Chapter 5 - Wasted Chance

7 0 0
                                    

Ilang weeks na rin siguro nang maging si Casey at Kurt. Galing no? Ako nagiging taga-ayos nila, ginagawa nila akong glue. Sa totoo lang, nagsisilbi akong glue. Ako kasi yung dahilan kung bakit sila pa rin, sana nga naging one sided tape nalang ako para kay Casey nalang ako madikit. Hay nako, buhay nga naman o.

Siguro mga sabado ngayon, hirap kapag bakasyon eh, hindi mo na alam kung anong araw na. Papunta na sana ako sa court nang biglang tumawag si Kurt.

"BOY! Nasan ka ba?"

"BAKIT? PAPUNTA AKONG COURT."

"Wag ka na magpunta ng court. Sumama ka nalang sa graduation ni ate Irish. Nandoon din si Casey, kasi diba magkabatch kuya niya at ate ko? Tara na para kumpleto tayong tatlo."

"Pass muna ako boy, ayoko pumunta. Mas gusto kong sa bahay nalang manood, kesa mag-aayos pa ako tapos pagpapawisan lang ako. Una na ako bye ah."

"Sige ikaw bahala."

Pinatay ko na yung telepono at pumunta na ako sa court. Sigurado mamaya pagbalik nila, isa sa kanila yayayain ako na pumunta sa handaan ng kanilang ate at kuya. Uunahin ko muna si Ate Irish bago sa kuya ni Casey. Nagpalipas muna ako ng oras sa court, siguro inabot ako doon mga alas sais. Nang matapos na kami, tinignan ko ang phone ko at nagulat ako sa dami ng messages. Lahat sila galing kay Casey. Tadtad na tadtad halos lahat "nasan ka Josh, punta ka dito" siguro nandoon din si Kurt sa kanila kaya nagmadali akong umuwi ng bahay para mag-ayos sabay punta kila Casey.

Pagdating ko doon, kumatok ako at isang babae nagbukas ng pinto. Matangkad siya pero kamuka siya ni Casey. Ganito pala itsura ni Casey kapag tumangkad.

"Hello. Sino ka?"

"Joshua po, kaibigan po ni Casey. Kanina pa po kasi niya ako pinapupunta eh."

"Ay! Ikaw pala yon, edi pinsan mo pala yung lokong nagpaiyak don. Pagsabihan mo yon ah, kundi ako mismo jojombag don. Nako pag nalaman 'to nung kuya non, yari yang Kurt na yan. Pagsabihan mo ah. Pumasok ka na muna, nasa taas siya."

"Ano pong nangyari?"

"Ewan ko eh, basta kanina nung pauwi na kami niyaya ako sa cr doon sa Theater tapos iyak ng iyak, nakaka-asar daw yung boyfriend niya. Hay nako. Ikaw na kumausap."

"Sige po salamat."

Umakyat ako sa kwarto niya, nakita ko doon sa pinto yung picture naming tatlo. Yun yung naglaro kami ng basketball sa hampton, yung araw na sinagot niya si Kurt. Ang saya saya namin noon oh. Ewan ko ba kung ano nanamang ginawa ni Kurt pero alam kong hindi niya pinahahalagahan pagpaparaya ko. Kumatok ako sa pinto at pinagbuksan naman niya ako. Hinila niya ako sabay lock ng pinto.

"Ikaw lang ba? Hindi mo sinama si Kurt?" Tanong niyang parang ayaw niyang makita si Kurt.

"Chill, ako lang. Ano ba kasi nangyari?"

"Kasi.. kasi kanina sa Graduation, nandoon yung mga kaibigan kong a year level ahead sa kanya. Yun yung grupong may ayaw sa kanya. So syempre, doon ako makikisama. Eh kasi dapat magkasama kami ni Kurt kaso doon sa siya maaarte niyang kabatch. Sinama niya ako sa part ng side na yon, tapos hindi nila ako kinausap hanggang sa inintroduc e ako ni Kurt bilang girlfriend niya. Galing no? Tsaka nila ako nibeso. Tapos puro babae pa sila. Galing galing 👏👏 napaka. Edi syempre naasar ako kaya doon ako sumama sa mga kabigan ko. Pininipilit kong wag nilang mahalata yung pagkabadtrip ko kasi kapag nalaman nila, sasabihin nila na nasabihan nila akong gago si Kurt."

"Ay grabe siya. Hindi ko ata nasikmuraan yon."

"Tapos sabi niya napahiya ko daw siya. Kaya ngayon ewan ko, gusto kong magkaayos kami. Alam mo ba kung nasaan siya?"

Supposed to be mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon