Chapter 06

3.8K 185 11
                                    

Caelus' s

Tahimik akong kumakain habang patingin-tingin sa mag-ama ko. Karga ngayon ni Juancho si Juaquinn. Tahimik niya ring sinusubuan ng pagkain ang anak namin. Ibinaba ko ang tingin ko para hindi ako maluha, baka matulad lang kanina.

Tumigil ako sa pagkain nang mapansin kong may nakatingin sa amin. Mga grupo ng babae. Nagtutulakan sila at parang may gagawin kaya kumunot ang noo ko. Naglakad papunta sa amin ang isang babaeng kasama nila at huminto ito sa mismong tabi ni Juancho.

She flipped her hair, "Hi! My name is Agatha. Gusto ko sanang makilala ka, if you don't mind.” Malanding boses na sabi nito.

Humigpit ang hawak ko sa kubyertos. Nagbaba na lamang ako ng tingin at hindi na tinignan si Juancho dahil sigurado naman akong lalandi ito pabalik. Nawalan ako ng gana at gusto ko na lamang umuwi ng bahay.

"So, what's your name, handsome?"

"I am not interested."

Bahagya akong napanganga sa naging sagot ni Juancho. Did he just turned down the girl? Lumipad ang tingin ko sa babae. Maganda naman ito at sexy, mga tipo niyang babae. Himala ata at tumanggi.

"Kung ayaw mo," Lumingon sa'kin ang babae at ngumisi. "Ikaw na lang. Hi, I am—"

"Agatha, yes, we heard you. Now, leave because you're starting to piss me off. You don't get to flirt with him! He is my fucking husband!"

Tinambol ang puso ko. Tama ba ang narinig ko? Juancho told the girl that I am his husband. Nagmamartsang umalis ang babae at ako naman ay tulala, hindi makapaniwala. Pakiramdam ko'y nag-iinit ang mukha ko. Bumaling sa akin si Juancho at sinamaan ako ng tingin.

"Kumain ka."

Shit!

Hanggang sa makarating kami sa kotse, hindi mawala ang tuwa sa puso ko. Oo na, natutuwa talaga ako because it's the first time he claimed me as his husband. After four long years, finally.

“Stop smiling, will you?"

Kaagad kong kinagat ang ibabang labi ko upang masupil ko ang aking ngiti. Tulog ngayon si Juaquinn na nasa kandungan ko.

"Fuck! Stop biting your lips!"

Lumipad ang tingin ko kay Juancho at hindi maipinta ang mukha nito. Gusto ko siyang singhalan dahil lahat na lang ng gawin ko ay bawal.  Pasimple akong umirap at ibinalik ang tingin sa unahan ng kotse while he focused on the road. Masuyo ko na lamang na hinaplos ang ulo ni Juaquinn at ipinikit na rin ang mga mata ko.

It feels peaceful.

Juancho' s

Caelus fell asleep.

I don't know what gotten into me pero inihinto ko ang kotse sa gilid ng daan. Dahan-dahan akong pumihit para tignan sina Juaquinn at Caelus na mahimbing na natutulog. I think this is the first time to see them sleeping together, up close. Hindi ko sila tinitignan sa kwarto nila, so, yeah, this is actually the first time.

Nakahilig si Juaquinn sa dibdib ni Caelus at si Caelus naman ay hindi nagbaba ng kamay, nanatili ang kamay nito sa ulo ni Juaquinn kahit na malalim na ang kanyang paghinga. They looked so peaceful and something unfamiliar feeling rose up. The hell?

Kaagad kong iniwas ang tingin. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Pumikit ako ng mariin at hinayaang mahulog ang isip ko sa malalim na pag-iisip.

Things wouldn't go this way if only Caelus didn't do such things. I have plans for fucking sake and those plans got ruined because Caelus married me without me knowing that's why my supposed to be wedding was cancelled. Things got worst. It was a straight line already but now it goes back to a  god-damned zigzag line especially now that Caelus and Juaquinn is in his life. Fuck!

Mahina kong hinampas ang manibela. I feel so frustrated. I'm trying to figure how to solve things. I didn't become a CEO for nothing. But this is not business, Juancho. Mas lalo lang akong nakaramdam ng galit.

I composed myself. We have to get home. Muli kong binuhay ang makina ng kotse at mabagal lang na nag-drive habang bahagyang ibinabaling ang tingin kay Caelus at Juancho.

I hurt Caelus, in more ways than one. Alam kong nasasaktan ko siya palagi. But what can I do? Kasalanan naman niya ang lahat kaya hindi ko alam kung ano ang mga gagawin ko. Galit na galit ako sa kanya. If he didn't came in the picture, maybe, just maybe, I already finished everything.

If he didn't came in the picture, you won't have Juaquinn.

I dreaded on that thought. Hell yeah, bakit ko pa itatanggi na unti-unti kong tinatanggap ang bata. Masarap sa pakiramdam tuwing nasa kandungan ko ito at naglalambing pero habang karga ko siya, hindi ko maiwasang magalit kasi...

My phone beeped.

Muli kong inihinto ang kotse at binasa ang message na natanggap ko at para akong pinagbagsakan ng langit.

This will be the last year, Juancho. You're asking for too much. Kapag hindi mo pa nagawa, well, alam mo na ang mangyayari. Don't test me. Today's September 16, see you in December. Ciao.

Fuck!

Caelus' s

I yawned.

Sa wakas ay natapos ko rin ang mga paper works na ginagawa ko. Lumingon-lingon ako at nakita kong lahat ay focus na focus sa trabaho nila. Humilig ako sa sandalan ng upuan ko’t tinignan ang wrist watch ko, pinagmasdan ang kamay ng orasan na gumagalaw sa bawat segundong dumadaan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Ang dami-dami kong iniisip, ang dami-dami kong problema at hindi ko na alam ang mga susunod kong hakbang. Natatakot na akong magkamali.

"Aba, ang lalim ata ng iniisip mo, Cae?"

It was Sage. Ang upuan nito'y nakaharap sa akin at tinitignan ako ng mariin na parang binabasa niya ang iniisip ko. Kaagad akong ngumiti, katulad ng dati, katulad ng palagi kong ginagawa.

"Iniisip ko lang kung kailan ka magbo-boyfriend," biro ko sa kanya. "Kailangan mong masubukan kasi tumatanda ka na talaga."

Umirap si Sage. "Cae, sabi ko naman 'di ba? Ayoko pa. I'm saving myself for someone whose worth it at hindi rin ako naniniwala na yan ang iniisip mo. Your eyes contradicts you, Caelus. Tell me, what's bothering you?"

"Wala, ah," Umiling ako, paraan upang iwasan ang mapanuring tingin ni Sage. "Ano bang pinagsasasabi mo, Sagey? Wala namang bumabagabag sa akin. I'm pretty fine. No worries."

"No. Tell me the truth, Caelus."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pinigil ko rin ang maiyak. I cannot let Sage see my tears dahil alam ko namang mag-aalala siya sa akin at marami siyang iniisip ayokong dumagdag. This is my own battle.

I breathed deeply, "Kon— konting problema lang 'to, Sage. Don't worry."

He held my hand. Bahagya niya itong pinisil at tinitigan ako ng malalim. "I know it isn't small. You're bothered, I can tell. Whatever it is, you will overcome. Naniniwala ako sayo, Cae. Alam kong ayaw mong sabihin kung ano ang bumabagabag sa iyo pero gusto kong malaman mo na kahit anong mangyari, pwede mo akong takbuha. I will always be here for you just like how you're always there for me."

A lone tear escape from my eyes.

CEO' s Husband (Alfonso Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon