog ng elevator hudyat na nasa ground floor na kami pero hindi agad tumigil sa paghalik si Dos.

“Tara na,” natatawa kong saad at itinulak na ito palabas ng elevator. Pinulot muna naman niya ang aming mga bag bago tuluyang lumabas.

“Tss. Dapat pala nag-extend pa tayo hanggang five days,” pagmamaktol nito. Nakahawak pa rin ito sa baiwang ko habang papunta kami sa parking area.

“Grabe ka na! May mga trabaho pa po tayo, baka nakakalimutan mo?”

“I know, I know...” tamad nitong sagot.

Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kaniyang kotse at inalalayan makaupo sa passenger seat. Pagkasara ng pinto ay nakangiti pa akong pinanood siya hanggang sa bigla na lamang itong natigilan nang akmang iikot na ito papunta sa driver seat.

Tinted ang salamin ng sasakyan ni Dos kaya hindi makikita ang sakay nito. Pero maliwanag kong nakikita ngayon ang dahilan kung bakit ito natigilan sa paglalakad.

Pabalik-balik ang tingin nito kay Dos at sa puwesto ko na para bang nakikita niya ako.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan, natatakot, na-e-excite na may kaunting galit.

Kinakabahan ako sa mangyayari kapag nalaman na ni Dos ang lahat. Natatakot ako na maaaring ito na ang huli sa pagitan naming dalawa. Na-e-excite dahil sa paraan na ito ay makikita ko na naman siyang nasasaktan na nagbibigay ng satisfaction sa 'kin. At may kaunting galit dahil alam ko, sa bandang huli...maaaring ako pa rin ang talo.

Lumalaban ako sa sa giyera na ako lamang ang may alam. Nagsimula ako ng isang kompetisyon na wala namang nakikipagkompitensya.

Pero nandito na, nasimulan ko na. Gusto ko lang iparamdam sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko simula nang dumating siya sa buhay namin.

Hindi ko marinig ang sigawan nilang dalawa mula sa labas ng kotse. Ilang beses niyang sinubukan na hawiin  si Dos para alamin kung sino ang nasa loob ng sasakyan nito. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya, kitang-kita ko ang sakit mula sa mga mata niya na walang tigil na lumuluha.

Nagbuntonghininga ako ng ilang beses bago ko napagpasyahan na lumabas para harapin siya. Natigilan silang dalawa sa pagtatalo nang mabagal akong lumabas sa kotse ni Dos.

Ang galit na galit na mukha ni Mili ay unti-unting napalitan ng pagtataka at gulat. Naguguluhan sa kaniyang nakikita kung bakit ang kasama ng kaniyang fiance na lumabas ng hotel at nasa loob ng kotse nito ay ang kapatid niyang matagal nang may galit sa kaniya.

“M-mifi...” basag na boses na saad nito.

“Mili...”

Deadly Sins Series: Enticing SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon