Chapter 12

4K 195 26
                                    

Caelus's

It's really happening.

I am having lunch with my husband in this fancy restaurant. Kanina pa tuwang-tuwa ang puso ko habang kumakain kami. Lalo na nang makita kong magana rin siyang kumakain kahit minsan nahuhuli niya akong nakatingin at sinasamaan niya ako ng tingin ay lalo lang akong natutuwa.

Usually, sisigawan niya kasi ako kapag nakita niyang nakatingin ako sa kanya tapos sasabihin niya na nawalan na siya ng ganang kumain dahil nakakainis daw ang pagmumukha ko. Tanga niya. Pinaghalong ganda at gwapo kaya ako.

"Eat up. Huwag kang ngiti ng ngiti d'yan kaya ang payat mo na."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil mag-init ang dalawang tenga ko. Oo na, mukha na akong teenager na kinikilig. Bakit ba? First ulit 'to sa loob ng apat na taon naming pagsasama sa iisang bubong.

Hindi naman ako payat. Stress lang ako dahil lagi mo akong binibigyan ng rason para ma stress.

"Here, you have to eat this," Juancho said.

Inilagay niya ang pagkain na dapat ay sa kanya sa plato ko. Napangiwi ako nang makitang napakaraming green veggies. Ngumiwi ako. Hindi ako vegetarian! Nakatitig pa lang ako sa plato ko'y talagang naluluha na ako.

"Don't give me that look. You have to eat healthily because you're getting thinner than before. Regain your body, Caelus."

Sa ngalan ng pag-ibig, talagang sinimulan ko na lang na kumain at baka mag-alburuto na naman ang isang 'to. Paano ko naman mare-regain? Ang sabi nila kapag pinipilit lang ang pagkain, wala rin. Hayaan na nga. Sa susunod, hindi na ako sasabay sa kanya.

Charot! Sino bang niloloko kong hindi na ako sasabay? Eh ang tagal kong pinangarap 'to.

"Saan tayo pupunta?"

Tapos na kaming kumain and Juancho is driving. Hindi ko lang alam kung saan kami pupunta dahil lumagpas na kami sa company building nila.

"We're going home."

Kumunot ang noo ko, "Bakit? Akala ko ba may meeting ka ngayong hapon?"

"I cancelled it."

"Ibaba mo na lang ako. May importante kasi akong tatapusin. Magta-taxi na lang ako pabalik sa company building."

He shook his head. "No. We're going home. I wanted to rest at home, Caelus."

"Naku hindi! Pagagalitan na naman ako ni ni-"

"Who the hell would get mad at you? Give me a name and I will fire that person immediately."

Ay, gumaya na nga sa kapatid niya. Umiling na lang ako't hindi na nagsalita pa. Nagsisimula na kasing mamula ang gilid ng kilay niya. Ibig sabihin, nagsisimula na siyang mairita.

"Uuwi tayo sa bahay natin. End of discussion."

Shit naman talaga! Gusto kong ihampas ang ulo ko sa dashboard dahil sa kiliting nararamdaman ko. Mukha talaga akong teenager na bagong bloom. Cringe pero talagang kinikilig ako.

"Uuwi tayo sa bahay natin."

Hell yeah, Juancho. Gustong-gusto ko iyang sinabi mo. You finally recognized that the house where Juaquinn, you, and I are living is ours, it's our home.

We arrived at home and I found myself in the living room with Juancho and Juaquinn. Nakaupo ako sa couch at silang dalawa ay nasa sahig at naglalaro.

Kulang ang salita para maipaliwanag ko kung gaano ako kasaya ngayon dahil sa nakikita ko. Juancho is really trying his best to be Juaquinn's dad. Alam kong konti na lang, pwede ko ng gawin ang dapat kong gawin.

Napuno ng halakhak ni Juancho at Juaquinn ang living room na dahilan kung bakit nagiging emosyonal na naman ako. Pinipilit ko lang na huwag na munang umiyak lalo na't sumusulyap sa akin si Juancho at marahang tatango na siya namang ikinatutuwa ng puso ko.

"Babe..." Tawag sa akin ni Juaquinn.

"Yes, babe?"

Kaagad akong lumapit sa kanila. Itinaas niya ang mga kamay niya kaya naintindihan ko kaagad na gusto niyang kunin ko siya. Saglit kong tinignan si Juancho at tumango siya sa akin kaya kaagad kong kinarga si Juaquinn at bumalik sa pagkakaupo sa couch.

"Babe, I wuv you."

Hinalikan ko ang noo niya, "I love you too."

"I wuv... Daddy..."

Napalingon ako kay Juancho. His eyes seems like sparkling. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at nagkunwaring nanonood ng TV. Napangiti ako. Ang cute niya kasing tignan. Nakasalampak siya sa sahig, paharap sa TV, at ang palabas ay Paw Patrol. If I know, baka nga umiyak na yan dahil narinig niya ang anak niyang sinabihan siyang mahal siya. Sana nga. I hoped it reaches to the deepest part of his heart.

Humilig sa dibdib ko si Juaquinn at naghikab. Palagay ko'y inaantok 'to. Inayos ko ang pagkakaupo at humilig sa sandalan upang masandal lalo sa dibdib ko ang anak.

"Are you sleepy, little one? Sige na, sleep ka na." Hinalikan ko ang noo nito at malumanay na tinatapik ang likod nito. Inabot niya ang tenga niya't pinaglaruan. He's really sleepy because this is one of his habit when he wants to sleep. He will keep on touching his ear until he fell asleep. "Sleep well, baby bear."

"He ain't baby bear. He is our little tiger."

Muntikan na akong mapatalon nang magsalita si Juancho na ngayon ay nakatayo na pala sa harapan ko. I nodded at him.

"Oo na, tiger na nga. Tahimik ka muna dahil inaantok siya."

Tumango siya't umupo sa tabi ko. Labis ang naging pagkabog ng puso ko. Sobrang naghurumentado ito lalo na nang madikit ang balat ni Juancho sa balat ko. Sa sobrang pagkabog, pakiramdam ko'y tumatalbog ang ulo ni Juaquinn.

"Can I have him?" Himig pagsusumamong sabi niya sa gilid ko.

Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng hininga niya sa pisngi ko. Kung wala lang siguro si Juaquinn, baka may nagawa na naman akong pagsisisihan ko. Ang halay mo naman, Caelus! Kastigo ko sa sarili.

"Pero..."

"Please, Caelus. Let me have him."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at dahan-dahang tumango kasabay na maingat kong pag-abot kay Juaquinn sa kanya. Maya-maya pa'y nasa kandungan na niya ito.

"He's so cute," Naamaze na sabi niya na ikinangiti ko lang. "Why isn't he letting go of his ear?"

"Nakasanayan na niya yan. Ganyan talaga siya kapag inaantok,"

I paused when I noticed his hair, bahagyang tumatabon sa mata niya. Binuo ko ang loob ko't inabot iyon at inayos ang buhok niya. Naramdaman ko ang pagkislot niya pero ikinatutuwa ko naman nang hindi niya ako sawayin.

"Hindi ka ba pagod?" I asked. "Ang sabi mo kanina'y magpapahinga ka kasi pagod ka."

He nodded. "I am tired. Inaantok rin ako."

Naku, son like father nga naman. "Matulog ka na muna. Ako na ang bahala kay Juaquinn. Akyat ka na muna sa kwarto mo."

"No. I want to sleep here with him."

Tumango ako. "Sige, ako na lang ang aalis. Sa taas muna ako-"

Halos mapugto ang hininga ko sa sunod niyang ginawa. Tumagilid siya patalikod sa akin at dahan-dahang humiga. Ngayon ay nakaunan na siya sa paa ko habang nasa dibdib niya si Juaquinn. God! Sasabog na talaga ang puso ko.

"Shut up, Caelus. You will stay here with us."

CEO' s Husband (Alfonso Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon