TGP 6

63 1 0
                                    

James' POV

"Boom, sige pa! Sige suntukin mo pa yang Mayong Panahon na pinagulong sa uling!" Sigaw ko, "Bakla yata tong si Uling. Yakap pa mehn." Inis kong sabi. Bakit ba, nanunuod akong laban, oy.

"Para kang tanga, tatlong beses mo na yan nirereplay. Di ka ba nasasawa?" Tanong ni Magui, kapatid ko.

"Ssshh. Wag ka magulo baka manalo si Pacman pag nireplay ko eh."

"Tsk, di mo lang tanggap na talo ka sa pustahan natin kuya!"

Di ko sya pinansin at pinagpatuloy ang panunuod. "Temple run amp*ta! Takbo pa gaylord. Takbooo!!! Hahahahaha."

"HOY KUYA! TUMAYO KANA NGA DYAN SAMAHAN MO NAKO SA MALL." Sigaw ni Magui pero patuloy pa din ako sa panunuod. "KUYA ANO BA!!!" Humarang sya sa TV.

"Tabi, nanunuod akong frozen." Tinaas nya ang isang kilay nya, di nagets. Tsk. "TABI! Ayan na si Olaf free hugs daw."

"Ang korni mo!" Sabi nya at pinatay ang TV. Aba't! Akmang tatayo ako pero bigla syang tumakbo. Namumuro na sakin 'tong batang to ah.

"Hoy Magui, Bumalik ka dito!!!" Sigaw ko.

~ ~ ~

"Kuya doon, dun ako mamimili ng mga damit para sa Exhibit mo." Turo nya at hinila ako papunta sa Store na 'yon.

Nasa mall na kami ngayon, Ewan ko ba sa kapatid kong 'to kung ano ang napakain nya saakin at sinamahan ko sya dito. Pero kung di lang talaga natalo si Pacman, hindi naman ako makakasama dito eh.

"Kuya! Alin mas maganda etong white or etong medyo dirty white?" Tanong nya habang hawak hawak nya yung dalawang dress na pareho naman ng design.

"Ano bang pinagkaiba ng dalawang yan? Eh parehas namang white ah oh parehas din ng design. Namili ka pa, tsk." Pangaasar ko.

Inirapan nya ko at nilagay sa basket yung magkaparehong dress. Pag walang napili sa dalawa bibilin pareho? Lakas maglagas ng pera ah.

Tumayo ako sa couch na inuupuan ko at naglakad lakad sa store na 'to. Ang dami palang magagandang damit dito ah.

Napadaan ako sa isang section, puro black yung mga naka hang na damit. "Sarah." bulong ko noong maalala ko sya.

Naglakad lakad ulit ako noong may napansin akong babaeng naka black na hoodie at shorts. Para syang familiar pero hindi ko na pinagtuungan ng pansin.

"KUYAAAA!! KANINA PA KITA HINAHA *blag* Ooops! Sorry ms." Napalingon ako sa direction kung nasaan si Magui. Nakita ko na nakabungguan nya yung babaeng nakahoodie. Kahit kelan talaga 'to, tsk.

"No, it's okay." Sabi nung babae at pinulot yung mga nalaglag na laman ng basket nya. Tinulungan naman sya ni Magui.

Lumapit ako at kinuha ang isang black na damit na malapit sa may paanan ko. "Im so sorry, i didn't.." Nilagay ko yung damit sa basket nung babae, "Pasensya kana sa kapatid ko ah. Clumsy talaga yan eh." Singit ko.

Hindi pa din namin tinitingnan ang isa't isa dahil busy kami sa pagpulot ng mga nalaglag na pinamili nya. Parang isang taon syang di namili ng damit ah.

"It's okay. I can handle this, thanks for the help." Sabi nya at tumayo, kinuha nya yung isang basket ng mga pinamili nya. Kinuha ko din yung isa at iaabot ko sa kanya.

"Magui sa susunod magiingat kana. Tingnan mo tong nagawa mo." Sambit ko. Tinapik naman ako ni Magui as a sign na, Wag-mo-naman-akong-ipahiya-dito look.

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon