With you . . . (Chapter 5)

911 34 15
                                    

Chris on the right side -->

Rest day ni Beanca ngayon. Third week of this month, ito ang kanyang unang pahinga para sa buwan na ito. Kaya ang gusto nyang mangyari sa bahay lang at makapag pahinga ng husto.

"Ya, si daddy?" Si Beanca habang pababa ng hagdan.

"Maagang umalis, may meeting daw. Kumain ka na ba ng almusal?" Si yaya na close din sa alaga, dahil bata pa lang si Beanca sya na ang nag aalaga dito.

"Hindi pa po. Pero kakain na ko."

"Wala ka bang lakad ngayon?"

"Ahhm, wala po. Pahinga ko po ngayon. Pero kung mabore ako mamaya baka iteks ko na lang sila Kate at Eliz."

Ang dalawang matalik na kaibigan ni Beanca. Bestfriend nga kung itawag. Hindi man sila artista din, pero sila ang tinuturing na tunay na kaibigan ni Beanca.

"Oh umupo ka na, pag hahain kita." Nakangiting sabi ng yaya nila.

"Sige po."

Umupo na si Beanca sa upuan nya. Habang ang yaya naman nila ay sinasandukan sya. Kumakain mag isa si Beanca, sanay na to. Tatlo lang kasi sila sa bahay nila. Ang daddy nya naman laging nasa business. Ang mommy nya naman hindi sila ganun ka-close. Habang kumakain si Beanca ng breakfast. Bumaba ang mommy nya.

"Mommy, andito na po pala kayo." Biglang napatayo si Beanca at nag punas pa ng labi. "Kain po tayo." Yaya ni Beanca sa mommy nya.

"Busog pa ko. Ang daddy mo?" Tanong ng mommy nya na medyo parang galit pa ang tono.

"Sabi ni yaya, maaga daw pumasok dahil may meeting."

"Wala kang trabaho ngayon?"

"Wala po."

Tinignan lang saglit ng mommy si Beanca tsaka nag lakad paalis sa dining. Pero tinawag ulit ito ni Beanca.

"Mommy, baka gusto nyo pong lumabas? Wala naman po akong taping ngayon, para makapag-bonding naman tayo." Medyo kinakabahan pa si Beanca sa pag-tatanong. Dahil sa totoo lang ito ang unang pag kakataon na yayain nya ang mommy nya na lumabas. At kinakabahan ito na baka tanggihan sya nito.

"Sige, wala naman akong pupuntahan ngayon eh." At umalis na rin agad ang mommy nito. "I'll call you later." Pahabol pa nito bago tuluyan lumabas sa may pinto.

Naiwan naman si Beanca na halatang nagulat at pumayag ang mommy nya. Matagal nya na rin kasi talagang gustong makasama o maka-bonding ang mommy nya. Kaya lang natatakot lang ito na baka tanggihan sya nito, dahil sa lagi itong galit sa kanya na hindi nya naman alam ang tunay na dahilan.

Dali daling kumain ito at umakyat sa kwarto para tawagan ang mga kaibigan.

"Hello."

"Eliiiiiizzzzzze." Si Beanca na excited na excited na ikwento kay Elise.

"Maka sigaw naman twiin.heart. Ang sakit sa tenga."

"Kasi naman excited lang ako ibalita sayo to."

"Ui anong chika yan? Nag tapat na ba sayo si DJ." Sabit naman ni Eliz kay Beanca.

"Ano ka ba. Alam mong love team ko lang yun eh. About kay mommy to."

"Oh anong meron kay tita?" Sa nalaman ni Elise halatang lalo syang na-excite.

With you . . . is where I like to be (JhaBea FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon