Chapter 7 - Casey who?

3 0 0
                                    


Siguro ilang taon na rin matapos yung lahat ng nangyari, kaya ayon mas naging matatag ako. Natuto na rin akong umamin agad kapag may nagugustuhan ako kaya ito, marami tuloy akong kailangang pagpiliang babae. Joke😂 Isang babae nalang ang natitirang kaclose ko ngayon at siya si Marielle. Kahit alam niyang mahal ko si Casey habang nanliligaw ako sa kaniya, hindi siya tumigil sa pagiging kaibigan ko kaya napakathankful ko kasi nakakaraos ako arawlaraw dahil sa tulong niya.  Pero syempre.. Naging curious pa rin ako sa buhay ni Cas sa Bulacan pero hindi na ako masyadong nagdig-deep sa fb niya or kahit anong social med niya kasi alam ko, grounded yon. Grabi kaya nangyari dito sa Manila at alam ko rin kung paano kastrict mom non kaya nagstop na ako.. Pero aaminin ko, hindi pa rin siya nawawala sa isip ko. At kung naibigay ba sa kaniya g yaya niya yung sulat na pinapabigay ko. Si Kurt naman, nagtanda na rin sa ginawa niya pero minsan hindi niya mapigilang magloko. Nangako na rin kami sa isa't isa na hindi na namin hahayaan na may pumagitna saming babae.

"Babe?" Tawag ni Jen. Si Jen yung bagong laruan ni Kurt. Nakilala niya sa fb at sa tingin ko, pampalipas oras nanaman niya 'to pero matalino si Jen. Alam niya ugali ni Kurt kaya pinagtritripan lang niya din 'to. Bagay nga sila.

"Jen, wala si Kurt. Nasa court. May kailangan ka ba?"

Umupo siya sa sofa at tumingin lang sa phone niya. Nagscroll ng onti sabay baba.

"Uhm, pwede ba kayo sa Dec 10? Sa Bulacan. School fair kasi nung pinsan ko don eh malaki yung school kaya kapag nagschool fair, parang seaside ng moa sa laki ang peg. Ang saklap naman siguro kung iiwan ka namin dito mag-isa habang nagdadate kami diba? Sama na ka."

Bulacan. Putangina. Hindi ko alam kung nananadya ba si Jen o ano pero since nakwento ko sa kanya mga nangyari, (siya lang naging kaclose ko na jowa ni Kurt bukod kay Casey) hindi ko alam kung ginagawa niya 'to para sakin.

"Jen, seryoso ka? Bakit naman? Okay lang talaga sakin kahit wag mo na ako isama."

"Joshua naman, dahil kay Casey Cai Collins parin ba?"

Hindi ako umimik. Halata namang oo eh.

"Quing ina Josh." Buntong hininga ni Jen. "It's been 3 years na. And hindi mo naman alam kung saan siya sa Bulacan right? So.."

"Oo na. Hindi naman siguro mataas yung probability na magkita kami diba? Ang laki kaya ng Bulacan."

"That's my boy!" masayang sabi ni Jen habang niyakap ako.

Pagkasabi niya non biglang dumating si Kurt.

"Hoy Josh akin yan." Sabay bato sakin ng hawak niyang bag.

"Pack your bags babe. Pupunta tayong Bulacan, tomorrow."

At pagkasabi niya non, bigla nanaman akong minulto ng ala-ala namin ni Cas.. Kaya tinawagan ko muna si Marielle.

Sumagot siya sa ikatlong ring at parang wala siya sa bahay nila.

"Hello? Nasan ka Yelle?" Tanong ko.

"Nasa daan pauwi. Bakit?"

"Ahh, may ikwekwento sana ako sa'yo eh."

Sinabi ko sa kaniya yung plano namin bukas sa pagpunta sa Bulacan. Tinanog niya sakin kung dahil ba kay Casey kaya ako pupunta doon. Kapag sinabi kong oo, magagalit siya at kapag sinabi ko namang hindi, nagsisinungaling na ako non.

"Hindi naman malaki yung chance na magkita doon eh. Ang laki kaya ng Bulacan."

"At paano naman kung makita mo siya aber? Ano gagawin mo? Liligawan mo kasi hindi natuloy dati? Naging sila na ng pinsan mo kaya don't expect na papayag siyang maging kayo."

Supposed to be mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon