With you . . . (Chapter 2)

1.1K 44 25
                                    

Beanca Binene on the right side --->

Cto

-- 

"Beanca, Beanca gano katotoo na may relasyon na kayo ni DJ?"

"Totoo ba na ikaw yung babaeng pinapatamaan nya sa tweet nya last night?"

"Kailan pa naging kayo Beanca?"

"Tiyak na maraming mga fans ang kikiligin pag umamin na kayo."

Beanca Binene, matalino, maganda kaya lahat humahanga sa kanya, magaling na aktres lahat kayang gawin, hindi nag iinarte sa trabaho at higit sa lahat mabait, matulungin sa kapwa. Isa lang naman sya sa mga child star noon na ngayon ay mag lalabing walo na sa mga susunod na buwan. Laking showbiz ika nga nila, sikat na sikat ito ngayon lalo na ang love team nila ngayon ni DJ, na kung saan anak din ng dating artista.

"We're good friends, ok." Yun na lang nasabi ng batang aktres, at dahil sa nahihirapan na rin silang mag lakad dahil nga sa dami ng tao na pumapalibot sa kanila ngayon.

Hanggang sa nakalabas na sila ng studio at pumasok agad agad sa loob ng sasakyan. Napahimas naman ito agad agad sa ulo na sumasakit dahil sa init at sa siksikan ng mga tao.

"Peachy, san nga ulit punta natin ngayon?" Tanong nya sa kanyang manager na si Peachy.

"Sa barangay putik, sapang bato." Sagot naman ng humahawak sa kanyng career.

"Eh diba sa linggo pa yung event dun?" Pagtataka ni Beanca, dahil nga ang alam nya linggo pa sila pupunta dun.

"Oo, pero gusto ko lang muna to make sure na safe tayo dun. Baka kasi pag baba pa lang natin ng sasakyan wala na yung sasakyan natin."

"Grabe ka naman, mababait naman siguro yung mga tao dun."

"Nag iingat lang." Ngumiti pa ito sa kanyang alaga at tinapik pa ang hita ng dalaga.

"Ok." Sumandal na lang ito at pumikit. "Matutulog muna ako, Peachy."

"Ok." Peachy.

--

"Beanca, gising andito na tayo."

Nakarating na rin sila sa kanilang pupuntahan. Ginising naman ito ni Peachy hanggang sa mamulat ang mga mata at humanga agad sa mga nakikita na bandiritas sa labas.

"Wow, ang ganda naman dito."

"Bababa lang kami. Ok?" Si Peachy.

"Pano ako?"

"Maiwan ka dito. Hindi ka pwedeng bumaba, gusto mo pag pyestahan ka ng mga tao dito?" With matching pataray look pa nito sa alaga.

"What? You're leaving me, dito?" Turo nya pa sa loob ng sasakyan. "Sana hindi mo na lang ako sinama."

"Beanca Binene, i'm your manager. Ok? So, listen to me. Hindi ka pwedeng bumaba, dahil delikado. Madaming tao oh, can't you see?" Turo pa nito sa labas ng sasakyan, at napatingin naman si Beanca. "So stay here, bukas ang aircon, makinig ka ng sound, you have your phone, right? So magpa twitter party ka sa mga fans mo while waiting samin. Ok? La-lock namin yung door."

"Ok."

At dahil alam nyang kahit anong gawin nya na pag mamakaawa sa kanyang manager ay hindi ito papayag, kaya susunod na lang ito sa kanya. Pag kababa nila Peachy nilock na nila ang sasakyan. Nag decide na rin si Beanca na buksan ang radio upang makinig at dahil sa nababagot na ito.

With you . . . is where I like to be (JhaBea FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon