Isang normal na gabi nanaman 'to, like every other nights, ayon, nasa kwarto ako nanonood ng tv. Pumanik si Jani, yung bunso kong kapatid, umakyat sa kama at pinagbabato lahat ng gamit na nasa kama papunta sakin.
"KUYA! CATCH." sabi niya habang yung ngiti niya abot hanggang tenga.
Yung unan, alahas, papeles nila mama kumalat na sa sahig. At ang next na ibabato niya.. yung samsung galaxy s5 ni mama. Tumakbo ako agad at kinalong siya, sa pagkakalong ko, binitawan niya yung cellphone. Buti nalang sa kama nalaglag. -_-#
"Ano ba Jani! Ano bang trip mo?!"
Umiyak siya bigla at bumaba. Pagkababa niya, biglang sumigaw si Mama.
"JOSHUA! BAKIT MO NANAMAN PINAIYAK KAPATID MO?!"
Hay nako. Ako nanaman masisisi.
"Eh paano ba naman pinagbabato yung gamit sa kamang nakakalat. Ayon, nasa sahig na tuloy."
"Eh tanga ka pala! Bakit hindi mo pinigilan?"
Hay nako ewan ko ba sa nanay ko, lagi nalang pumapabor sa kapatid kong bunso. Palibhasa babae, palibhasa bunso. Ipagtatanggol ko sana sarili ko nang biglang may kumatok sa pinto.
"Joshuaaaaaa." Boses ng pinsan ko. Si Kurt. Pumasok siya sa bahay at tinanong kay mama kung nasan ako.
"JOSHUAAAAA! NANDITO SI KURT, MAY PUPUNTAHAN DAW KAYO."
Pagkababa ko, umalis na kami agad ni Kurt.
"Pre, bakit parang atat na ata kang umalis? Excited ka na sigurong makita si Casey no?" Tanong ni Kurt.
"Hindi ah. Kinakabahan nga ako eh. Tsaka si mama kasi pumabor nanaman kay Jani. Lagi nalang ako napapagalitan sa bahay."
"Eh nasan yung kuya mo? Si Jeshurun."
"Nasa bahay nanaman ng girlfriend niya. Doon na nga ata titira eh. Oo nga pala ulit pupuntahan natin ngayon?"
"Si Casey Collins. Yung crush mo dati."
"Ikaw kaya may crush doon. Pina-add mo lang sakin para kubwari ako may crush."
"Hahaha sorry na."
"Ano na kaya itsura non ngayon no?"
"Nako pare magugulat ka."
"Paano mo nga pala yon naging close ulit?"
"Natandaan mo nung December? Yung nagmall kami ng classmate niya. Dapat pala magkakasama sila kaso iniwan siya ng boyfriend niya sa NBS. Nasnatchan pa siya nung araw na yon kaya hindi siya agad nakauwi. Tapos tamang tama tinawagan niya classmate niya na kasama ako kaya pinuntahan namin siya sa nbs. Pagdating namin niyakap niya ko, umiiyak siya. Akala nga nung guard kung napano eh. Pinatahan ko tapos nilibre ko ng ice cream. Parang bata lang siya. Pero iba na talaga itsura niya ngayon."
"Ay kaya pala lagi ka na daw wala sa bahay niyo eh. Lagi ka raw nasa kanila. Ano ba ginagawa mo don?"
"Kinocomfort siya, nagmomovie marathon. Tinutulungan ko siya para makamove-on sa ex niya."
"Tapos ikaw papalit ganon?"
"Hindi. Para ko lang mliit na kapatid yon. Tsaka yung classmate niya crush ko. Si Anika. Sayo na lang yon gusto mo?"
"Lul. Kaliwa't kanan na nga mga chix ko magdadagdag ka pa."
"Kapal mo loko hahaha. Mas gwapo pa ko sayo. Teka, nandito na tayo."
Tumigil kami sa isang apartment. Pumasok kami at kumatok si Kurt. Ang nagbukas ng pinto, isang babaeng maliit na cute pero mukang minion at parang chipmunks.
"Uy, pasok kayo."
"Si Josh nga pala." Sabi ni Kurt.
Pumasok kami at halatang nakaready na para magmovie marathon. May tv ilang 40 inches na parang movie talaga. Tapos folding bed yung sofa nila kaya solid talaga.
"Kurt, ikaw na pumili sa kusina kung anobg flavor ng popcorn gusto mo." Sabi ni Casey.
Pumunta si Kurt sa kusina. Habang kami nalang ni Casey natira.
"Diba may bangs ka dati?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Pero pinahaba ko na hindi kasi bagay eh. Teka, ang tangkad mo na ha. Hahahaha."
"Ang liit mo pa rin ha. Hahahahaha xD"
"Loko. MATANGKAD KA LANG. HAHAHAHA."
Lumabas si Kurt galing kusina. Hawak hawak ang isang balde ng popcorn.
"Ayieeeee. Muling ibalik." Sabi ni kurt.
"Lul. Hahahaha." Sabi ni Casey sabay binato niya si Kurt ng unan.
"Ano ba papanoorin natin ngayon?"
"Insidious 2." Sagot ni Casey.
Pumwesto na kami sa folding bed sofa at nanuod. Nasa gitna namin ni Casey si Kurt at ako naman ang malapit sa bintana. Aaminin ko medyo natatakot ako kaya nakayakap ako kay Kurt. Pero natatawa si Casey.
"Bakit?"
"Eh kasi bat ka nakayakap kay Kurt? XD"
"Ah.. ang lamig kasi eh. Hahahaha. Teka paano mo nalaman?"
"Nayayakap mo rin kasi ako eh. Haha"
"Liit mo kasi eh. Hahahaha >:)"
Binelatan niya ako at nagpatuloy sa panonood. Tama nga si Kurt. Parang bata 'to kung umasta. Pero kung iisipin mo, dalagang dalaga itsura niya. Kalagitnaan ng movie, napakwento si Kurt tungkol sa Make out nila ni Shane, yung ex niya. Natuwa ako sa itsura ni Casey habang nagkwekwento si Kurt. Para bang nandidiri na ewan. Hahaha batang bata.
"Oh, ikaw naman magkwento Casey." Sabi ni Kurt.
"Ah ako.. ano.. pinaka malokong nagawa ko? Magboyfriend ng trip ko lang. Ayan, si Jasper. Yung iniiyakan ko non. Trip ko lang talaga yon eh, kaso nagbackfire ata sakin kagagahan ko."
"Ah. Bakit mo naman siya napagtripan?"
"Gusto ko lang ng attention. Nitake advantage ko yubg pagkagusto niya sakin eh. Pero ngayon hindi ko na gagawin yon. Teka lang itetext ko lang si Kuya."
Since nagtatanong naman si Kurt, hindi ko maiwasang magtanong din kay Casey.
"Eh Casey, sino kasama mo dito sa bahay?"
"Kami lang ni Kuya Kobe. Kilala ata ni Kurt yon eh, taga school nila."
"Ah oo. Team captain namin yon sa basketball. Kuya mo pala yon?! Eh bakit magkaiba apelyido niyo?"
"Eh kasi, hindi pa kasal sina mama't papa noon. Nung ako kasal na. Pero naghiwalay din sila. Kaya.. ayon."
Sa pagkasabi niya non, nakita ko yung lungkot sa mata niya. Siguro ito rin yung nagudyok kay Kurt na gawing kapatid 'to.
"Pero nasan ba kuya mo?"
"Nasa Mineski. Nagdodota."
"Anong klaseng kuya yan! Buti nalang may extra ka pang kuya. Ako. :)" sabi ni Kurt.
Hindi na umimik si casey. Ipinagpatuloy nalang niya yung panonood hanggang sa makatulog na silabg dalawa ni Kurt. Ako naman, naiwang gising. Hindi ko maiwasang magtaka at maging curious kay Casey. Kasi parang may dinidibdib siya ngayon. Hindi ko lang malaman kung ano basta nakakacurious yung babaeng yan. At feeling ko kapag sinamahan ko siya, at iclose ko rin. Malalaman ko kung ano yon.. soon.
---
Ano guyths? Ayos lang ba? 15 reads para malaman ko kung ocake and kung ipagpapatuloy ko pa. Huehue thaaanks x /M e r p i n a≧﹏≦

BINABASA MO ANG
Supposed to be mine.
RomanceLife is short, ika nga. Kung may gusto kang gawin, gustong aminin, gawin mo na. Kasi baka mamaya, ilang beses ka ng binigyan ni God ng oportunity tapos sinayang mo.