Chapter 13

3.8K 67 6
                                    

Sa pag-iikot para hanapin si Dos, panay ang pag-iingay ng cellphone ko. Salitan na tumatawag ang tatlo kong kaibigan na hindi ko sinasagot. Hindi sila tumigil sa katatawag, siguro dahil nag-aalala sila na kanina pa ako sa banyo gaya ng paalam ko sa kanila.

Dahil ayaw nila tumigil ay sinagot ko na ang tawag ni Rein habang naglalakad sa hallway. Napansin ko na malapit na ako sa pool area dahil sa glass wall ng hotel kung saan kita ang pool. Madilim na sa labas pero maganda pa rin ang lugar dahil sa mga ilaw.

“Rein, I'm sorry. Babalik din ako agad—”

[Where the hell are you?!] seryosong tanong nito mula sa kabilang linya.

“May hinahanap lang ako—” natigilan ako sa pagsasalita at sa paglalakad nang makita ko ang pamilyar na likuran ng isang lalaki na nakatayo sa may pool.

[Mifi, listen. You need to go back. We have something to tell you. This is urgent—]

“I'll hang up, Rein. Call you later,” sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki mula sa glass wall na namamagitan sa amin.

[But Mifi, you need to know this—]

Hindi ko na pinatapos pa si Rein at agad na tinapos ang tawag. In-off ko rin ang phone ko dahil tumatawag na naman ang mga ito.

Makakapaghintay naman siguro ang sasabihin nila, pero ang gusto kong sabihin kay Dos ay hindi ko na kaya pang pigilan.

Mabagal akong naglakad papunta sa entrance ng pool area ng hotel para sana lapitan si Dos. Ngunit, natigilan ako sa aking nakita. May yumakap ditong babae na nasa kaniya pa lang harapan. Hindi ko ito pansin kanina dahil natatakluban ng kaniyang katawan.

Nagsalubong ang aking kilay at mas bumagal ang paglalakad.

“I love you babe, everyday...” malambing na tinig ni Dos sa babae. Natigilan ako sa paghakbang at napahawak sa aking dibdib.

Bakit ang sakit?

“Everyday?” tanong ng babae.

B-bakit parang pamilyar ang boses?

“Yeah...everyday babe. Why? You're still doubting my love? You are hurting my feelings,” sabi ni Dos. Wari ko'y nakatingin na sila sa isa't-isa dahil bahagyang nakayuko si Dos sa yakap nito.

“Hmmm... Of course not! I know how much you love me. Patay na patay ka kaya sa 'kin.” Sabay silang natawa.

Kinabahan ako habang iniisip kung saan ko nga ba narinig ang pamilyar na boses na iyon.

“Ako lang ba? I think, we were mutual back then. Kaya nga kinuha kita noon as secretary para araw-araw kitang makita. At para rin madali sa akin na ligawan ka,”

“Asus! Paraparaan ka naman pala! Masyado kang in-love sa akin, ikaw ha!”

Hindi ko namalayan na namumuo na pala ang luha sa mga mata ko kaya nanlalabo sila sa paningin ko.

“Ganoon talaga. By the way, I'm excited for our wedding, babe.”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Dos.

W-wedding? Ikakasal na siya?

“Same here babe. Ilang buwan na lang, be patient. Okay?”

“Yes, babe.”

“I love you my Aldous Delwyn Heisenberg...”

“I love you more my soon to be wife... Millandae Lia Smith Heisenberg.”

Deadly Sins Series: Enticing SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon