First ocular visit

1 0 0
                                    

Jasmine's POV

We just arrived here sa isang location around BGC dito daw kasi nagaganap iyong construction ng isa sa mga soon to open branches ng Company. Actually first time kong sumama sa kanila. Yes, kasama ko si Ms. Stephen at si Ms. SUNGIT ngayon. At simula kanina sa buong byahe tahimik lang ako dahil kinukundisyon ko talaga iyong sarili ko. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong maging kilos the whole na kasama ko sila. Wala namang problema saken makasama si Ms. Stephen, sinabi nya nga ding huwag ko na daw siyang i-address ng Miss at first name basis lang ok na dahil magka-age lang kami. So ang problema ko lang talaga ay si Miss S ewan ko ba. Problema ko ba talaga sya? Oh sya talaga ang may problema saken. Oh haluccinations ko lang to lahat? Ang dami kong tanong diba? Kaya eto parang may nangyayareng welga sa isip ko. Kulang na lang sumabog na sya sa sobrang dami kong thoughts! Bahala na nga! Hahahaha
Naputol lang ang pag-iisip ko ng tapikin ako ni Ms. Stephen. Kaya na nabigla ako ng sagot "Hindi po" nagtaka naman silang dalawa sa narinig nila mula saken.
"Anong Hindi po Jasmine?" Bulong niya saken.
Tinatanong ni Ms. G kung dala mo daw ba iyong files na ibinilin nya kay Ms. Heidi? Hindi mo ba talaga dala?" Medyo worried na iyong boses nya dahil alam nyang hindi magiging maganda ang reaction ni Ms. G sa sagot ko.

Ahhhhhh,, sorry na-bigla lang ako. Ano nga yun ulet Ms. Stephen?

"What's wrong with this woman? Hey, are you sick or something? Or just unaware of where you are right now? Ang sabaw mo kasi masyado you know?" Dire-diretsong salita ni Ms. Sungit na nakatingin na pala saken kanina pa. Pero bakit ganun kahit seryoso sya ang ganda pa rin? What!? Sa dami ng sinabi nya iyon pa din ang reaction at pananaw mo Jasmine? Malala ka na nga, tama sya may mali na nga talaga sayo self!
"Stephen, deal with her. I need those files and ayoko masira ang araw ko to be honest so please gawan ng paraan at ayusin to. I'll be with Architect muna. Just please. Fix whatever the problem here is. Thank you."
"Ok ma'am G ako na pong bahala."

Ngayon ko lang sya narinig makipag-usap ng seryoso with Ste I mean work related. Pero ganito ba sila talaga mag-usap. Seryoso at napaka professional pero alam mong madiin iyong mga sinasabi. Hindi galit iyong boses, mahinahon pa nga. Pero tinamaan pa din ako. At nakita ko na lang sya na tumalikod na sa amin at dire-diretso ng umalis at lumapit dun sa Architect na kausap nya kanina.
"Huy,,, ok ka lang ba?" Tanong ni Ste sakin na nagpabalik ng ulirat ko. Pang-ilang lutang moments ko na ba to ngayong araw pa lang? Nagdududa na din ako e.
"Oo, sorry Ms. Stephen naguluhan lang talaga ako kanina." Iyong files na hinahanap nya dala ko naman talaga. Kinabahan na kasi akong sumagot ulit kasi ewan ko ba. Sorry talaga".
Ganun naman pala, naku okay na huwag ka na mag-worry. Kami nga nagworry sayo kasi parang wala ka sa focus sa byahe pa lang napansin ko na, actually pati si Ms. G napansin na din pala narinig mo naman kanina diba? Tanong sakin ni Ste na nagpagulat saken napansin nya na simula pa kanina? Tama ba narinig ko? Kaya ba nasabi nya lahat yun kanina? Ganun na ba talaga ako ka-obvious?
"Oh ayan ka na naman, sigurado ka bang okay ka lang? Alam mo if you're not feeling well, pwede ka naman mag-excuse na muna at umuwi na lang ng maaga baka mamaya kung mapano ka pa. Kasi hanggang mamaya pa tayo dito siguradong gabi na matatapos iyong ganap dito. So ano? Ako na bahala dito with Ms. G inform ko na lang sya about you."
"Wait sorry na talaga hindi na mauulit tong pagka-sabaw ko. Medyo naninibago lang siguro ako at nag-aadjust sa bagong working environment kaya nagkakaganito ako. Pero ok lang talaga ako, wala akong sakit." Sabay tawa ko ng mahina.
"At to be honest, medyo naiintimidate lang din talaga siguro ako sa presence ni MD ewan ko ba since first day ko kabado ako makipag-communicate sa kanya. First time ko kasi na maka-interact iyong mga nasa higher position kaya hindi ko pa alam how to properly deal with them, with her." Nagulat ako bigla na nasabi ko yun kay Ms. Stephen huli na ng ma-realized kong hindi ko yata dapat nasabi yun since assistant nga pala sya ni MD at baka ma-misinterpret nya iyong mga sinabi ko.

"Sabi ko na nga ba, well tama naman pala ang iniisip ko. Actually pansin ko na din iyong nung mga nakaraan araw pa. But since sayo na din nanggaling pwede na siguro ako magbigay ng reaction ko or opinion ko about it." Sabay ngiti nya kaya nagtaka naman ako."
"Well, first and foremost intimidating naman talaga sya at first. Ganun din naman din ang impression ko sa kanya nung bago ako dito. I don't know siguro iyon lang iyong vibe or aura na sinasabi nila na makukuha mo from just seeing her for the first time. Kaya normal lang iyong nararamdaman mo ngayon." Sabay wink nya saken. Siguro para pagaanin iyong nararamdaman ko.

"Second, tahimik sya talaga very proper pagdating sa trabaho. Kaya napagkakamalan syang masungit ng lahat. Ewan ko sabi nya kasi mas nakakapagfocus sya sa mga bagay-bagay kapag tahimik. So siguro nadadamay lang iyong mga nasa paligid nya. Kaya parang may feeling ka na huwag ka na din magsalita whenever she's around kasi ganun nga siya."

"Third, strict sya kapag dating sa trabaho. Gusto nya kasi lahat matatapos on time. Walang magiging aberya kasi dun sya na-sstress ayaw nya ng mga sablay na work lalo na kapag simpleng bagay lang. Lagi nya kasi sinasabi, kapag sumablay tayo sa simpleng bagay pa lang, ano na lang ang mangyayare sa mga mas importante at mabibigat na situations. Kaya hangga't maaari ayaw nya nun. Nakita mo naman siguro kanina sa naging reaction nya?"

"Lastly, huwag ka magworry mabait yun. Sa lahat sya ang pinaka-ok sinasabi ko na sayo ngayon pa lang. Hehe Mawi-witness mo din iyon sa mga susunod na araw. Proven na naming lahat yun. Kahit itanong mo pa kay Ms. Heidi or kahit kanino sa office or sa branches. She's really a good leader and as a person. Hindi ko sya bini-build up just because sya directly ang boss ko ha. Pero as her assistant na-witness ko kasi kaya yun lang. Lahat ng mabibigay kong informations about her."
"Sana makatulong sayo" huli nyang sabi na medyo ipinagtaka ko dahil parang may ibig sabihin iyon hindi ko lang mawari kung ano.
"Anong ibig mo sabihin? Makatulong saken? Tanong ko na din sa kanya para matapos na iyong pag-iisip ko baka abutin na naman ng ilang araw sa utak ko iyong mga words na yun. Dagdag na naman sa eyebags ko kapag nagkataon.
"Well, pansin ko kasing behind that kabado feels mo whenever she's around or talking to you may "something" pa. Eh curious ka kasi sa kanya. Eh diba nga sabi nila "curiosity can kill the cat?" So ayoko naman bumulagta ka nalang bigla isang araw. Kaya binigyan na kita ng some info about sa boss ko. Hahahaha"
Sabay talikod nya saken at lumapit sa kung nasan si Ms. G at iyong architect na kausap nya. Inabot nya na din iyong folder na hinahanap nya kanina. Nakita ko naman na saglit na ngumiti sya kay Ste at nag-thank you nung makita nyang inaabot sa kanya iyong folder. At nagpatuloy na sila sa pag-uusap. Naiwan muna akong mag-isa sa kinaroroonan ko.

Just great, so hindi na lang pala si Heidi ang nakakapansin. Pati sya, or else baka buong staff sa kubo pansin na rin yun? Ano ba kasing problema mo Jasmine? Bakit ka ba nagkakaganyan sa kanya? Umayos ka baka kung saan pa mapunta yang curiosity na yan mas lalo pang maging problema in the future. Sermon ko sa sarili ko. Hindi to pwede kung ano man to, hindi talaga pwede. Kaya dapat ihinto ko na very very soon.

Nag-decide na akong lumapit sa kanila after kong mapag-isipan kung anong mga solutions ang gagawin ko para mas umayos na ang interactions ko with Ms. G. Kakayanin ko na sigurong makitungo ng mas formal at maayos sa kanya sa mga susunod na araw after kong makausap si Ms. Stephen kanina.

Sakto naman ng papalapit na ako sa kanila, nakita kong may binulong si Ste sa kanya dahil doon bigla syang tumingin sa akin. Napatigil ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Saglit lang yun na tingin, tiningnan nya kasi ako mula ulo hanggang paa. Sabay ngumiti ng saglit. Hindi ko sigurado kung ngiti nga yun pero nakita kong gumalaw ang labi nya saglit so ngiti yun diba??? Ano na ulet iyong mga plinano ko kanina??

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When our Pinky Promise Ends.Where stories live. Discover now