TGP 2

115 4 0
                                    

James' POV

"BRO!!" Halos maibato ko na ang hawak kong sketch pad sa sobrang gulat nang may tumapik ng malakas sa balikat ko. "Walanjo! Ano ba, kita mong seryoso ako dito oh." Sabi ko at bumalik na ulit sa pagddrawing.

"Sorry na bro. Hahaha! Mukang inipit na pusa reaction mo. Pfft." Nagpeace sign sya, Ibabato ko na sana ang pambura na nasa tabi ko, "Oh easy. Joke lang! Nga pala kelan exhibit mo?" Tanong sakin ni Casper, bestfriend ko.

"Ah, di ko pa alam. Baka next month na siguro busy pa 'ko ngayon eh."

Gumawa na kasi ako ng event para sa Art Exhibit ko. At kung magugustuhan naman 'to ng mga aattend sa exhibit, idodonate ko ang pera na kinita ko dito sa bahay ampunan. Oh diba, Ang bait ko.

"Tsk tsk, busy sa babae!!" Sabi nya at umiling iling pa. Loko to ah.

"Babae? Wala akong babae. Loyal ako no. Baka ikaw dyan."

Napaisip naman ako sa sinabi ko. LOYAL? Eh bakit ako nangiwan. Kinain ko agad ang sinabi ko na 'yun. Napaka tanga mo, James!

"Ah, Nga pala bro si Sarah nakita mo ba kaha-"

"Hindi!" Pagputol ko sa sinabi nya.

"Hindi mo ba alam si Sarah nasa o-"

"Cas, paabot naman ng pentel dyan sa may gilid mo." Pagputol ko ulit.

Inabot naman nya kaagad yung pentel at tumingin ng seryoso sakin. "What?"

"Ah eh, sigurado ka ba na hindi mo talaga sya na-"

"Hindi nga, Cas. Bakit ba ang kulit mo?!" Iritadong sagot ko.

"Woah, bro! Easy ka lang. Hehe, tinatanong ko lang naman kasi..."

*kriiiiing, kriiiing.*

James: "Hm, Hello?"

(...)

James: "Ha? Bakit?"

(...)

James: "Okay na ba sya ngayon?"

(...)

James: "Hay, osige. Tapusin ko lang tong sketch ko tapos punta na ko dyan, okay? Sabihin mo magiingat sya. Bye!"

*call ended*

"Oh, Cas ano ulit 'yun?" Sabi ko habang nakatingin ako sa phone ko, may itetext lang ako teka, "W-wala. Ah, James. Una na ko ha? May pupuntahan ka pa yata eh, sige. Bye!" Naglakad na sya palayo.

"CAS!! Teka!" Sigaw ko kaya napalingon naman sya kaagad. "Bakit?" Tanong nya.

"Yung kay Sarah, ano ulit? Gusto ko mala-"

"Wala yun. Sige na. Una na ko!" Pagputol nya sa sinasabi ko. Aba ah, uso ang putulan ngayon ng words. Dejk. Nakahalata na siguro sya, tsk. Ako kasi eh, ang gulo gulo ko. Akmang hahabulin ko sya pero nakalabas na kaagad sya kaya di ko na sya naabutan.

Napatingin nalang ako sa relo ko. 12:41pm. Inayos ko na ang mga gamit ko at bumalik ulit sa pagddrawing. Kailangan ko na magmadali, may importante pa kong pupuntahan, eh.

---

Sarah's POV

Nagising ako ng nasa isang maliwanag ako na lugar. What? Nasa langit na ba ako? Hindi ko madilat ng maayos ang mga mata ko dahil silaw na silaw talaga ako sa liwanag. Ano bang nangyari? Kelan pa nagpalagay ng napakadaming ilaw si Anna dito sa kwarto ng condo nya?

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon