TGP 9

32 1 0
                                    

Sarah's POV

I woke up with a freakin' alarm clock beside my bed. This is so nakakaimbyerna. Lol what?

"6:05am, SERIOUSLY?!" I checked my phone, too many reminders flashed up.

Me is so conyo today. What's happening? Oh. I guess the Old me is Back?

Naligo na ako at nagsuot ng black muscle tee na parang cropped top naman 'to dahil medyo exposed ang tummy and grayish jogger pants. Idk kung anong tawag but idc.

Saan ako pupunta? Sa gym lang naman. This is the first way to start a new life, new world and new everything.

Sumakay nako ng kotse ko at nagdrive. Months passed by. I already felt so down and disgusting, ipamuka ba naman sayong mas masaya sya sa iba anong mararamdaman mo?

Ayoko na sigurong istock ang sarili ko sa sitwasyon na pwede naman akong umangat ng kahit konti. Hindi ko sinasabing naka moved on na agad ako dahil Hindi ako si Mich ng Jamich. Oh.

Gusto ko lang magbago, hanggat kaya ko. Gusto ko lang magpakasaya, kahit ang hirap. Hindi naman masama kung susubukan. Hindi din naman masama manumbalik sa nakaraan. Yun nga lang, hindi 'to ang nakaraan na nais kong ibalik...

Gusto ko yung...

"Sarah, it was a blast meeting you again." bungad saakin ni Willow. Isa sya sa mga kasama ko sa mga Gig na pinupuntahan ko. Supportado din ako nyan sa mga Car Racing.

Sinarado ko na ang pinto ng kotse ko, "Kanina ka pa?" Tanong ko.

"Ah? No. Kakadating ko lang din." Sabi nya at nagsmile, "Let's go?" Tumango nalang ako at pumasok kami sa gym.

"I heard about you and James..." Hindi ko pinatapos ang sasabihin nya.

"Broke up." Maikling sagot ko habang inaayos ko ang mga gagamitin ko. Alam ko naman na yun ang sasabihin nya.

"Ohh, are you okay?"

"Ofcourse."

"You sure?"

"Kapag tinanong ka ng nakakag*gong tanong, sagutin mo ng g*gong sagot." Tinaasan ko sya ng Kilay. "Ano ba sa palagay mo? Magparty ako nung nagbreak kami?"

"Eh, kasi diba may mga people na after the party meron na agad iba, yung tipong sagad sagaran lumandi anywhere. Wala silang pinipiling date, time or year. Basta kapag may nagustuhan silang 'Papi' go na sila there." Sabi nya at naggegesture pa. Willow is so conyo, oh like me.

Tiningnan ko siya ng diretso, "Ang dami mong alam." Sabi ko at nilagay ang bimpo sa balikat ko.

"Im just stating the fact, ya know. Oh em gee! Look, oh!!! Fairy godess of all dreams why?!?!" Napatingin ako sa direksyon kung saan sya nakatingin.

*Pok* "Aray!" Binatukan ko sya. "Umayos ka ha. Act like a human." Sambit ko.

Guess what? They. Were. Here.

After a long months passed, ngayon ko lanh nakita ulit si James. Ang gwapo nya pa din, her white polo suits him. Ang simple ng suot nya pero makalaglag panga.

Oh, erase erase. Im here to change myself. Hindi ako nakipag meet dito sa baliw na kasama ko para magpakatanga... ulit.

I choose this for a change. For a better and not for a worse.

Please heart, makisama ka. Kahit ngayon lang, huwag ka naman magparamdam ng kahit anong makakasama saakin. And mind, you know what to do diba? Stop thinking of him. Focus on what i have right now.

Kitang kita ko yung pagpasok nya sa frontdoor nitong gym, tinted glass kasi 'to. Kaya kapag nasa labas ka hindi mo makikita yung nasa loob pero pag nasa loob ka makikita mo yung nasa labas, gets? Ugh. Whatever.

Napatingin sya sa akin pero agad naman akong umiwas ng tingin. Inayos ko ang sarili ko at nagsimula magstretching.

"Kasama ba nya yung froglaloo nya?" Bulong sakin ni Willow. Kaya lumingon ako para tingnan kung kasama nya.

"Hindi." Tipid kong sagot, "Baka iniwan nya kasi magkakalat lang ng mga butete dito."

"Bitter." Sabi nya at bumalik na sa ginagawa nya.

Normal lang naman maging bitter sa mga taong nasasaktan. Kung di ka nasasaktan at di ka naging bitter kahit minsan, baka hindi ka tao.

"You're back." Napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko para tingnan ang nagsalita sa likod ko. "Bakit nag ggym ka nanaman?" Tanong nya.

Hindi ko sya pinansin at tinuloy ang pag sstretching ko, ano bang pakialam nya?

"Itigil mo na nga yan!" Sambit nya pero di ko pa din sya pinapansin. "Sabi ko, Itigil mo yan!" Nagulat ako nung bigla nyang hinawakan ang braso ko. Even Willow, pero di nya lang pinansin.

Napatayo ako ng di oras. "What the hell is wrong with you?!"

"Ikaw."

"Ako? Youre the one who's messing around."

"Pero ikaw tong di sumusunod."

"Bakit? May karapatan ka bang diktahan ako kung anong dapat kong gawin?" Tinaasan ko sya ng kilay. "WALA."

Napatingin sya sa paligid nya, pansin na nyang nakatingin samin ang mga tao dito sa gym. Kaya Hinila nya ako palabas, walangjo. Bastos to ah.

"Bitawan mo ako!!!" Nagpupumiglas ako pero ang lakas lakas nya. "Bitawan mo ko, sabi!!!"

"Hindi kita bibitawan hanggat di ka umuuwi." Iritado nyang sagot.

"Eh ano ba kasing pakialam mo kung nagggym ako? Buhay mo, buhay mo? Hindi naman diba. Kaya wala kang karapatan diktahan ako sa mga dapat kong gawin kasi hindi mo kontrolado ang buhay ko!!!" Hinawi ko ang kamay ko kaya napabitaw sya ng hawak sakin.

"Alam ko.." tipid nyang sagot, "Pero ayoko ng nag ggym ka at nagsusuot ka pa ng ganyan."

"Alam mo? Wag kang umarte na parang may pakialam ka talaga saakin. Wag kang umarte na parang sayo pa din ako.." Tumingin ako sa kanya ng diretso, "Wala ng sayo, baka nakakalimutan mo?"

"Ano bang problema mo, Sarah? Ano magmamatigas ka nanaman? Ibabalik mo yung dating ikaw, ganon ba?"

"Wala akong problema, ikaw tong meron. At isa pa, hindi ako ang nagmamatigas, ikaw!! Dahil una sa lahat ako na tong bumaba pero anong ginawa mo? Tinapakan mo lang ako at hinayaan, kaya wag kang magexpect."

Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng mga salita sa mga sinasabi ko. Gusto kong umiyak pero nilalaban ko yun. Sawa na ko, pagod nako.

Ayoko na masaktan ng ganito.

---
Empty ~

Ang bilis ng pangyayari kasi.. mabilis ang panahon. Oh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon