TGP 7

61 1 0
                                    


Ilang araw na din ang nakalipas pagkatapos ng scene na 'yon.

Ewan ko ba kung bakit sa tuwing maalala ko, may kirot eh.

Hindi pa din ako maka move on.

Sinuot ko na ang Coat ko at lumabas ng kwarto. "Ready." Huminga ako ng malalim at nagdrive na papunta sa venue.

May 15 mins pa 'ko, 10 mins ang byahe. Hindi pa 'ko late.

Pag dating ko, sakto. Madami ng bisita na nagaabang sa labas ng venue. Nagpark na agad ako at bumaba.

Isa isa ko silang nilapitan at nakipag shake hands. Bilang at kilala ko ang mga bisita ko, kaya madali kong marecognize kung sino ang wala.

Nagstart na ang program, nag cutting of ribbon na din at nakapasok na kami sa Venue.

"Nice theme bro." Tinapik nya ko sa balikat.

"Salamat, Casper." Ngumiti ako.

Napansin ko na nasa likod nya si Anna, nginitian ko ito at nakipag shake hands. "Nasan si Sarah?" Tanong ko.

"Ah eh ano..." naguguluhan nyang sagot.

"Nag CR." Sagot ni Casper.

Tumango nalang ako at iniwan sila dun. Naglakad lakad muna ako at tiningnan ang mga bisita ko.

"Ang ganda ng mga pantings."

"Kahit black and white ang classy pa din."

"Pero mas maganda siguro kapag nagkakulay 'to eh."

Ngumiti nalang ako sa mga narinig kong feedbacks.

"James! Congratulations." Lumingon ako at bumungad sakin ang muka ni Amanda. Ang ganda nya ngayon, ah.

"Thank you." Binigyan nya ako ng light drink at nag cheers kami.

"Sobrang proud talaga ako sayo." Ngumiti sya, "Alam mo siguro kapag nalaman 'to nila Dad, sobrang matutuwa yun for sure."

Uminom nalang ako at pinagmasdan ang paligid, nasa may corner lang kami at katabi ko si Amanda.

"Matutuwa yun kasi yung future fiancee ko, sobrang galing." Dagdag nya.

Ngumiti lang ako, "Dream on. Hahahaha." Tawa lang kami ng tawa dahil sobrang LT kausap nitong si Amanda. Puro sya jokes at banat na sana daw soon ikasal sya sa lalaking katulad ko. Dream guy daw.

Konti nalang ang tao pero shempre may pa-Party ako pero exclusive lang 'to sa mga close friends, relatives etc kaya merong mga inuman. Parang club, ganon.

Nakailang baso na din kami at medyo may tama na sya. Kinuha ko na ang baso na hawak nya, "Tama na 'to. Lasing kana."

Medyo natutumba na sya pero buti nalang nasapo ko. Hindi ko na naasikaso mga bisita ko dahil kay Amanda. Hay.

Dinala ko si Amanda sa isang vacant place na hindi naman kalayuan sa venue nung party. Masyado kasing mainggay doon. Mas mabuti dito, makakapag pahinga ng maayos 'tong si Amanda. Lasing na, eh.

Inalalayan ko sya at Inupo sa couch. Pero nagulat ako nung hinila nya ko kaya naman pati ako bumaksak din sa couch.

"I love you. I love you James." Sabi nya at niyakap ako ng mahigpit. "Please don't leave me dito ka lang."

"Pero kailangan kong bumalik dun kasi.. Mmmm" Nanlaki ang mata ko sa gulat ng bigla nya kong hinalikan.

Tinulak ko sya dahil nabigla ako, "S-sorry."

Akmang hahalikan nya ko ulit, "A-amanda, wala ka sa sarili."

"I love you, please tell me that you love me too. Please." May tumulong luha sa mga mata nya, "Please, James. Please! Tell me that you love me. Love me back."

Hindi ako nakasagot sa kanya. Blanko pa din ako. Si Amanda ba 'to?

"Sa buong buhay ko, ikaw lang nagparamdam sakin ng ganito. You accepted my flaws and imperfection, so i can't stop myself of having this kind of feeling." Yumakap sya ng sobrang higpit, "Please stay with me, don't you dare leave me. Please." Iyak lang sya ng iyak habang sinasabi 'yon.

"Ssshhh. Stop crying. I love you too, dito lang ako."

I heard a splash, na parang basag ng salamin or baso, na para bang may taong nakikinig saamin kanina pa. Na parang may taong nagmamasid samin. Napalingon ako sa gilid..

I saw a girl in tears...

Holding a half of a broken glass...

Her rosy blood burst out in her hands...

She ran away as she noticed that i saw her...

"SARAH!" Tumayo ako para sundan sya.

"No, don't leave me. You promised." Hinawakan nya ang kamay ko at pinigilan. "Don't go, hayaan mo na sya please. Stay with me. I know, you love her. Pero nakikiusap ako sayo James. Dito ka lang, wag kang aalis kasi magpapakamatay ako if you did."

"Amanda!"

"I know mali 'to. Mali 'tong ginagawa ko. Pero James let me, hayaan mo naman akong maging masaya kahit alam kong mahal mo sya. Hindi ko lang talaga kaya lahat ng to, I have a stage 3 Cancer. Hindi ganun kadali, James. Hindi ganun kadali lumaban." Iyak sya ng iyak. Pati ako naiiyak na din..

"I was just an option, yeah. I'm always an option. Na kapag may kailangan ka, nandito ako para sayo. Kapag nasasaktan ka, im here to comfort you. Na sa mga panahon na hirap na hirap ka at naguguluhan ka na, nandito pa din ako James. Sana kahit kaunti lang dyan sa puso mo may maibigay ka naman sakin. Oo, desperada kung desperada pero yun kasi yung pinakita mo. Nagbigay ka ng motibo, akala ko kapag natulungan kita kapag lagi akong nandyan para sayo, special nako. Kasi ako yung naalala mo kapag may nangyayari sayo. Pero hindi pala, hindi pala ako 'yun."

"Ang hirap magpakatanga, ang hirap umasa at lalong lalo nang ang hirap kasi nagassume ako. Ang hirap kasi akala ko yung pinapakita mo totoo, akala ko kung ano yung pagtingin ko sayo ganun ka din saakin. Pero nagkamali ako." dagdag nya pa. "Pero sana, kahit katiting lang dyan sa puso mo ibigay mo naman sakin bago ako mawala."

Wala akong masabi. Tama naman sya, sakanya ko lumalapit kapag may problema ako.

Kaya lang, 'Amanda hindi pa ba sapat na iniwan ko girlfriend ko ng dahil sayo?'

I'm sorry, Sarah.

__________________________________________________________________________________________

Wala ako sa sarili. Hahaha kbye.

Vote & Comment. ~

xx

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon