Chapter 14

8K 258 173
                                    

Caelus' s

It's already 9 in the evening.

Kanina pa ako hindi mapakali at kanina pa gising na gising ang diwa ko mga anteh. Bakit? Kasi naman, nasa iisang kama kami ni Juancho for the first time! I mean yes, nasa gitna si Juaquinn pero shet naman, ramdam na ramdam ko ang presensya ni Juancho.

Nakasandal siya sa headboard, nagbabasa at nakasalamin pa. His hair's kinda messy at ang hot tignan ng asawa ko! Lalo pa't nakasuot siya ng puting t-shirt na medyo fit sa kanya. Oh goodness! Tukso, layuan mo ako.

Kanina pa tulog si Juaquinn. Nakatagilid ako't nakaharap sa anak namin kaya nakikita ko talaga si Juancho dahil nasa kabilang gilid siya. He insisted to sleep here in our room kahit pa sinabi ko na huwag na at tuwang-tuwa ako kanina nang talagang ipinilit niya.

Pero ngayon, parang nagsisisi ata ako. Mukhang hindi ako makakatulog nito. Kung paalisin ko na lang kaya siya?

"Sleep, Caelus. You keep on moving. Baka magising si Juaquinn."

Hesus! Ang boses niyang malalim ay dumadagdag lang sa nararamdaman kong... kalandian? Joke! Basta iba ang pakiramdam ko. I can't explain. Mixed emotions ba 'to?

Tumikhim ako. "Uh sorry. Hindi lang kasi ako sanay na may kasama kaming dalawa ni Juaquinn sa kwarto." Lalong-lalo na ikaw, Juancho!

He slowly lowered his eyeglasses at dahan-dahang tumingin sa akin. Ay teka naman! Inaakit ba ako nito? Kasi kung oo, talagang tumatalab!

"Sanayin mo na ang sarili mo because starting tonight, I'll be sleeping here."

Yes na yes!

Tumango na lamang ako. Juancho closed the book that he's reading at tuluyan na niyang tinanggal ang suot niyang eyeglass. Pagkatapos ay tuluyan na siyang humiga. He patted Juaquinn's head before closing his eyes. He's facing the ceiling and I am facing him and Juaquinn.

"Good night, Caelus."

Napangiti ako. Wala talagang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon. All that we did in the morning until tonight? They're all first time in the four years of living together.

"Good night, Juancho."

Hindi na siya sumagot kaya ipinikit ko na rin ang mga mata ko hoping that sleep will creep on me. Halos isang oras din akong nagkukunwaring tulog pero ang totoo'y pinakikiramdaman ko si Juancho at nang naging mabigat na ang paghinga nito, I slowly opened my eyes at maingat na bumangon.

Hinaplos ko muna ang pisngi ng anak ko bago ko inayos ang kumot nilang dalawa.  Hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ko habang titig na titig sa kanila na mahimbing na ang tulog. Lumapit ako ng konti at iginilid ang ilang hibla ng buhok na tumatabon sa mata ni Juancho. I even touched the tip of his nose with my pinky finger. I sighed as I looked at his handsome face.

Pagdating ng araw, alam kong hindi mo pababayaan si Juaquinn. Alam kong magiging mabuting ama ka. Sinasanay lang kita upang mapanatag ang loob ko, pagdating ng araw.

Muli akong humiga at ipinikit ng muli ang mga mata ko. Nararamdaman ko na ang antok nang maramdaman kong gumalaw ang kama. I slowly opened my eyes and I saw Juancho, nakatayo sa gilid ng kama.

"Bakit, Juancho?" I asked.

Hindi siya nagsalita. Sa halip, kinarga niya si Juancho na ipinagtaka ko. Naglakad siya papunta sa pwesto ko at ngayon ay nakatayo na siya sa gilid ko samantalang nakahiga pa rin ako't puno ng pagtataka.

"Ba— bakit ba, Juancho?"

"Can you move a little bit?"

Nagtataka man ay umusog pa rin ako ng konti papunta sa pwesto nila Juaquinn kanina. Dahan-dahan niyang ibinalik sa kama si Juaquinn. Hinalikan niya ang noo ng anak bago bumalik sa kabilang side ng kama. Humiga siya't isiniksik ang sarili sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CEO' s Husband (Alfonso Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon