From: CaseyPango:P
Goodmeowning everyone. I'm here at school x) Clearance week. @POGIGENIX, my bros here wanna play ball with yous ppl. At Hampton be there at 10.
/Caseycakes x
-Gm ni Casey. Natanggap ko 'to siguro mga.. alas syete ng umaga. Binalewala ko 'to tsaka ako natulog ulit. Maya maya, narinig kong tumutunog cp ni Kurt. Sinagot niya to kahit medyo inaantok pa.
"Hello?"
"HOY! SAN KA BA NABASA MO BA GM KO? MALAPIT NA MATAPOS CLEARANCE KO. HAMPTON DAW. BYE BRO LABYUSZXC."
Sabay narinig kong pinatay na ni Casey. Tumayo at bumangon agad si Kurt. Kinuha niya lahat ng pangbasketball niya at sinabing ganon din gawin ko. Sabi pa nga niya, ito yung time to shine niya. Alam kong magpapakitang gilas nanaman yon. Umalis kami at naghintay sa 7/11 na malapit sa Hampton. Kasama na namin si Eiron, yung kaklase ni Casey.
"Oy pare, si Casey?" Tanong ni Kurt sa kanya.
"Nag-eexam sa school kasi diba umabsent siya ng mga ilang araw. Tsaka mas inuna pa kasi niya paglalaro ng lol sa bahay nila Simeon eh kaya nagmamadali siyang magexam para makapaglaro rin."
"Yung babaeng yon talaga, mas inuuna pa paglolol kesa sa pag-eexam."
"Kasama naman niya si Robert pagpunta dito kaya okay lang." Sabi naman ni Eiron.
Tumambay lang muna kami sa 7/11 para kumain, ang tagal kasi nila eh. Si Kurt, kausap si Eiron habang ako naman naglalaro ng Flappy bird. Nagtext sakin si Casey na kasama niya yung mga magiging kalaban namin.
From:CaseyPango:P
Hoy, si ano kasi hindi nag-rereply busy ata. Kasama ko na sina Aron,Karlos,Jasper,Gino,james tsaka si Robert. Bantayan mo yang si ano uh, baka nangchichix nanaman. Huehue thanks pango labyumuch Haha.
-
Hindi na ako nagreply at nagpatuloy na lang sa paglalaro ng Flappy Bird. Naisip ko yung sabi ni Casey. 'Bantayan mo yang si ano uh, baka nangchichix nanaman' napatingin tuloy ako kay Kurt. Tama yung hinala ni Casey, nangchichix nga.
"Oo nga pala Kurt, why are you here? Did you make punta just to make bisita me?" sabi nung babaeng parang kakagaling lang sa trabaho niyang pagpapakaprostitute.
"Hahaha oo. Dejoke, magbabasketball kami."-kurt
"Oh? Can me and my friends make nood? Kasi it's like going to be fun."
"Wag na, mainit eh. Baka masira pa beauty niyo sa sobrang init."
"Ahy sge. Next time okay? We'll go to the spa nalang. Cioa guys!"
Tapos nagsilabasan sila at sumakay sa kotse.
"Sino yon?" Tanong ko.
"Si Shaira. Ex ko. Crush mo rin yan dati."
"WEH? LUL MAGANDA SI SHAIRA EH."
"Siya nga yon."
"Ano ba yon naging puta na. Onga pala, gusto mo papuntahin ko rin si Marielle?"
"Sino yon?"
"Yung taga Stanford Academy. Nakilala ko sa fb. Nakipagmeet ako nung sinundo ko si Casey sa school niya."
"Sige bro."
Kinuha ko yung cellphone ko at hinanap sa contacts ko yung number ni Marielle pero biglang dumating si Casey kasama ang ex niya at tropa ng ex niya. Sa hindi ko alam, nadial ko na pala yung number ni Marielle.
BINABASA MO ANG
Supposed to be mine.
RomanceLife is short, ika nga. Kung may gusto kang gawin, gustong aminin, gawin mo na. Kasi baka mamaya, ilang beses ka ng binigyan ni God ng oportunity tapos sinayang mo.