ZANEVY FREALIZA
"ISA RIGHT?" Nginitian ko ang lalaki.
Bababa sana ako para uminom ng tubig ng nakasalubong ko siya. Oo nga pala hindi pa ako nagpakilala sa kaniya at hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Isa pa itong si Grace ayaw akong makipag-usap sa kaniya parang kanina lang kumain sila ng sila lang dahil ayaw nila akong kasabay, kaya umakto na lang akong busog at nagpahingga sa silid ko.
Hindi ako interesadong makilala siya dahil sa ginawa niya kanina.
"Oo, bakit?" Inirapan ko siya.
"Thyme. Thyme Sandoval your future, is nice to finally meet you Miss Acosta."
He properly introduce himself and handed me his hands for shake hands. Wait Sandoval? Saan ko na nga ba narinig 'yon?
"Ano?!"
Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Ang kapal naman ng mukha niya!"Nothing, I said you're beautiful can I court you Miss Acosta?"
Ano raw? Nagbibiro ba siya? Nanaginip na ba ako?
"Hindi mo ako madadaan sa mga ganiyan-ganiyan mo! Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa aki–” Aalis na sana ako ng hinarangan niya ako.
"Tch. I don't feel sorry. Missis ko," Putol niya sa sabihin ko.
“Yuck. Mandiri ka nga sa sinasabi mo!”
Tinulak ko siya at naglakad na ako papunta sa kusina ngunit sa pangalawang pagkakataon na bigo ako dahil mas lumapit siya sa akin.
"I'm still waiting for your acceptance.”
He said that's make me look at his hands, nakadipa pa rin ito para sa pakikipagkamay. Ano bang trip nito?
“Asa ka!”
Napalunok ako ng ikulong niya ako sa bisig niya. Magkalapit ang mukha naming dalawa. Pinigilan kong humingga dahil pakiramdam ko kaunting galaw ko lang maglalapat ang mga labi naming dalawa.
“O-oo na! Zanevy Frealiza Acosta.”
Iniwas ko sa kaniya ang mukha ko. I extended my hands to accept his hands but he immediately put it on his pocket. Bastos!
“Not anymore.” He smirked.
“Tse!”
“Fuck!”
Oo, bastos siya pero bastos rin ako. Kaya isinampal ko sa kaniya ang kamay ko na hindi niya tinanggap. Nakaka-inis!
Hindi naman ako dating ganito pero tumataas ang dugo pagdating sa lalaking iyon. Buwisit.
"ZANE, where you going?"
Napatitig ako sa kaniya ng makita kong bagong ligo na siya at ang ganda ng katawan niya dahil nakasuot siya ng isang sweatshirt na medyo fitted mukhang alaga niya ang katawan niya, ang gwapo niya talagang pagmasdan. Nahiya ako bigla dahil sa ginagawa ko kagabi, pero mukhang wala lang naman sa kaniya.
"Hi, good morning! Ang aga mo namang nagising, nga pala kapag may kailangan ka sabihin mo lang kay Manang siya ng bahala sayo, mauuna na ako!"
Kumaway ako sa kaniya at naglakad na papaalis ng bahay ng maramdaman kong may kamay na nakahawak sa braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"I said where you going?" Pag-uulit niya.
"A-ah... Eh, diyan lang. Maglilibot sa Rancho then, tutulongan ko na rin sila." Nakangiting sagot ko.
BINABASA MO ANG
Impregnating The Mafia Heir [ONGOING]
Romantik𝐒𝐀𝐍𝐃𝐎𝐕𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 2: 𝚃𝙷𝚈𝙼𝙴 𝚇𝙴𝙽𝙾𝙽 𝚂𝙰𝙽𝙳𝙾𝚅𝙰𝙻