ZANEVY FREALIZA
“HOY babae! Labhan mo na ang damit ko, inilagay ko na lahat sa labas dahil hindi pwede ang basura sa kwarto ko!” Pagpasok ko sa bahay ang na kakairitang boses ni Grace ang sumalubong sa akin. Napalingon ako sa kinaruruonan niya. Printi itong naka-upo sa sofa habang naka-taas na nunuod ng TV.
Naglakad ako papalapit sa kaniya habang tinatanggal ang gloves na suot ko. Galing ako sa Farm at maghapon na nakabilad tapos ito pa ang bubungad sa akin? Wala na ba talaga akong lugar para magpahinga?
“Pwede ba Grace... Ikaw na muna ang maglaba ng damit mo? May gagawin pa ako, ikaw lang naman ang walang ginagawa dito pwede mo naman sigurong gawin iyon para sa sarili mo.” Mahinang sambit ko sa kaniya. Maghapon siyang buhay princessa.
Ang daming katulong na pwedeng utusan niya na maglaba pero bakit ako? Ipinanganak ba talaga ako para maging utusan? Ano ako dito tau-tauhan?
“Ako ba inuutusan mo Isay?!” Galit siyang tumayo at walang sabi-sabing sinampal niya ako.
Wala akong na gawa kundi ang umiyak habang nakahawak sa pisngi na damang-dama ang sakit. Ganito naman palagi dapat sanay na ako pero hindi ko matanggap.
“Wala kang karapatan na sagot-sagotin ako! Kapag sinabi kong labhan mo ang damit ko labhan mo kaagad wag kang t-tanga-tanga!” Marahas iyang hinablot ang buhok ko.
“A-aray! G-grace na sasaktan ako! Aray tama na...” Mahigpit akong nakahawak sa kamay niya na walang tigil sa paghila sa buhok ko papunta sa likod bahay kung saan ang Lugar para maglaba.
Pakiramdam ko matatanggal na ang buhok sa ulo ko dahil sa lakas ng pagkakahila niya dahilan para mas mapa-iyak ako sa sakit. Kitang-kita ko rin ang pamumula ng mukha niya dahil sa galit.
Maharas niya akong iniharap sa kaniya. “Maglaba ka diyan! Wala kang karapatan para mag reklamo! Gawin mong lahat ng inuutos ko dahil hindi ka princessa rito, ah? Itatak mo 'yan sa kukuti mo!” Binitawan niya ako ng makarating kami sa likod at sumalampak ako sa seminto habang umiiyak, dinuro niya ang ulo ko.
Bakit hindi ako pwedeng magbuhay princessa? E, sa pagkakatanda ko ako ang princessa ng bahay na ito?
“Bakit sino ba sa ating dalawa ang mas may karapatan na mag buhay princessa, 'di ba ako?”
Matapang kung tanong sa kaniya na ikinatigil niya akala ko aalis na siya pero bago iyon tinadyakan niya ako sa dibdib dahilan para masubsob ako sa palanggana bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
Pinagwalang bahala ko na lang ang sakit na nararamdaman ko at patuloy sa pag-iyak habang ginagawa ko ang inuutos sa akin ni Grace dahil gusto ko ng kumain at magpahinga.
Napatingin ako sa ni labasang pinto ni Grace ng marinig ko ang nakakakilabot na tunog ng takon ni Auntie Gloria.
“Buwisit kang babae ka! Anong karapatan mong sagut-sagotin ang anak ko?! Walang hiya ka!” Sigaw nito.
Hindi ako nagkamali, papalapit siya sa akin na galit na galit ang itsura niya. Sunod-sunod akong napalunok sa takot dahil kung si Grace ay kaya niya akong api-apihin ay mas malala ang ginagawa sa akin ni Auntie Gloria.
“A-aray! Auntie tama na po... M-maawa kayo sa akin!”
Pakiusap ko ng bigla niyang hawakan ang buhok ko at isinubsob ang mukha ko sa washing machine.
“Wag mo akong ma Auntie-Auntie! Buwisit ka sa buhay namin ng anak ko! Kung ayaw mong sumunod sa pinag-uutos niya mas mabuting lumayas ka rito sa pamamahay ko! Naiintindihan mo ba ako ah?”
Hindi pa ako nakakabawi ng hininga ng ilublob niya ulit ang mukha ko na halos hindi na ako makahinga.
Pilit ko mang makawala sa pagkakahawak niya sa akin 'di ko magawa dahil sobrang sakit na nito, iyak lang ang tanging na gagawa ko. Kung may dapat mang magpalayas sa bahay na ito ako ‘yon! Bakit ko ba nararanasan ang ganitong paghihirap?
BINABASA MO ANG
Impregnating The Mafia Heir [ONGOING]
Romance𝐒𝐀𝐍𝐃𝐎𝐕𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 2: 𝚃𝙷𝚈𝙼𝙴 𝚇𝙴𝙽𝙾𝙽 𝚂𝙰𝙽𝙳𝙾𝚅𝙰𝙻