With you . . . (Chapter 3)

1.1K 41 16
                                    

@iamDJP  -->

-- 

Pack up agad si DJ sa taping ng Angelina and I kung saan kasama nya dito ang kanyang long time loveteam na si Beanca.

"Ang galing nyo talaga DJ ni Beanca kanina, napahanga nyo ko dun. Naayos nyo yung eksena. Galing." Sabi ng hangang hangang direktor.

"Direk talaga oh, kinabahan nga ko dun eh."

"Pero hindi nyo naman pinakita na kinakabahan kayo. Tsaka umiyak ka talaga, tumulo talaga yung mga luha mo. Nung nag papaalam na sayo si Beanca."

"Magaling kasi sya direk, nadala lang ako."

"Sabagay. Oh so pano? Uwi ka na ba?" Tanong ng magaling na direktor.

"Hintayin ko muna matapos ung isang take ni Beanca."

"Kaya kayo na-iissue eh."

"Hayaan mo sila direk."

"Oh sige, punta muna ko dun."

"Sige po."

Habang papalakad papalayo ang direktor. Naupo naman si DJ, sa isang bench na nakatayo sa ilalim ng puno.

"DJ, may mall show ka pala bukas ng alas kwatro." Sabi ng handler nito.

"Bukas ng alas kwatro? Eh diba sasama ako kay Beanca bukas dun sa fiesta na pupuntahan nila."

"Eh kailangan mong puntahan tong show na to, hindi na natin to pwedeng i-cancel."

"Sige, pupunta ako."

"Oh sige, hintayin na lang kita sa sasakyan."

Tumango na lang ang binata, at umalis na ang handler nito. Yamot naman talaga si DJ, dahil akala nya makakasama nya si Beanca bukas sa fiesta na pupuntahan nito. Pero dahil nga sa may mas kailangan syang puntahan hindi na to makakasama. Nag hintay lang si DJ sa may puno habang nag papahangin, dahil ayaw nya sa loob ng tent. Nang makita nya nang natapos na si Beanca sa tini-take nito eksena, agad naman itong lumapit.

"Oh, andito ka pa? Akala ko pack up ka na?" Sabi ng nag tatakang Beanca.

"Gusto ko kasi mag paalam sayo bago ako umalis. Kaso nag tatake ka pa kaya, hinintay na lang kita."

"Oy, ang sweet nya." Si direk na, napadaan sa gitna nila.

"Loko talaga to si direk oh. Buti pinayagan ka ni Sir Joey na maghintay." Beanca.

Ang handler ni DJ na si Joey, kung tawagin nila ay Sir Joey.

"Wala naman syang magagawa eh. Tsaka may sasabihin din ako."

"Ano yun?"

"Hindi pala ako makakasama sayo bukas dun sa fiesta. May mall show pala ako."

"Aii ganun ba. Ok lang, next time na lang."

"Pero pag labas ng album ko, ikaw pa rin ang special guest ko ah."

"Oo naman no. Wala ng pwedeng umagaw dun. Picture ko na nga yung nakalagay dun sa banner mong napakalaki eh, special guest Beanca Binene." Sabay tawa pa ni Beanca.

"Sabagay, kaya wala ng atrasan yun."

"Oo naman. So ano hindi ka pa ba uuwi?"

With you . . . is where I like to be (JhaBea FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon