Nagsarili muna ako, nagtext ako kay Kurt na kitain nalang ako sa Mcdo kung saan kami kumain kanina. Mga 6pm. Sabay inoff ko na phone ko para makapag-isip ako ng maayos.
Naglakad lakad lang muna ako sa may parang park kung saan nakalocate yung rides. Siguro naman sa laki ng school, hindi nila ako mahahanap agad. Pinagmasdan ko lang yung mga taong sumasakay at bumababa sa Vikings. Nakakatuwang isipin na hindi ako kilala ng mga tao dito, hindi tulad sa Manila, dahil maraming kakilala si Kurt, inaakala rin nila na fucboi ako. Pero dito.. Parang gusto ko na lumipat dito.
Dumiretso ako papunta sa canteen upang bumili ng maiinom, at naupo sa isa sa mga lamesa doon. Ang loner kong tignan sa totoo lang, naawa ako sa sarili ko. Sa harap ko, magbabarkada na mukang walang ginawa sa buhay kundi magpaganda. Yung isa, kinikilayan yung isa, habang yung isa naman, nilalagyan ng lipstick yung isa. Hindi ba dapat sa cr ginagawa yon? Yung sa kaliwa ko naman, magjowa na mukang naghheart to heart talk. Hindi ko maiwasang maging bitter sa itsura nilang dalawa. Yung babae kasi nakasandal sa shoulder nung lalaki. Hindi ba PDA yan at bawal ang PDA sa school?
Lahat na ata ng makita kong dumaan pinapansin ko para maiwasan ang pagbaha ng mga ala-ala ni Casey sa isip ko. Chineck ko yung orasan ko, 3:36 palang. Masyado pang marami yung oras na palilipasin. Binalak kong umalis pero biglang lumipat yung barkada ng maarteng babae sa kanan ko. Mas maganda daw kasi yung lighting doon. Naglaro nalang ako sa phone ko para hindi halatang napansin ko sila pero hindi ko naiwasang mang-eavesdrop nang marinig ko yung pangalan ni Tracy.
"Guys, alam niyo na ba what happened earlier?" Tanong nung chinita.
"No, not yet. Ano ba nangyari kanina?" Tanong ni ateng kinakapalan yung mascara niya.
"Umamin na si Ryan kay Tracy!" Sabi ni Chinita na tuwang-tuwa.
"Holy shit. No waaaaay!" Sabi naman nung isang pinapantay yung blush-on niya. "Hindi ba nagalit si Justin?"
"At bakit naman magagalit boyfriend ko ha?! He's smart enough to let Tracy decide on her own, and besides, Tracy already learned her lesson. Of course she'd say YES lalo na kay Ryan. I happen to know the guy and he's really such a gentleman. Tracy wouldn't be stupid enough to Reject Ryan." Sabi naman nung babaeng naiiba sa kanila dahil pulbo lang nilalagay niya.
"Well, it's a good thing na hindi na kayo magpplay as mommy and daddy kay Tracy. Sometimes nga, I wonder how it feels to be her. Kasi Audrey, I swear, If I was in her shoes, sobra na akong masasakal." Sabi nung babaeng hindi pa rin tapos sa pagcocontour niya.
"Bakit naman?"
"Well, first of all, si Justin. Nakita mo ba reaction/galit niya nung nalaman niyang niloko ni James si Tracy? Hindi niya hinayaang palapitin si James kay Tracy para makapagclosure."
"Anong masama doon? That douche deserves a Temporary restraining order."
"At hindi lang yon, lahat ng kilos ni Tracy dinidiktahan mo. How to walk like a girl, to talk, act like a girl. Hindi mo ba tanggap na sadyang boyish lang siya?"
"Tanggap ko siya, hindi lang ako, pati ni Justin. Mahal na mahal namin si Tracy. Ayaw lang namin maulit ulit yung nangyari sa kaniya sa Manila kaya halos lahat ng mali na nakikita namin sa kaniya, pilit naming binabago. And sa nakikita ko, maayos namin siyang binago."
"Oh God, Audrey. Daig mo pa mom ko ha. Pero still, ang tanga ni Tracy nung unang punta niya dito. She doesn't know how to cope up with people. I find her weird especially when she's around boys. Parang ayaw niyang makalabit siya. Like what are you, a stolen relic from the acient times?"
"DAMMIT SOPHIE, YOU DON'T KNOW WHAT SHE'S BEEN THROUGH BEFORE SHE EVEN GOT HERE. CUT HER SOME SLACK, WOULD YOU?"
Nainis na nag-walk-out yung Audrey dala dala yung mamahalin niyang bag. Long champ ata yon? May ganon kasi mommy ko, alam kong nasa 4thousand yon. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga maarteng babae, kahit naman ako nainis sa sinabi nila. Pero hindi naman nila alam yug nangyari kaya nasasabi nila yung mga bagay bagay na yon.
BINABASA MO ANG
Supposed to be mine.
RomansaLife is short, ika nga. Kung may gusto kang gawin, gustong aminin, gawin mo na. Kasi baka mamaya, ilang beses ka ng binigyan ni God ng oportunity tapos sinayang mo.