CHAPTER SIX

5 0 0
                                    

HUNTER'S POV

Sobrang busy ko the whole day madami pa kasing tatapusin sa mga design ko , dahil sa hapon ay kailangan kong sumunod ng Cebu para sa project na tinanggap ko kay Mr. Oliveros. Ayoko naman pag balik kong Manila ay matambakan ako ng trabaho, konting himas na lang naman sa mga ito ay matatapos ko na din.

Habang abala ako sa pag reretouch sa design ko ay di mawala sa isip ko si Miah at si Tara. Panong nangyaring nililigawan nya yun eh noong nakaraang araw na nagkita kami, nakipag kilala sakin yung Boyfriend daw niyang si Drake. Naipilig ko ang ulo ko dahil sa pumasok sa isip ko.

Imposible. Kausap ko sa sarili ko. Ganun na ba talaga mga babae ngayon? Tanong ko pa. At natawa na lang sa naiisip.

Bakit ko ba pinag aaksayahan ng panahon ang mga ganun bagay? Haha wala nga pala sa isip ko ang magkaroon ng lovelife.. Hindi pa nga yata pinapanganak yung taong magpapatibok ng puso ko hahaha.

Isang oras pa ang lumipas at natapos na din naman ako sa ginagawa ko at inayos na ang mga gamit na dadalhin ko papuntang Cebu,nag paalam lang ako kina Grayson at Celine at mabilis na tumungo sa Airport.

Pagkababa ko ng eroplano ay may nag hihintay na agad sa akin na sundo. Mabuti naman at hindi ko na kailangan pa na mag book ng taxi papunta sa hotel na tutuluyan ko masyado nakong pagod sa biyahe at ang dami ko pang bitbit na gamit. Tinulungan naman niya kong makasakay at ikarga lahat ng mga dala ko.

Sir binilin ho kayo sa akin ni Engr Oliveros. Sabi sakin nung sundo ko.

Ganun ba.. Maraming salamat sa inyo. Pasasalamat ko at itinuon na ang atensyon sa phone ko.

Naalala kong nauna pala sa akin sila Miah dito sa Cebu kasama si Ms Valderama. Ilang saglit pa ay nakarating na din naman agad kami sa hotel na pag checheck in-nan ko, maganda naman siya at maayos sa paningin ko.

Ahmm.. Sir hintayin ko na lang ho kayo sa baba pagka panik ko nang mga gamit niyo. Sabi ng sundo ko.. Tumango na lang ako bilang sagot.

Tinulungan ko na din siyang iakyat ang mga gamit ko para hindi na din siya mahirapan. Inayos ko lang lahat ng iyon sa table at mabilis na nag bihis, ayoko naman na pag hintayin ang mga kliyente ko. Malamang sa gabi nako nato makakapag pahinga.

Pag dating sa site ay agad naman akong sinalubong ni Miah pero hindi niya kasama si Ms Valderama. Bakit nga ba hinahanap ko yon tsss.

Engr Oliveros.. salubong ko sa kanya. Im really sorry napag hintay ko kayo sobrang dami kasing trabaho sa Manila. Paliwanag ko.

Ano ka ba Architect ayos lang yon, lahat naman tayo ay maraming tanggap na proyekto sabi niya nang nakangiti sakin.  Halika at ipapakita ko sayo ang kabuoan ng site. Pag aya niya sakin at nauna na siyang mag lakad.

Nang matapos ang meeting at kaunting site inspection ay kinailangan na din naming bumalik ng hotel para makapag pahinga, lalo na ako at marami pa kong kailangan ayusin sa design. Iniinbitahan nga akong mag dinner ni Miah pero tumanggi nako dahil pag naiisip ko pa lang yung mga kailangan kong gawin ay feeling ko busog nako.

Last ask Hunter, you sure you dont want to have dinner with us? Natatawang tanong ni Miah bago kami makalabas ng elevator,kahit siguro wala akong gagawin ay gusto kong mapag isa o kaya naman ay magpahinga na lang.

Umiling ako at ngumiti sa kanya, Thank you so much Miah but i have a lot of things to do. Enjoy your dinner na lang. Sabi ko at tumalikod na sa kanya.



TARA'S POV

Tinulog ko lang ang sarili ko buong araw,habang nasa site inspection si Miah. Kailangan na kailangan kasi ng katawan ko nang isang buong pahinga para makabawi naman sa araw at gabing pagod ko.. Etong bakasyon lang ang kailangan ko para marefresh ang utak ko. 6 PM na ng magising ako bumangon ako saglit at nag inat inat.

THE PINK ROSE (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon