Hindi ko na nahintay matapos ang pag uusap nila ate kaya inaya ko ng umuwi si Drake,kaso sayang naman daw kung uuwi kami agad kaya nag aya siya dito ngayon sa CORTE QC sa Tomas Morato kasama si kuya river at miah sobrang daming tao midnight na din kasi kaya dagsa na.
You sure okay lang sayo dito Tara? tanong ni Miah
pero di ko siya madinig dahil sa lakas ng sound system.
HAH? sagot ko. Kaya nilapit niya ng bibig niya sa tenga ko.
Sabi ko okay ka lang ba dito?. Pahiyaw na tanong niya kaya nailayo ko agad yung tenga ko.
Yeah hindi kasi ako mahilig sa mga ganitong night club eh kahit nung college kami ewan ko ba siguro ay dahil masyado akong focus sa trabaho. Pero umiinom naman ako occasionally hindi naman ako ganun kaboring sa buhay.
Okay naman ako kaya lang hindi ako masyadong mag tatagal may trabaho pa ko bukas.
SAgot ko habang pinaiikot-ikot ang alak sa baso ko ladies drink lang naman to kaya di ganun kalakas ang alcohol. Tiningnan ko sila kuya na pumaparty na sa dance floor napailing na lang ako grabe akala mo hindi attorney haha at etong si drake masyado ang hataw. Tsk.
Nadinig siguro ni Miah kaya nalingon siya sakin. Why? do you want to dance too? haha. Sabay lagok niya sa baso niya at nag salin ulit ng alak.
ASA KA! CR muna ko tingnan mo yung dalawang kapatid ko ah baka kung ano gawin ng mga yan. bilin ko sa kanya.
Nag retouch lang ako saglit at feeling ko ang oily ko na. Naisipan kong lumabas para naman makalanghap ng hangin kahit konti,sumandal ako sa pader at pagkatingin ko sa phone ko ang daming tawag ni ate napailing na lang ako siguradong hindi maganda ang kinalabasan ng pag uusap nila ni Dad. Tawagan ko nga.
Ate asan na kayo? Kamusta ang pag uusap niyo ni Dad? tanong ko
Dinig ko pag sa kabilang linya ang pagbuntong hininga niya.
Pagod na pagod nako kay dad Tara hindi ko na lang kung ano pa ba ang gusto niya.
Ate im sorry kung hindi man lang kita natulungan kay daddy kanina.
Its okay Tara kami naman talaga ni calvin ang dapat humarap kay daddy but thank you kasi hindi mo kami iniwanan. Teka bakit ba parang ang ingay naman yata diyan nasan kaba? takong tanong niya.
Hayy nako ate saan pa ba eh di andito kami nila Drake sa isang night club sa Tomas Morato hindi nasolved sa bahay kaya mga lumipat dito. sagot ko naman
Baliw talaga yang bata na yan. O siya sige na mag papahinga nako at maaga pa shooting ko bukas mag ingat kayo dyan sis. Bye see you around. paalam niya.
Bye ate see you. Goodnight. saka nilagay sa bag ang phone ko.
Lalakad na sana ko pabalik sa loob pero may lalaking biglang nag salita sa gilid ko kaya napalingon ako sa kanya.
Hi.
Pamilyar na pamilyar sakin ang boses niya ewan ko ba pero gustong gusto ng tenga ko ang boses niya.
Hi? may pag tatanong sa tono ng boses ko.
We met earlier sa church remember? nakita kong ngumiwi ang gilid ng bibig niya.
Napaisip ako saglit at yeah siya nga yung ama nung batang nabunggo sa pinto ng sasakyan ko.
Ah yeah i remember. Im sorry sa anak mo hindi ko talaga sinasadya yon. sabi ko.
Nahihiya ako sa kanya dahil sa nangyari baka iniisip niya na sinaktan ko talaga yung anak niya kasuhan pa ko netong child abuse eh.
Ngumiti naman siya sakin. Weird.
BINABASA MO ANG
THE PINK ROSE (ON GOING)
RomanceAll characters,places,events etc are all for entertainment purpose only.