With you . . . (Chapter 6)

799 34 6
                                    

 Bambi on the right side -->

--

Bumyahe ng maaga ang mag kapatid na si Angelo at Bambi, sinama din nila si Chris para tulungan sila sa pag hahanap kung saan mismo ang location ng pinag-tatapingan nila Beanca ngayon. Balak na din kasi talagang makapasok ni Angelo bilang driver ni Beanca.

Nag lalakad sila ngayon sa isang daan papunta sa sinasabing location.

"Dito ba talaga yun Bambi?" Tanong ni Angelo.

"Ehh sabi nung kausap ko, dito daw. Tsaka sabi pag may nakita na daw tayong simbahan sa may likuran daw nun." Si Bambi.

"Baka naman pinag-lololoko ka ng kausap mo ah. Nakakapagod na kaya. Wala naman simbahan dito eh." Pag yayamot ni Chris, kasi sa totoo lang kanina pa ito pagod sa kakalakad.

"Easy, relax lang." Pumunta pa si Bambi sa harapan ng dalawa at nag lakad ng patalikod. "Try kaya natin mag-tanong no? Para hindi na tayo mahirapan. Diba? Ok?" Nag thumbs up pa si Bambi sa dalawa. At nag agree naman sila.

Habang patuloy sila sa pag lalakad. Nakakita naman sila ng isang lalaki na pwede nilang pagtanungan. Si Angelo ang napagdesisyunan na mag-tanong.

"Boss, pwede po ba mag-tanong?" Si Angelo sa lalaking nag-yoyosi na naka-upo sa may isang bleachers.

"Ano yun?" Tanong nung lalaki pag-tingin kay Angelo.

"San ba dito yung simbahan? Na pinag shoshootingan ng mga artista?"

Habang nag iisip ang lalaki gamit ang pag hawak sa baba nya ay nakatingin lamang sila Angelo dito.

"Wala naman kasing simbahan dito eh. Sigurado ba kayo na dito sa lugar na to?"

"Dito daw po eh. Sigurado po ba kayo na walang simbahan dito?" Si Angelo.

"Wala eh. Mag-tanong na lang kayo sa iba. Hindi ko alam."

Tumayo na rin ang lalaki at umalis na. Si Angelo naman parang napanghinaan ng loob sa narinig.

"Pano yan dre? San tayo nyan ngayon?" Chris.

"Bambi, sigurado ka ba talaga na dito yun?"

"Oo kuya, ito yung lugar na sinabi eh."

Napa-buntong hininga na lang si Angelo at umupo na rin sa may bench. Pagod na rin kasi talaga sya sa pag lalakad lalo na at hindi pa rin magaling ang kanang kamay nya na nakabenda pa rin hanggang ngayon. Umalis muna si Chris para bumili ng makakain at maiinum. Bumalik din agad si Chris at pag-balik nito may dala dala na itong pagkain na tinitinda sa kalsada.

"Kain muna tayo oh." Inabot naman ni Chris ang mga dala sa dalawa.

Kumain lang sila at nag simula ng mag-lakad ulit.

"San na tayo ngayon?" Tanong ni Chris.

"Uwi na lang tayo. Baka nakahanap na rin ng driver sila Beanca. Isang linggo na rin ang lumipas eh." Halata sa boses ni Angelo ang pang-hihinayang.

"Pano yan kuya? Sayang naman yun. Nakaka-inis naman kasi yung kausap ko eh. Sabi dito, sa may likod ng simbahan tapos wala pa lang simbahan dito." Inis na inis na sabi ni Bambi kulang na lang ay sumabog ito.

"Hmm, parang alam ko na kung saan tayo pupunta." Si Chris na hawak hawak pa ang baba at tumatango tango pa.

Napatingin naman ang dalawa kay Chris. At nang makita nila na parang may nakita si Chris na paraan agad nila itong tinanong.

With you . . . is where I like to be (JhaBea FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon