CHAPTER FOUR

7 0 0
                                    

TARA'S POV

Pauwi na sana ko ng bahay nang tumawag si Drake sakin ililibre daw niya ko ng dinner kaya mabilis akong pumayag. Natutuwa ako dahil kahit na happy go lucky ang kapatid ko eh hindi niya nakakalimutang iparamdam sakin ang pag mamahal niya bilang isang kapatid. Pagkarating ko sa restaurant na binook niya ay nakita kong nakaupo na siya, nang makita na niya ko ay nakangiti siyang kumaway sakin kaya napangiti din akong lumapit sa kanya.

Tumayo siya at hinila ang upuan ko para makaupo ako. Ano ang meron at may palibre-libre ka pa sakin ngayon hah? .natatawang tanong ko.

Ngumiti siya sakin. Ate ano ka ba naman ? parang bago ka ng bago, eh nililibre naman talaga kita ah hahaha. sagot niya. Habang namimili ng kakainin niya.

Alam ko naman. Binibiro lang kita.. saka pwede ba hinaan mo nga yang boses mo! Ang lakas lakas nakakairita saka nakakahiya sa mga kumakain.. sermon ko sa kanya.

Tumawa lang siya. Si Drake kasi yung taong masiyahin kahit na may problema siya ay bihira siyang mag sabi samin pero kadalasan naman lalo na pag napapasok siya sa gulo ay ako ang madalas niyang nilalapitan. Kahit kasi nung bata pa kami at hanggang ngayong binata na siya ay siya pa din ang baby brother ko, ganun din naman sila kuya at ate alam kong mahal nila tong bunso namin kaya lang ay iba talaga ang closeness na meron kami ni Drake.

Ate nga pala may sasabihin ako sayo. Sabi niya kaya takang natingin ako sa kanya.

Teka aalis na ba siya ng bahay? Hindi ko naman siya pinapa alis ah. Pwes! Hindi ako papayag na umalis ka. Sabi ko sa isip ko.

Dont worry ate.. haha. Hindi ako aalis ng bahay mo, alam ko yang iniisip mo. Tatawa tawang sabi niya. Lecheng to laging nababasa nasa isip ko.

Oh eh ano ba yon kasi? Seryosong tanong ko.

Kanina kasi umuwi ako ng mansyon, kumuha kasi ako ng mga damit ko.. tapos nadaan ako sa office ni dad nadinig kong may hinihiyawan siya at pinapagalitan kaya sinilip ko tapos nakita ko si kuya river. Sobrang galit si Dad tapos may nadinig pa kong parang anak .. ewan ko ba kung ano yon.. sagot niya.

Alam mo ikaw ang tsismoso noh. Saka pabayaan mo na yon parang di mo kilala ang daddy lagi naman galit yon .. baka may nagawa lang mali si kuya.. sabi ko saka tinawag na ang waiter.

Kung sa bagay wala naman ibang perpekto kay dad kung hindi ikaw. Hahahaha.

Nginiwian ko lang siya. Kakatawa yon? Asar na tanong ko.

Umiling iling lang siya saka tatawa tawa

Habang inaantay ang order namin ay nag check ako saglit ng emails ko habang busy din sa cellphone si Drake.

Biglang may kumalabit sa braso ko kaya nilingon ko agad kung sino,nagulat ako dahil ang kumalabit sakin ay yung batang nabunggo sa pinto ng kotse ko. Nakangiti siya sakin ngayon.. pero awtomatikong hinanap ng mga mata ko ang kasama niya at hindi naman ako nabigo dahil mabilis siyang lumapit sa pwesto namin.

Hi Ms.Valderama im sorry makulit kasi tong si Grayson eh. Biglang tumakbo. Napapakamot pa si Hunter sa ulo niya dahil sa ginawa ng anak niya.

Ngumiti naman ako sa kanya at saka bumaling sa bata. Hi... how are you? Wala ng masakit sayo? Tanong ko sa bata saka hinimas ang pisngi niya.

Im okay na po..  sorry po i cried when we last met. Sabi niya.

Ahhhww. Its okay sweetie... dont say sorry, its my fault also hindi kasi ako nag-iingat. Nakangiting sabi ko sa kanya.

Ahmm lets go Grayson.. nakaka abala na tayo sa kanila mukhang mag sisimula palang silang kumain ng boyfriend niya. Pag aya ni Hunter sa anak niya.

THE PINK ROSE (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon