Chapter 2

224 2 0
                                    

PAULINE'S P.O.V

Pag gising ko, nasa clinic na ako. Nandito pa si Jefro at Carlo. Nakaupo sila sa kama na nasa tabi ko. Napatingin ako sa kanila, napansin na siguro nila na gising na ako kasi tumigil na sila kung ano man ang pinag-uusapan nila tas tumingin na din sila sa akin. "Anung nangyari?" tanong ko sa kanila. "Hinimatay ka sa classroom kanina." Sagot ni Carlo. Biglang pumasok yung nurse naming dito sa clinic. Umupo na ako tapos biglang may sobrang sakit ng ulo ko. Parang binato ng anchor na mas malaki pa sa tao. Masakit talaga!

"ARAYYYYYYYYYY!!!" sigaw ko. Napatingin agad sila Jefro sa akin. "Pau!" sigaw naman agad ni Jefro. "Jef, chill" sabi ko sa kanya. OA naman kasi. Tinulungan ako ni Carlo na umupo.

Our fingers touched! Parang sasabog ako! Kinikilig ako!! Grabeee! "Thank You Carlo." Sabi ko, ngumiti siya. "Ms. Maya, ano pong nangyari?" tanong ko. "Nahimatay ka kasi, hindi ka na nakakain ng maayos. Pauline, ginugutom mo ba sarili mo?" tanong ni Ms. Maya. Napatingin ako kay Carlo at Jefro. Nanlaki mga mata nila after marinig yun. "Uhm. . . . ." hindi ko alam kung paano sasagutin. "Pauline, ginugutom mo ba sarili mo?" tanong ulit ni Ms. Maya. I breathed heavily bago ako sumagot "Opo". Pagkatapos nun, bumuhos na lahat ng luha ko. Mukha akong tanga. Umiiyak na ako. I put my knees up to my chest and put my head on it. Umiyak lang ako ng umiyak.

Nakakainis naman eh! Alam ko namang malalaman at malalaman din nila na may ganitong nangyayari pero hindi pa ngayon., Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila 'to. Na ginugutom ko sarili ko dahil sobrang taba ko na. Sinasabi ng iba na hindi ako mataba, na tama lang. Pero yung iba naman parang nilalait ako. Para kasi siyang yung devil at angel sa shoulders ko. Yung angel, sinasabi na hindi ako mataba, habang yung devil, laging bumubulong na mataba na ako. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin ngayon. Sigurado, sesermonan nanaman ako ni Jefro. Pagtatawanan ako lalo ni Carlo pati ng mga kaibigan niya. Iniyak ko na lang lahat ng hindi ko nasasabi sa kanila. Kasi yun na lang ang alam kung gawin ngayon, umiyak ng umiyak. "Ms. Maya, pwede po bang maiwan niyo po muna kami? Tatawagin na lang po namin kayo kapag okay na." sabi ni Jefro. Narinig ko na lang bumukas at sumarado yung pinto. Naramdaman ko na may umupo sa kama na inuupuan ko ngayon. Hinihimas niya likod ko. "Pau, ano ba naman yan? Ano ba 'tong ginagawa mo sa sarili mo? Hindi na yan tama." sabi ni Jefro. Umiyak lang ako. "Wag mo akong daanin sa pag-iyak mo." sabi niya ulit. No response, umiyak lang ako. "PAU?!!? ANO BA?!!? HINDI MO DAPAT GINAGAWA YAN! ANUNG SASABIHIN MO KAY TITO AT TITA KAPAG NALAMAN NILA?! AKO NANAMAN PAGAGALITAN NILA! HINDI MO NAMAN DAPAT GINAGAWA YAN SA SARILI MO!" sigaw ni Jefro. Medyo nagulat ako kasi first time lang niya ako sigawan ngayon. "Hindi mo naman kasi alam kung anung nangyayari di ba?! Masakit! Hindi naman ikaw yung inaasar! Hindi naman ikaw yung inaaway! Sawang-sawa na ako! Minsan nga gusto ko nang mamatay, siguro matutuwa pa kayo kapag nangyari yun. Wala na kayong iisipin pa. Pero hindi ko magawa dahil ayokong ipakita sa kanila na panalo sila. Alam mo naman kung anung pinagdadaanan ko. Lalo na sa tropa niyo. Yung pang-aasar niyo. Lalo na si Carlo! Lagi na lang siya pasimuno sa pagpapahiya sa akin! Ayaw ko na Jef. Ayoko na. Gusto ko lang naman ng respeto, mahirap ba ibigay yun?" sabi ko tapos umiyak nanaman ako.

JEFRO'S P.O.V

"Hindi mo naman kasi alam kung anung nangyayari di ba?! Masakit! Hindi naman ikaw yung inaasar! Hindi naman ikaw yung inaaway! Sawang-sawa na ako! Minsan nga gusto ko nang mamatay, siguro matutuwa pa kayo kapag nangyari yun. Wala na kayong iisipin pa. Pero hindi ko magawa dahil ayokong ipakita sa kanila na panalo sila. Alam mo naman kung anung pinagdadaanan ko. Lalo na sa tropa niyo. Yung pang-aasar niyo. Lalo na si Carlo! Lagi na lang siya pasimuno sa pagpapahiya sa akin! Ayaw ko na Jef. Ayoko na. Gusto ko lang naman ng respeto, mahirap ba ibigay yun?" " sagot niya sa akin. Nanahimik na lang ako. Tinignan ko si Carlo. Nanahimik din siya. Naririnig lang sa buong clinic ang pag-iyak ni Pauline. Kawawa naman best friend ko. She doesn't deserve any of the hate she gets right now. She's never the person to cry in front of other people, only to the people closest to her. Umiiyak na yan kapag hindi na niya talaga kaya. "Pau, sorry. Hindi ko naman alam na may ganito eh. Dapat pala hindi kita sinigawan. Hindi ko naman alam nangyari eh. Sorry. Sorry talaga." sabi ko sa kanya habang hinihimas likod niya. Umiyak lang siya, yinakap ko na lang siya ng mahigpit. Yinakap niya din ako. "Jef, sorry din." sabi niya. "Sige, okay na tayo. Ha?" sabi ko. Tumango na lang siya. Inakyat niya ulo niya at pinunasan ko mga luha niya gamit thumb ko. "Wag ka nang umiyak." sabi ko. Ngumiti siya. I love seeing her smile, napangiti din ako. Moment na sana namin pero biglang umubo si Carlo "Ehem! Ehem!" sabi niya. "Pauline, sorry ha. Hindi ko naman alam na sumusobra na ako." sabi ni Carlo. Ngumiti si Pauline pero maay iba sa ngiti niya eh. Parang yung kinikilig na ewan. Hindi ko na lang pinansin. Hindi naman siguro gusto ni Pau si Carlo. "Jef, anung oras na?" tanong ni Pau. Chineck ko yung watch ko, "8:45" sagot ko. "ANO?! Paano kayo? Hindi ba kayo papaglitan?" tanong niya. "Wag ka ngang magpanic! Allam ni Sir na nandito tayo ngayon." sagot ko. "Okay, okay." sabi niya. "Wag mo na lang sila pansinin. Okay?" sabi ni Carlo. "Okay. Thanks guys. sana hindi na lang makalabas 'to sa iba." sabi ni Pau. Tumango na lang kami sa kanya. Sana hindi na 'to maulit. . . . . .

*AFTER A FEW DAYS (Monday)*

CARLO'S P.O.V

Hay naku. May pinapagawa nanaman sina Sheena sa akin para pahiyain si Pau. Si Jillian din pinapagawa niya. Nakakainis! Ayaw ko ng ganito! Sinabi ko na kay Pau na hindi ko na ulit gagawin sa kanya 'to eh. Sheeeeeeet. Mag-aaway kami ni Jefro kapag ginawa ko 'to. Ayaw ko namang magalit si Jillian sa akin. Ayaw ko din namang gawin kay Pau 'to. Hayaan mo na, kung ibig sabihin naman nito, i'll get more popular, gagawin ko na lang 'to kay Pau. Good Luck na lang sa akin. . . . .

PAULINE'S P.O.V

Pagpasok ko ng campus, nakatingin na yung mga babae na laging nang-aasar at nang-iinis sa akin. Ang sama ng mga tingin nila sa akin. Hay naku, Pauline! Parang hindi ka na nasanay! Sinabi ko sa sarili ko. Biglang lumapit si Cassie, ang leader ng grupo nila, "Grabe Pauline! Ang lakasng loob mong magkunyari na hinimatay ka para lang mabuhat ni Carlo. Ang landi mo! Siguro, hirap na hirap si carlo sa pagbuhat sayo! Ang taba mo kasi! Never ka niyang magugustuhan! Wag kang assuming!" sabi ni Cassie. "Hindi ako nagkunyari! Hindi din ako malandi! Hindi din ako assuming! Tinulungan lang naman ako ni Carlo! Isa pa, HINDI KO NAMAN GUSTO SI CARLO!" sagot ko sa kanya. Tumalikod na ako at naglakad paalis. I DON'T HAVE TIME FOR THIS! Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Carlo pati Jillian. MU daw sila eh. Bagay naman sila. I can never compete with Jillian. Maganda, payat, sikat, at matalino. Di ba? Kapayatan pa lang niya, hindi ko na carry! Anyways, biglang may tumawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa likod ko ng may biglang nagbato sa akin ng water balloon pero sa likod ko. Anim na sunod-sunod, tatlo sa harap at tatlo sa likod. Nagmuk;ha nanaman akong tanga. Tinignanko yung huling nagbato, si Carlo pala. OUCH! Tumatawa nga siya eh. Pinulot ko nalang yung mga libro ko na nahulog. Akala ko kaya ko pa pero suddenly, tumulo na yung luha ko. Tumakbo ako papunta sa banyo. Nilock ko yung pintuan at dun ko binuhos lahat-lahat ng sakit. "BAKIT MO BA GINAGAWA SA AKIN 'TO CARLO?!" sinigaw ko. Biglang may kumatok sa pinto ko. Omygosh! Hanggang dito ba naman sususndan nila ako?! Tumigil ako sa pag-iyak at pinunasan ko mga luha ko. Binuksan ko yung pinto to reveal ang isang babae na never kung inakala na kakausapin ako. . . . . . . . . .

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: HI GUYS! =)))))) HINDI NIYO ALAM KUNG GAANO NIYO AKO NAPASAYA DAHIL SA DAMI KONG NAKUHANG READS! ITO NA PO YUNG CHAPTER 2. SORRY PO KUNG NATAGALAN KAHIT NUNG ISANG ARAW KO PA PO 'TO NATYPE. EXAM WEEK KASI NGAYON EH. SORRY DUN KUNG SHORT. SINO KAYA SI MYSTERY GIRL? :) I PROMISE TO POST THIS COMING WEEK KASI NO CLASSES KAMI FOR 1 WEEK. :) THANK YOU SO MUCH GUYS! =))))) CAN I GET 50+ READS FOR CHAPTER 3? :)) LOVE YOU LOTS. xx *cyber hug*

Shoutout to all Benildeans who have read this! :))))))) xx

If it's Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon