TGP 3

70 3 0
                                    

James' POV

Dumaan ako sa isang fastfood chain at bumili ng pagkain, nagtakeout nalang ako para dahil may mahalangang may kailangan nito. Pagkabili ko, sumakay na agad ako ng kotse at pumunta sa patutunguhan ko,

Sa ospital...

"Hello? Nandito nako sa parking lot. Nasan kana ba?" Tanong ko sa kausap ko sa phone, "Osige, eto nako sa loob, anong room mo?"

(...)

"252? Papunta nako, sandali. Okay ka lang ba? Teka lang malapit nako."

Inend ko na ang call at nagmadali papunta sa elevator. "Sht, napaka bagal naman bumukas neto!!!" Inis na sabi ko.

"Kalma lang brad, hindi lang ikaw ang taong nangangailangan ng elevator, kung gusto mo maghagdan ka nalang." Napatingin ako sa gilid ko, "CASPER/JAMES?!" Sabay naming sabi. Bakit sya nandito?

"Anong ginagawa mo dito?!" Sabay naming tanong dahil pareho kaming gulat na magkikita kami dito.

"May dinalaw lang. Ikaw anong ginagawa mo dito?" Sabi nya.

"May pupuntahan lang akong.. Importante."

Bumukas na ang pinto ng elevator at sumakay na kami. Nakakagulat lang dahil parehong third floor ang pupuntahan namin. Tinapik nya nalang ako sa balikat at naglakad na, sumunod nalang ako dahil dun din naman ang daan na pupuntahan ko.

"250.. 251... Ayun! 252." Kumatok muna ako bago ko buksan ang pinto, hingang malalim James, kaya mo yan. "Come in." Narinig kong sabi ng babae sa loob kaya pumasok na ako ng tuluyan.

"James, you're here!!" Tuwang tuwa na sabi nya, "Akala ko hindi mo na ko dadalawin eh." Umupo sya sa hospital bed at niyakap ako.

"Dahan dahan, hindi ka pa magaling oh." Sabi ko sa kanya at inayos ang buhok nya na nakaharang sa muka nya, "Amanda, ano bang nangyari? Pinabayaan mo nanaman sarili mo. Tingnan mo nangyari sayo."

"Ano ka ba! Wala 'to no. Okay na ko ngayon, tska sabi ni Doc pwede na daw ako makalabas dito kapag naubos na lahat ng tinetake kong meds." Sabi nya habang nakangiti, "Ah James, si Sarah bakit..."

"Hindi na mahalaga 'yon, Amanda. Ang mahalaga okay ka na ngayon."

"Nakita ko kasi sya..."

"Okay naman sya ngayon eh, tyak naman na maiintindihan nya din ako kapag nalaman nya na mas kailangan mo 'ko. Siguro hindi pa ngayon kasi masyado kaming magulo, pero sa tamang panahon. Ako na din nanghihingi ng sorry sa pagtawag nya sayo ng..."

"Pwede bang patapusin mo muna ako James?! Kairita ka ah." Pagputol nya sa sinasabi ko. "Ang haba ng speech mo. Okay lang sakin yun 'no."

"Hi Ms. Amanda, check ko lang po Blood Pressure nyo." Inangat nya naman ng konti ang kamay nya at sinimulan na syang iBP nung nurse. Ngayon ko lang napansin na ang daming mga nakasaksak sa kanya, di ko alam kung ano 'to pero sa palagay ko Gamot to para sa Cancer nya.

Lumabas na din kaagad yung nurse pagkatapos syang iBP, "Okay ka na? May masakit ba sayo? Oh anong sabi ng nurse sayo ha?" Tanong ko habang tinatap yung noo nya.

"Ang OA mo naman! Okay lang ako no." She said confidently.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Amanda. May sakit kana ang nagagawa mo pa din tumawa. Smile kalang lagi ah."

Amanda was my childhood bestfriend, simula bata pa kami sya lang yung napapagsabihan ko ng lahat, lalong lalo na sa mga problema. Si Casper kasi nagpunta yun ng ibang bansa dati, kaya medyo nawalan kami ng commitment sa isa't isa pero tropa tropa parin kaming tatlo!

"James?! Helloooo!! Are you listening?" Nagwave sya ng hand malapit sa muka ko. Bumalik naman kaagad ako sa realidad.

"Sorry, Ano ba yun?" Napakamot nalang ako ng ulo.

"Hahaha. You're so funny! Sino bang iniisip mo dyan? Si Sarah ba? Ayieee! Inlove ka na talaga, James!" Sambit nya habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.

Yes, i do love her. Pero Amanda, kung alam mo lang. Kung alam mo lang ang nangyari saamin.

Ngumiti nalang ako, "Ano nga ulit sinasabi mo kanina?" Pagiiba ko ng topic.

"Ah, next month na yung chemo theraphy ko. So it means, makaka attend ako sa Exhibit mo." Sabi nya sabay ngiti.

"Buti naman kung ganun, kasi meron talaga akong bagong painting na gusto kong ipakita sayo." Ngumiti ulit sya at tinapik ako sa balikat, "Idol na talaga kita brad!"

Hinawi ko ulit ang buhok nyang nakaharang sa mata nya, "Ang ganda mo talaga, Amanda. Ngiti ka lang palagi ha para lagi kang maganda."

Hinampas nya ko, "So kapag nakangiti lang ako maganda? I hate you, James!" Hinampas nya ulit ako pero this time sunod sunod na yung hampas kaya napaAray ako. Ang sakit eh.

"I mean, mas gumaganda ka kapag lagi ka nakangiti. Aray! A-ray ko, maawa ka! Tama na please." Hininto naman nya ang paghampas nya sakin.

"Pfft, Hahahaha! Sorry. Hahahahaha!"

"Anong nakakatawa? Natuwa ka pang nasaktan ako ha?!"

"Sorry okay? Sorry." Sabi nya pero halatang pinipigilan nya pa din ang tawa nya, "Sorry ha, namiss ko 'yon eh. Ang tagal ko ng di nagagawa yun sayo. Lalo na kay Cas... Pero James, Thank you ha?"

"Para saan?" Tanong ko habang binubuksan ang pagkain na binili ko kanina.

"Kasi you're here. Hindi mo ko iniiwan, nandyan ka pa din kahit na.." Tinakpan ko ang bibig nya, "Ssshhh! Kalimutan na natin yun, pwede ba? Hindi ko na hahayan na may mangyari pang hindi maganda sayo. Dito lang ako." Sabi ko.

Inayos ko na ang table para makakain na sya, nilapag ko na doon ang mga hinanda kong pagkain, "Oh, Kain kana." Sabi ko at sumunod naman sya kaagad. Parang di sya nakakain ng isang buwan dahil halatang gutom na gutom sya. Nagsalin nalang ako ng inumin nya sa baso at hinanda ang mga iinumin nyang gamot.

"Thankyou." Sabi nya at pinagpatuloy ang pagkain. Umupo nalang ako sa couch at pinagmasdan ang paligid, "Tahimik." Bulong ko sa sarili ko. Ganito pala ang mundo sa ospital, hindi ko alam kung paano natitiis ni Amanda ang araw araw nyang buhay dito.

Binuksan ko ang phone ko, bumungad saakin ang napakaamong muka ni Sarah. Hindi ko pa pala napapalitan ang lockscreen ko, pero ayos lang. Wala naman akong balak palitan 'to eh. Ang tanga ko lang kasi...

nangiwan ako ng dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Sana mapatawad mo pa ako, Sarah. Pangako, babalik ako.

Babalik ako.

---
Sabaw na sabaw na sabaw. :( Hahaha. Mababaliw na yata ako dahil hindi ko na alam ang kasunod. Lol.

xx

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon