Chapter 5 - Phone call with Ms. Sungit

3 0 0
                                    

"Jasmine, I need a favor can you call si MD? Check mo lang if on the way na sya dito sa office, si ALS kasi papunta na daw and she's asking for her na." Dire-diretsong sabi ni Ms. Heidi pagkababa ng phone call nya.

"Ahhh,, sure po pero wala pa po akong mobile number ni Ms. Tanch e, pahingi na lang po para I can call her right away", sagot ko sa kanya habang naka-focus sa mga pina-paencode nya saken na mga files.

"No hindi si Ms. Tanch iyong isang MD nakalimutan mo na bang out of the country si Ms. Tanch so malamang sa malamang hindi iyon makakapunta dito anytime of the day kahit magmakaawa ka pa sa kanya." Bigla syang natawa ng malakas sabay hirit pa ng "Ano ka ba, ok lang ba? Lutang lang? May problema na naman ba kayo nung strict mong jowa? Lagi nyang hirit saken purket alam na alam nyang simula pa lang ng mapapayag nya akong magresigned at lumipat dito ay hindi na sila nagkasundo ng girlfriend ko.

"Ahhh oo nga pala, sorry nawala lang sa isip ko, and no wala kang makukuhang sagot saken sa sumunod mong tanong, ayoko na muna syang pag-usapan. Strictly work related matters lang ang pwede kong I-entertain ngayon.

"Ediwow, sungit mo po? How to be you po?" counter response nya saken. Agad-agad iyon dahil alam nya kung paano talaga ako bawian sa lahat ng oras.

"Wait, hindi ba pwedeng ikaw na lang ang tumawag sa kanya at icheck kung nasan na sya? Tutal close naman kayo nung isang MD na yun diba? sagot ko sa kanya para matapos na kami sa topic na may kinalaman sa girlfriend ko.

"Oh, anong hugot mo dyan? San galing yang idea mo na close kami ni Ms. G at wait, bakit may pag-apila ka nung malaman mong si Ms. G ang pinatatawagan ko sayo, kanina naman agad-agad iyong paghingi mo ng number nung isang MD dyan? Anong meron aber? Dire-diretso nyang litanya, ganito talaga 'to most of the time makipag-usap saken hindi nya naaalalang gamitin ang salitang preno. Naku itong taong to talaga.

"Wala akong hugot ok? Observation ko lang yun since I've been here, may masama ba dun? And I was just asking na baka it will be easier for you to just call her whenever you want since mas Ikaw naman talaga ang direct na kausap agad ng mga nasa upper management.

"So mahirap sayong I-dial ang number nung MD na pinatatawagan ko sayo ganun ba? Wait akala mo ba hindi ko din naoobserve na parang may something sayo kapag "involved" iyong isang MD?" emphasizing that word while directly looking at me now. And yes alam ko na iyong mga ganitong tanong nya saken. We are friends for some of those reasons I guess.

"Anong observe-observe ka dyan? At kung ano man yang something na sinasabi mo pwede ba kalimutan mo yan, akin na nga iyong number ng matawagan ko na? Dami mo pang nililitanya dyan e, akin na iyong number, boss HEIDI. Sagot ko sa kanya para matapos na kami, ayoko ng idea na lalalim ang topic na to dahil kilalang-kilala ko na din ang isang to, mahilig tong gumawa ng probable theories kuno sa bawat situation na nakukuha ang attention nya. At iyon ang iniiwasan ko, wala naman dapat kasing dapat maging kakaiba sa situation na ito, wala naming "something" talaga. Diba?

"Oh eto ang number, dalian mo na at tawagan mo na para malaman ko kung talagang walang "something". ikaw Jasmine kilala kita kaya ko to sinasabi sayo ngayon, pero sige kung ipipilit mong wala eh di wala. Prove me wrong, sige push! Call her now. Nakangising sabi nya saken habang naniningkit pa ang mga mata.

God, ano ba tong pinagagawa nya saken, bakit biglang parang humirap? Ang dali lang nito dapat, ilalabas ko iyong cellphone ko, kukunin ko iyong phone na inaaabot nitong kaharap ko ngayon, titingnan ko iyong mobile number, idi-dial ko sa keypad ng cellphone ko and, voila aantayin kong mag-ring at sagutin ng taong tinatawagan ko iyong linya ng tawag ko. Diba ang simple lang? So anong problema mo Jasmine? Bakit parang, parang kinakabahan ka ngayon? Weird mo din e, gusto mo bang makita nitong superior mo na tama sya tungkol sa "something" na yan? Oh no, not gonna happen right? Or else you're dead. Patuloy kong pakikipag-usap sa sarili ko ng biglang,

"Hello, hello? Who's this?" narinig kong boses na nagpabalik ng wisyo ko, hindi ko namalayan na nagawa ko na palang I-dial ang number nya, at ang masaklap nag-ring at nasagot na pala iyong tawag ng hindi ko namalayan. My God, anong nangyayare sayo Jasmine, umayos ka nga!

"You know what, I don't have time for this so if," "Ah Hi good morning Ms. G, this is Jasmine po" putol ko sa kanya dahil alam kong ibaba nya na ang call any moment kapag hindi ko pa rin nagawang magresponse sa kanya. Kinakabahan ako pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.

"Oh okay, sinong Jasmine ba to?" sagot nya saken na parang hindi pa rin sure kung sino ang tumatawag sa kanya. My goodness, bakit ang ganda ng boses nya sa telepono kahit parang cold pa rin iyong way ng pakikipag-usap nya? Wow Jasmine ha, judgemental ka pa rin kahit sa cellphone na lang kayo magkausap? At you just complimented her voice? What???

"Ah sorry po, Jasmine po iyong bagong HR assistant dito sa office." sagot ko sa kanya habang nakabantay at hindi mapigil ang ngiti ni Ms. Heidi habang nakatingin saken.

"Ah ok, yes Jasmine what is it? Do you need anything" ang seryoso talaga my gulay.

"Ah pinapacheck po kasi ni, ni Ms. Heidi kung nasan na daw po kayo, kasi tumawag daw po si ALS pinapatanong po kung on the way na kayo sa office kasi parating na din daw po sya. Tuloy-tuloy kong sagot kahit parang ang hirap na talagang hindi mabulol habang kausap ko sya.

"Yes malapit na ako sa office, and tell Heidi that she doesn't need someone to check on me. She knows my number, so why not call me right away? Para hindi ako nanghuhula kung sino iyong bigla na lang tatawag saken while I'm on the road and driving my ass of. And next time, when you call someone don't keep the other line waiting for your response, it was you who called in the first place, your wasting their time you know?" Sabay beep na lang ang narinig ko. Hindi na ako nakasagot, ano daw iyong nangyare? She just dropped the call like that? And I haven't had the chance to say anything back? WTF?!

Nakatulala lang ako after that, hindi pa din mag-synced in saken what just happened. Like did I messed up again? And with that woman again? Seryoso earth lamunin mo na lang kaya ako ng buhay?

"Huy, ano? Anong nangyare sayo? Kumusta iyong usap nyo? Bakit tulala ka na naman dyan? Anong sabi ni MD? tapik nya saken after kong ibaba iyong phone ko.

Bakit ba napaka-sungit ng taong yun saken???? Kainis!!! Narinig ko na lang ang malakas na tawa ni Ms. Heidi, hindi ko na din maintindihan kung ano ba tong "something" na to at parang hindi na ako nagfufunction ng tama basta may kinalaman sa masungit na MD na yun?!

When our Pinky Promise Ends.Where stories live. Discover now