Chapter 8: Seating Arrangement

39 4 0
                                    

Brianne's POV

Yes! Time to study again! Salamat naman nandito na si Prof. Max dahil matatapos na rin ang kalandian sa room. Haystt, bakit ko pa ba inaalala yun. Ang sabi pa naman ni Kevin kalimutan ko na daw yun.

"Brianne! Tara pasok na tayo sa room.", sabi ni Kevin. "Sure!", sagot ko. Pagpasok namin sa room, as usual nagbabasa ulit kami. "Good Morning!"...."Good Morning Prof. Max!", sagot namin.

"Magbasa muna kayo ng book niyo para maging prepare sa seatwork mamaya.", sabi ni Prof. Over na kami makapagbasa.

Nag seatwork kami over 20 and I got perfect. "Aayusin ko yung seating arrangement niyo.", sabi ni Prof.

"OMG! Di ako prepared shittt!", sabi ko. So ayun, nagpatayo na si Prof ng ilang students. "Kevin exchange place with Natalie.", sabi ni Prof. Katabi ko na si Natalie, she wants to be a doctor bestfriend ko na siya nung 1st year college pa lang ako.

"Hey Brianne, na-miss kita.", sabi niya sabay yakap. "Na-miss din kita.", reply ko. "Mary stand up and sit beside Kevin.", sabi ni Prof. "What the hell, Brianne sa sobrang daming pwedeng makatabi ni Kevin siya pa.", sabi ni Natalie. Alam kasi niya yung tungkol sa amin ni Kevin."Sinabi mo pa! Bwiset much!", sabi ko.

Tumingin sa akin si Mary at inirapan niya ako. "Natalie, sht that inirapan ako ni Mary.", sabi ko kay Natalie. "Hayaan mo na dre, ikaw ang gusto ni Kevin at hindi siya."..."Gaga! Gusto niya rin si Mary. Urghh, kainis diba?", sabi ko. "OMG! I-observe mo sila today tingnan natin kung magpapansinan.", suggest ni Natalie. "Sure!", sabi ko.

Nakinig muna ako kay Prof. dahil bago yung lesson namin."Bri, ano nag-usap na ba?", tanong ni Natalie. "Hindi ko pa naman natitingnan nagfofocus ako sa lesson.", sagot ko. "Ok class, group activity muna tayo ah. Ang leaders yung tatlong pinaka-matalino and then yung iba countdown tayo.", sabi ni Prof.

Magka-group kami ni Natalie and bad news magka-group sila Kevin and Mary. Nakakainis talaga tatlong groupings tapos nagkasama pa sila. "Brianne, ok lang yan.", sabi ni Natalie. "Wtf, magkatabi sila.", sabi ko kay Natalie. "Alam mo focus muna para maganda yung kalalabasan ng reporting natin later. Kailangan mapatunayan mo na mas worth it ka kaysa kay Mary.", sabi ni Natalie.

Tumango na lang ako at nagsulat para sa reporting at maya maya lang natapos na kami. "Okay time is up! Unahin na natin yung group ni Kobe follow by group ni Kevin and lastly sila Brianne.", sabi ni Prof.

Nag present na yung group nila Kobe. "Bri, ayan nah! Sila Kevin na magprepresent for sure hindi sila dalawa ni Mary ang magprepresent.", sabi ni Natalie. Pumunta na sa harap si Kevin at si... si.... MARY! "What the hell! Natalie what the freakin' hell is this?", sabi ko. "Don't worry tayo naman dalawa ang susunod patamaan mo.", suggest niya.

"Thank You Mary and Kevin! Next, Brianne and Natalie.", sabi ni Prof. "Go Bri, kaya natin toh! Paringgan mo ah?", bulong sa akin ni Natalie. "Sure girl, I got this!", sagot ko kay Natalie.

Kaya ayun nagsalita si Natalie tapos ako. "This thing can be compared to loyalty. Loyalty that we shall value. Loyalty is what we need in everything and without this walang couples ang magtatagal. That's all thank you!", I said.

"Very Good! Ang galing ng group niyo. Palakpakan natin sila.", sabi ni Prof. "I told you Brianne! That was so great.", sabi ni Natalie sabay apir.

"Natalie favor?"...."Ano yun Brianne?", tanong niya. "Dito na lang tayo kumain sa room ayokong makakita ng ahas sa canteen.", sabi ko. "Sure! I also hate ahas.", sagot niya.

Nagbabasa kami ng libro habang kumakain. Maya maya dumating na classmates namin. "Oopss! The ahas is coming beware!", sabi ni Natalie.

"OMG guys! May malandi sa tabi ni Natalie. Hahahaha!", sabi ni Mary habang tumatawa. "Natalie, yung ahas ba nakapasok na sa banga?", tanong ko. "Ahmm Brianne, naghahasik pa ng lagim eh. Oh eto perfume spray natin sa katawan natin baka mahawahan tayo ng bacteria nung ahas.", sabi ni Natalie.

Biglang umalis si Mary at mga friends niya. "OMG! Galing mo sistuh!", sabi ko kay Natalie. "Maliit na bagay Bri! To be honest, di naman maiiwasan na masaktan ang isang tao, kailangan mo lang mamili kung sino ang dapat manakit sayo at yung iba kailangan mo labanan dahil they're USELESS!", sabi ni Natalie. "Apir! You're so great!", I said.

Kevin's POV

Katabi ko si Mary ngayon at sabi ni Prof. Max pwede daw magtagal 'tong seating arrangement namin. Mahihirapan toh baka di pa mawala feelings ko. Kailangan ko pigilan 'tong letcheng feelings na toh. "Heyyo Kevin!", sabi ni Mary. "Bakit ba?", tanong ko.

"Oh, kalma! Eto naman lutang masyado.", sabi niya tapos hinawakan niya kamay ko. "Utang na loob tumigil ka!", sigaw ko. Nakatingin silang lahat sa akin. Tumayo agad si Brianne, di ko alam kung bakit.

"Oh my goodness! This thing is so weird! Tinatanggihan mo na si Mary. Wait is this for real? Hahahaha!", sabi ni Brianne. "Hahahaha oo nga Brianne ang ganda ng show! Show ng mga naglalandiang ahas!", sabi ni Natalie.

Naupo na kami lahat kasi kailangan naming magbasa ulit. Maya maya lang dumating na si Prof. lesson na naman. After an hour uwian nah. "Brianne, magpapaiwan ka ba?", tanong ko. "I'm not sure!", sagot niya.

Maya maya may pumasok sa building tapos lumapit kay Brianne. "Ms. Pilaez?"..."Yes why?", sagot ni Brianne. "Pwede magpapicture?", tanong nung guy. Tae! Kapal niya ah. "Sure!", sagot ni Bri. Nagpicture na siya. "Btw, pinapabigay pala ni Prof. Angeline itong file na toh. Pag-aralan mo daw toh by Thursday daw ipasa mo na hah?", sabi niya. "Sure! Salamat!", sagot ni Brianne.

"Ang tinde naman nun! Magbibigay na lang ng galing sa Prof. tapos magpapicture pa. Hayy!", sabi ko. "Selos ka?", tanong niya. "Hindi ah!"...."Ah ok! I'm just askin' so I can mingle with boys out there.", sabi ni Brianne. "No!!!", sagot ko. "Just kiddin'! I'm not malandi like someone!", sabi ni Brianne

Nahahalata kong si Mary yung tinutukoy niya. Di kaya malandi si Mary!

"Brianne OMG!", sigaw ni Natalie. "What happened? May nangyari bang masama?", tanong ni Brianne. "May papasok na pogi dito sa building buti na lang wala ng tao tayong 3 na lang.", sabi ni Natalie.

Maya maya may pumasok na naman na lalaki. "OMG! Siya ba yung nakita mo, Natalie?", tanong ni Brianne. Tumango si Natalie. "Hey Derrick!", greet ni Brianne sabay yakap. "Hoy, sino yan?", tanong ko. "Guys! I would like you to meet Derrick my cousin, accountancy yung course niya and 4th year na rin siya.", sabi ni Brianne. "Bri, sino siya.", tanong ni Derrick sabay turo kay Natalie. "Oh siya si Natalie, bestfriend ko since 1st year college. Natalie meet my cousin Derrick. Derrick meet Natalie my bestfriend.", sabi ni Brianne.

"By the way, Derrick si Kevin nga pala!", sabi ni Bri. "Boyfriend mo?", tanong ni Derrick. "No ka-MU ko.", sabi ni Bri.

"Uwi na tayo!", yaya ni Derrick kay Brianne. "Sabay sabay kami uuwi eh.", sagot ni Bri. "Sabay na kayo lahat sa akin, hahatid ko kayo sa mga condo niyo.", sabi ni Derrick. Nahahalata kong kinikilig si Natalie, grabe din pala toh.

Una naming hinatid si Natalie tapos si Brianne at naiwan kami ni Derrick sa car kasi medyo malayo condo ko, ibang route ung dinaanan eh. "Kevin alagaan mo si Brianne hah? Wag mo siyang lolokohin ha? Once na malaman kong sinaktan mo siya ako makakalaban mo.", sabi ni Derrick. "Ok sige!",sagot ko.

Lagot ako dun pag nalaman niya yung tungkol sa amin ni Mary.

FOREVER LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon