CHAPTER 5

62 1 2
                                    

ZANEVY FREALIZA

KAKATAPOS lang naming mag lunch. Ayaw ko sanang sumabay sa kanila dahil nahihiya ako kay Grace at Auntie Gloria lalo na kay Papa pero hindi ako makatanggi kay Papa. Ang pinagtaka ko lang ng walang Thyme ang sumabay sa amin sa pagkain.

Hindi ko siya nakita pagkatapos ng nangyari. Hindi kaya iniwan niya na ako sa ere?

Kailangan kong matapos ang ginagawa ko lalo pa at bukas pupunta kami ni Auntie Gloria sa doctor. Hindi ko maintindihan kong bakit kailangan ko pang gawin 'to pero kung sa ikakatahimik ng lahat at para napatunayan ko na wala akong ginagawang masama na ikakasira ng tiwala ni Papa ay kailangan kung gawin, ayaw kong mapahiya si Thyme lalo't pa wala naman talaga siyang ginagawa sa akin.

Iniisip ko na sana nandidito si Mama sa tabi ko at nakakasama ko. Gusto kung maramdaman ang pagmamahal niya kahit na impossible iyon palagi ang dalangin ng puso ko kahit sa panaginip man lang...

"Come in," Ibinaba ko ang papel na binabasa ko ng may kumatok sa pintuan.

Napansin kong may isang patak ng tubig ang papel na binabasa ko, hindi ko na pansin na umiiyak na pala ako sa iniisip ko. Pagkatapos ko kasing kumain kaagad akong bumalik sa opisina para tapusin ko ang lahat ng tatapusin.

"Hey!" Nakita kong si Thyme ang iniluwa ng pinto.

Napatingin ako sa kaniya ng makita kong mukhang galing pa lang siya sa labas, saan naman kaya siya pumunta? Halata naman na may pinuntahanan siya.

"You okay?" Kaagad kong pinunasan ang mukha ko ng marinig ko ulit ang boses niya, tumayo ako at pumunta sa harapan ng mesa ko.

"Y-yes, may naisip lang ako. Teka saan ka ba galing? Kumain ka na ba?" Nginitian niya ako.

Naglakad siya papalapit sa akin. Na upo siya sa mesa ko at hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kaniya at niyakap ako. Isinisiksik niya ang mukha niya sa dibdib ko at niyakap niya ako ng mahigpit, napa-hawak ako sa balikat niya ng nagtataka.

Nahigit ko ang hiningga ko ng dahil sa ginawa niya at 'di ko maiwasang maramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.

"I'm fine, how about you?" Bumaba ako ng tingin sa kaniya. Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin naka-angat pala siya ng tingin sa akin.

"I'm sorry," Dagdag niya pa.

Hindi ako makasagot, masyado akong na aakit sa mga mata niya kaya hindi ko maiwasang mapatitig dito.

"Para saan?" Takang tanong ko sa kaniya.

"About what happened, Zane. I'm sorry," Muli niya akong niyakap.

Naramdaman kong lumapat ang labi niya sa dibdib ko kaya bahagya ko siyang na itulak papalayo sa akin.

"H-hindi mo kailangang huminggi ng sorry, isa pa ako ang may kasalanan iyon. Actually hindi lang iyon ang pino-problema ko," Pag-aamin ko sa kaniya.

"What else?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

"Nag back out ang engineer, wala akong mahanap na bago na pwedeng ipagpatuloy ang na simulan nito dahil karamihan sa nakukuha gusto nilang simulan sa simula at magbago ng materials na gusto nila, ayaw ko namang masayang ang materials na nabili na. Isa pa na simulan na ang projects, ayaw kung ulitin pa ito dahil sa mas lalong mapapataggal ang pag-gawa..."

"You mean?"

"Kung pwede sana, ikaw na lang ang kunin ko?"

Nahihiyang tanong ko sa kaniya, nakita ko namang kumunot ang nuo niya at naramdaman ko ring niluwagan niya ang pagkakahawak sa bewang ko.

Impregnating The Mafia Heir [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon