Madaling araw, bumalik ako para umamin na kay Cai. Sa totoo lang nag-ayos pa ako eh para hindi ako magmukang dugyot. Inagahan ko talaga ng gising kasi alam ko matagal tagal ako mag-ayos. First time ko nga atang maglayos eh hahaha. 8 na, sigurado gising na yung dalawa. Chineck ko cellphone ko kasi baka iinform ako ni Kurt na okay na sila pero wala. Kahit si Cas wala. Kinuha ko na yung bike ko nagbikemuna ako paikot sa Village para isiping mabuti kung ano ang sasabihin sa kanya. Ang ganda ng sikat ng araw, masarap ang simoy ng hangin.. alam mo yon? Yung parang nalikipagcooperate sayo yung universe. Nang makaisang ikot na ako, dumiretso na ako sa street nila Casey. Napansin kong bukas yung gate ng apartment nila doon kaya pumasok na ako.. ilalapag ko na sana yung bike ko nang may narinig akong boses na pasigaw ng babae..
"My point is she's too young! Okay lang na maging kayo pero know your limitations! Ikaw Kurt, I trusted you to take care of my daughter. Anong ginawa mo? You ruined everything. Paano kung nabuntis mo siya? Give me your dad's phone number."
"Tita, I can explain."
"I DON'T NEED YOUR EXPLANATION. IBIBIGAY MO OR IPAPADEMANDA KITA? ANO GUSTO MO?"
Sumilip ako at nakita kong magkatabi si Kurt at si Casey. Si Kurt naka yuko habang si Casey naman ay umiiyak. Hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyari bukod sa nahuli silang dalawa. Kaharap nila yung mama ni Casey. Dumiretso na ako sa harap ng pinto at nagpakita na.
"Ikaw ba si Joshua? Pakisabi sa tita mo na tawagan ako, ngayon din. Bilisan mo."
Dali dali akong nagbike pauwi. Yung iba akala na kung napaano ako, muntikan na akong makabangga ng batang naglalaro ng pogs sa kalye. Salamat sa Diyos at nakaiwas ako. Pagdating ko sa gate namin, nilapag ko yung bike ko at sabay tumakbo kay Tita Cris. Naabutan ko siya na nagdidilig ng halaman.
"Oh Joshua, bakit parang hingal na hingal ka ata?" Tanong niya sakin.
"Ano po kasi.. uhm.. kilala niyo po si Dra. Collins?"
"Ah oo, bestfriend ko siya noong gradeschool at highschool. Bakit mo natanong?"
"Yung anak niya po kasi.. girlfriend ni Kurt. At pinapasabi po niya, tumawag raw po kayo sa kanya ngayon din.."
Sa sinabi ko parang nagbago ang itsura niya. Para bang nagtataka na ewan. Kinuha ko yung cellphone ni Tita sa coffee table namin sa sala at binigay ito sa kanya. Binaba niya yung watering can at tinawagan yung mommy ni Casey..
"HELLO? Uy, bes, kamusta? Bakit mo ako pinapatawag sayo?"
Mga ilang segundo lang ay biglang nagbago yung muka ni Tita. Mukang nasaktan,nadisappoint at may halong galit. Kitang kita ko kung paano kumunot noo niya, kung paano naghigpit yung kamay niya..
"ganon ba? Hay nako. Osige, pabalikin mo dito. Kakausapin natin tatay niya mamaya. Cath, kumalma ka. Please. Pauwiin mo muna dito, si Casey muna kausapin mo. Osige sige, thanks."
Kinuha niya yung watering can at ipinagpatuloy ang pagdidilig. Napansin ko sa kanyang umiiyak siya ako ng kaya iniwan ko na muna siya at nagsaing. Nanunuod ako ng spongebob nang biglang dumating si Kurt. Nakayuko siyang pumasok sa loob nang bahay. Alam ko na mangyayari kaya pumasok muna ako sa loob ng kwarto niya. Umupo ako sa kama at nakita yung picture sa gilid ng lamp niya, silang dalawa ni Casey. Kahapon lang kinuha yung litrato, nakapolaroid.
"Kurt, I'm giving you 5 minutes to explain what happened last night." Napahikbi si Kurt sa sinabi ni Tita.
"Tita.. I'm so sorry. Nakainom ako kagabi kasi grad celebration ni ate. Nagkataong nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Casey kaya.. But when I came to her house, I apologized. And then she cried. She was mad kasi nakainom ako kaya uminom din siya to get even. Hanggang sa.."
"Kurt naman! I thought you're mature enough to handle relationships. That's why pumayag ako. Pero.. Hay nako. I have to talk to your father. Pumasok ka na muna sa kwarto, I have to think this through."
Pumasok siya sa kwarto at nakita niya akong nakatingin sa litrato nilang dalawa. Tinabihan niya ako pero nagkunwari akong hindi ko siya napansin.
"Gusto mo rin pala siya.." sabi niya saking parang nanunumbat pa. Hindi ako sumagot. "bakit hindi mo sinabi sakin?" pagpapatuloy niya.
"Bakit? Kapag sinabi ko ba, magugustuhan rin niya ako? At kapag sinabi ko ba, ibibigay mo siya sakin? Hindi naman diba?"
"Kung alam ko lang na may gusto ka sa kanya, hindi ko siya papatulan. Hindi ko naman talaga siya ganon kagusto eh. Alam kong magbrebreak at magbrebreak kami. Pero hindi ko alam na magkakaganon."
"Ewan ko sayo. Pinagbigyan na kita. Nagparaya na ako eh, sana naman inalagaan mo siya para sakin. Eh hindi eh. Hindi mo pala gusto. Ano yon? Try lang? Free taste lang? Sana naisip mo na tao yan, hindi bagay. Napaka selfish mo. Aminin mo, alam mong mas sisikat ka kapag naging girlfriend mo siya. Aminin mo na kaya mo siya pinatulan kasi hindi ka pa rin makaget over sa ex mo. Bakit hindi nalang yung babaeng kahalikan mo kahapon yung jinowa mo? Matagal mo nanaman siyang kwinekwento sakin bago pa natin makaclose si Casey diba? Bakit hindi nalang siya? Bakit si Casey pa? Tingin mo kaya mong panindigan kapag nabuntis siya? Ngayon pa nga lang, palpak ka na eh. Paano pa kaya kapag ikaw naging ama?" napasuntok ako sa pader at napawalk-out.
Umuwi ako sa bahay at nagdota. Tangina, napaka walang kwenta ni Kurt. Hindi man lang tumanaw ng utang na loob. Langya naman oh. Maya maya lang, papunta sana ako sa court nang may narinig ako na naghihiyawan sa bahay nila Kurt. Narinig ko yung boses nang babaeng narinig ko na kaninang umaga, ang mommy ni Casey. Nagpatuloy nalang ako sa court kasi wala akong mapapala kung makikinig pa ako.
Pagdating ko sa court, nandoon si Casey. Kalaro niya yung kuya niyang nakakatakot kaya umiwas ako sa umuwi na. Nabalitaan kong galit na galit kuya ni Casey sa aming dalawa ni Kurt kaya umiiwas nalang ako sa gulo. Kahit katropa ko yung kaibigan ng kuya ni Casey, kahit yon tinalikuran ako. Mas loyal sila kay Kobe kaysa sakin. Umuwi nalang ako at nagkulong sa kwarto, alam ko na ngayon na bawal magphone at fb si Casey kaya susulat nalang ako sa kanya at ipapabigay ko sa yaya niya.. Siguro naman okay pa rin kami.
* * *
Siguro ilang araw na rin nakalipas, pinahupa ko muna yung issue at pinabigay ko sa yaya ni Casey. Pero nang makarating ako doon..
"Wala na dito si Casey."
"Saan na po nagpunta?"
"Nasa Bulacan na, doon na daw siya mag-aaral."
Sa sinabi ni Yaya, parang nawasak mundo ko. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong magbye sa kaniya. Hindi man lang ako nakapag-amin sa kaniya. Lahat ng yon ng dahil kay Kurt. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba si Kurt.. Hay nako. Buhay nga naman oh. Umuwi ako nang talunan, at nagkulong sa kwarto. Sa susunod na magmamahal ako, aamin na agad ako, para sa huli.. Hindi ako yung talunan.
-
Aw so sad. Haha, panira ako ng moment okay. Hay life. kamusta naman guys? Yung story? Okay pa ba? hahahahaha sorry sa late updates. Keep on reading! Thanks😘
BINABASA MO ANG
Supposed to be mine.
RomansaLife is short, ika nga. Kung may gusto kang gawin, gustong aminin, gawin mo na. Kasi baka mamaya, ilang beses ka ng binigyan ni God ng oportunity tapos sinayang mo.