With you . . . (Chapter 1)

1.3K 55 33
                                    

Angelo Vargas on the right side  -->>

Cto.

-- 

Sa Brgy. Putik Sapang Bato, nakatira si Angelo Vargas. Simpleng tao, masipag walang inaayawan basta mapag kakakitaan para sa kanyang lola at sa kanyang kapatid. Wala na itong magulang, dahil namatay ang kanyang ina ng sya ay pinapanganak at ang kanyang ama ay hindi nya na nakita. Lumaki sya sa kanyang lola, minahal at inalagaan sya nito. Kasama nya rin ang kanyang kapatid na si Bambi, pero hindi nya tunay na kapatid, nakita lang nila ito na palaboy laboy sa kalsada ng bata pa ito.

"Pareng Angelo, panay kayod natin ngayon ah." Si chris, kababata ni Angelo, tropa, barkada, bestfriend, classmate, kapatid, pinsan, nanay, tatay, teacher, doctor lahat na pwede nyang itawag sa kanyang kababata. Ganun sila ka-close eh. Mabait si Chris, kahit medyo angat sa buhay, hindi nananapak ng ibang tao.

"Kailangan dre eh, kung hindi ako kakayod wala kaming kakainin ngayon. Lalo na may sakit ngayon si lola." Si Angelo.

"Sabi ko naman sayo, tutulungan kita eh." Ngumiti at umakbay pa si Chris kay Angelo.

"Ang dami ko ng utang sayo, mamaya kung ano pang sabihin ng mga magulang mo."

"Grabe ka naman, hindi ka naman na iba samin."

"Alam ko, pero nakakahiya na dre. Hayaan mong mabayaran ko muna yung utang ko sayo noon." Inalis na ni Angelo ang kamay ni Chris na naka-akbay sa kanya, upang makapag igib na ulit.

Sideline ito ni Angelo, ang pag iigib ng tubig. Bukod sa pag iigib madami din syang side line. Wala syang permanenteng trabaho, dahil nga sa kakagraduate pa lang nya ng high school at bata pa ito.

"So pano dre, hatid ko muna tong tubig kala aleng nena."

"Sige dre, dito muna ako at pupuntahan ko si Pareng Ella."

"Sige, ingat." Nag kamay na sila ni Chris at umalis na.

Binuhat na ni Angelo ang dalawang galon ng tubig papunta sa kanyang pedicab. Nag simula na itong pumadyak, para mabilis na madala ito sa may ari at makauwi na ng bahay dahil bibili at mag luluto pa ng kakainin nila para sa hapunan.

--

"Aleng nena, ito na po yung pina-igib nyo." Tawag ni Angelo sa may ari ng bahay.

May lumabas naman na isang matanda, at inakala nyang baka si Aleng Nena na ito. Hindi nga sya nag kamali, si aleng nena nga.

"Angelo, ang bilis mo naman. Iba ka talaga, napaka-sipag na bata." Bola nya kay Angelo.

"Wala po yun. Gusto ko lang po na mahatid ko tong mga pina-igib nyo sakin ng mas maaga"

"Oh sya ito ang bayad." Inabot nya na ang bayad kay Angelo. "Bukas ulit ah." Pahabol pa ng matanda.

"Sige po, basta po kayo aleng nena. Salamat po."

"Walang anuman, salamat din Angelo."

Umalis na si Angelo at nag padyak ulit sa pedicab pauwi ng bahay. Ganto talaga ang buhay ni Angelo masanay na kayo. Kahit na hirap na hirap na ito sa buhay, hindi pa rin maalis sa kanyang isipan na yayaman din sya balang araw.

"Kuuuyyaaaaaaaaa." May sumisigaw sa likod ni Angelo.

Lumingon si Angelo sa likod habang pinapaandar tong pedicab. Napahinto sya, nang makita nya ang kanyang kapatid. Tumatakbo, hinahabol si Angelo.

With you . . . is where I like to be (JhaBea FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon