1/6

1.3K 27 4
                                    

Katatapos lang ng klase nang lumabas agad ang ginang sa kaniyang tinuturuang silid. Sunod din na nagpulasan ang mga dalagita at binata mula roon, at nagtakbuhan sila para magkasama-sama sa kanilang kinabibilangan na grupo. Nakahawak ito sa kaniyang tote bag habang naghahanda na sa pag-uwi.

"Mommy Gwyneth!" Nakahanda na naman doon ang staff ng news outlet na lagi siyang hinahabol. Mabuti na lang at wala roon ang kaniyang anak. Aalis na sana ito ngunit sa likod niya ay may nakaabang din na reporters. Nagsalita si Tina Jayna, isang kilalang reporter sa kanilang lungsod, "Ano po ang reaction ninyo sa mga remark ng kritiko sa acting ng inyong anak? And ano ang pakiramdam ng isang ina na may anak na tatlong beses nanalo ng Grand Peculiar Kids award?"

Sikat ang parangal na iyon sa buong mundo, at kahit na sinong bata na manalo roon ay talagang masasabing talentado. Lalo pa si Annie Mortina o kilala sa screen name na Hannie Chua, ang kaniyang anak. Marami ang napahanga ng tatlong beses nitong pagkapanalo, lalo pa't edad walo pa lamang ang kaniyang anak. Magaling kasi ito sa wikang Tagalog at Ingles kaya kapag napapasok ang pelikulang kabilang ito bilang entry ay lagi siyang nananalo. Saka lang siya nakabalik sa kamalayan nang tumapat sa kaniya ang mikropono ng reporter.

Ngumiti siya at kampanteng sumagot, "It is really overwhelming as her mother! And to be honest... I'm really proud of my hija. Mula pa nang tumungtong siya sa stage at natutong kumanta, um-acting, sumayaw... wala akong tigil sa pagpalakpak sa kaniya. Of course hindi naman laging showbiz ang focus niya, she's studying at kagaya rin ng ibang bata at dapat na naglalaro si Hannie."

"Ma'am! Ma'am!" Napatalikod ito sa isa pang reporter na naroon. Nakasimangot siya pero hindi ipinapahalata kay Yolanda Villa ang pagmumukha. Lagi kasing pangit ang tanong nito sa kaniya at halatang nang-iinsulto. "Totoo po ba ang nakalap naming balita na ikaw ang dahilan kaya hindi naging main lead si Haile Ysabela sa Prodigy? Sinasabing binayaran mo raw 'di umano ang management para maging bida ang iyong anak na si Hannie."

"Oh, that news still lingers. This is the last time I'll address this issue. Walang nangyaring bayaran, at hindi kami ganoon ka-mapera para bayaran ang kompanyang bilyon ang halaga. Naniniwala ako na ang talento ng aking anak, ang pagiging puro niya... at ang kawalan niya ng issue ang dahilan. I'm friends with Haile's mother, sana naman ay maalala niya iyon. Mananatiling tikom ang bibig ko sa issue at kung uulitin nila ang pagdidiin sa anak ko... pasensiyahan po tayo." Iniusog niya ang mikropono bago ayusin ang bag. Saktong dumating na ang guwardiya ni Annie para sunduin ang ginang. "Thank you at nandito ka na. Si Annie?"

"Nasa baba po. Halika na, Ma'am. Please excuse us."

Umalis na agad sila sa building nang ma-satisfy nito ang mga reporter sa sagot. Dahan-dahan niyang nilakad ang lubak at mabatong daanan ng paaralan, saka huminto kasama ng babaeng tagapagbantay ng anak nang marating ang tagong sulok ng building. Nandoon si Annie na nilalaro ang natanggap niyang Gameboy na regalo ng kaniyang panatiko.

"Mommy ko! Mommy!" Ibinaba nito sa upuan ang gamit bago tumayo at tumakbo papunta sa kaniya. Excited siyang makita ang ina at mayakap ito. Nang mahawakan niya sa hita si Gwen ay kumapit ito hanggang sa mahila siya paitaas. "Muah! Muah! Mommy, I miss you. I miss you so much!"

"Miss mo naman agad ako." Ngumiti ang bata sa kaniya at pinaghahalikan ito sa pisngi at huminto sa kaniyang labi. Sweet na halik ang pinakawalan nito bago siya kapitan. Masaya si Annie dahil kasama na niya ang ina matapos ng maraming araw na abala ito bilang child star. "Pasensiya na, hindi tayo makakakain sa labas. Sa kotse na lang muna, Annie. Marami akong in-order! At kanina habang papasok ako... may nagpadala sa iyo ng pagkain. Iyong leader ng fan's club mo."

May kulay puting bulletproof van doon na sinasakyan lagi ng dalawa kahit saan sila magpunta. Nang makapasok ay inayos na ni Gwen ang burger na paborito ng anak at hotdog. Simple lang talaga ito kahit na mukha siyang sosyal dahil na rin sa nakalakhan nitong buhay.

Shangri-la [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon