With you . . . is where I like to be (JhaBea FanFic)

3.7K 68 19
                                    

 Introduction . . .

"Ok one, two, three, pose" Sigaw samin ng photographer. Nandito kasi kami ngayon sa pictorial ng isa sa mga endorser ko.

Grabe, napapagod na ko. Kanina pa kami nakatayo dito, sa totoo lang. After nito kailangan ko pang mag ayos dahil mamaya na yung movie premiere namin. So excited lang, kasi for sure panalo na naman kami nito sa darating na awarding.

"One more, one more mag-dikit kayo ng ulo." Sabi ulit ng photographer.

"Isa pa, isa pa. Yaaaan."

"Bagay kayo." Ngumiti pa sya ng nakakaloko, pag tingin nya sa cam nya. Bagay bagay ka dyan.

Naiinis na ako, ang dami dami nyang pinapagawa samin, ang dami nyang kaartehan.

"Ok, break, break, break." Sigaw ng isa sa mga crew dito. Salamat naman at nakaramdam na sila na pagod na kami.

Umalis na ko sa harapan ng photographer na to at umupo. Kinuha ko yung phone to check my messages. As usual ang dami na naman teks. Puro tsismis, tsismis dito, tsismis dyan. Ganto talaga buhay sa showbiz, magulo.

"Tubig oh." Napatingin ako sa nag salita. Si daniel, sya kasama ko ngayon sa pictorial. Kinuha ko naman yung tubig, ayaw ko syang mapahiya ang daming tao dito.

"Salamat." Sabi ko na lang, at binuksan na yung bottled water na binigay nya sakin.

"Bea." Ano na naman kaya?

"Oh bakit?"

"May susundo na ba sayo mamaya?" Tanong nya sakin.

Susundo? Haaaay, naalala ko na naman. Oo nga pala no, bakit wala pang teks sakin yung mokong na yun? Wala ata akong balak sunduin nun mamaya ah. Nainis tuloy ako bigla.

"Ai, di bale na lang. For sure naman susunduin ka nya eh." Pag papatuloy nya, nag sad face pa sya.

"Ahhm, hindi ko kasi alam eh. Pero sige hintayin kita." Sabi ko na lang sabay ngiti.

Tumayo na ko at nag lakad na. Gusto ko ng umalis dito. Sumakit na ang ulo ko, bahala sila kung hahanapin nila ako. Basta ako aalis na ko. Nag lakad na ko papalabas dito. Nang makita ko na yung sasakyan pumasok na agad ako.

"Mam, ang bilis naman ata matapos ng pictorial nyo ngayon?" Si Mang Juan, driver namin.

"Sumakit po ulo ko Mang Juan eh." Sabi ko habang inayos yung pag kakasandal ko.

"Ako po ba ang mag hahatid sa inyo . . ."

"Hindi ko po alam." Pinutol ko na yung tatanungin nya.

Ayaw ko na rin kasi marinig yang tanong na yan ulit, dahil hindi ko alam kung susunduin nya ko mamaya. Ni teks nga wala, o tawag eh.

"Sige, hatid ko na po kayo sa bahay." Nagstart na nyang pinaandar ang sasakyan.

Bahala nga sya, ano naman kung hindi sya ang sumundo sakin. Edi wag, andyan naman si Daniel, sa kanya na lang ako sasabay.

--

"Hija, you're home." Salubong nya sakin at yumakap at humalik pa. "I missed you."

"Hi Dad, i missed you too." Nag smile lang ako sa kanya. "Where's Mom?" Tanong ko.

"Ahmm, parlor? I don't know." Sabay tumawa pa sya.

"Ok." Nasabi ko na lang. "By the way dad, are you going?"

With you . . . is where I like to be (JhaBea FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon