Chapter 4 - First Encounter

1 0 0
                                    

Babe calling.....

"Hello"

"Babe, what happened? Kanina pa ako tumatawag sayo, you're not answering. What's with the text message?" rinig sa boses nya na irritated na sya. Sanay kasing dapat nasasagot agad iyong calls nya kahit anong oras pa yan.

"Sorry, nasa meeting lang kanina. Ikaw Kumusta?" habang lumalakad palayo sa meeting room na pinanggalingan naming kanina.

"Ok naman babe, I'm just checking if tuloy tayo tonight with our dinner plan, remember? Plus hindi mo pa rin sinasagot iyong tanong ko, anong nangyare bakit gusto mo ulit gumawa ng panibagong resignation letter?" Dire-diretso nyang litanya saken. Nasanay na lang siguro ako sa treatment nyang ganito saken, Ewan ko ba feeling ko normal lang naman yun samin, although lately nakakaramdam na ako ng iba between us. It's not like we use have previous years. Pero hindi ko pa rin mapin-point kung saan nagsimula iyong coldness na nararamdaman ko with her, with my girlfriend for four years already.

"Wala, gusto ko lang sigurong I-release iyong thoughts na meron ako during the whole meeting. Over-whelmed lang siguro. Since panibagong environment na naman ulit, mga bagong tao na naman ulit." I didn't notice na meron pa lang dumaan sa sobrang focus ko sa kausap ko ngayon. I'm just hearing someone else's voice while I'm talking with my girlfriend on the other line. Mamaya ko na lang siguro papansinin kung sino man yun, anyway breaktime naman na din namin so free ako to take personal calls right?

"Babe, its you who decided to go there right?? So what's the problem? Plus andyan iyong friend mong si Heidi right? Hindi ba dapat mas madali nga ang adjustment mo since andyan sya? Don't think about it anymore andyan na yan e. I just need assurance na hindi magiging hadlang yang bagong work place mo sa set-up natin. Right, babe? So what time ka dadating ng condo mamaya?"

"Can we resched na muna iyong dinner? Kung ok lang, nagbilin kasi si Mama na umuwi ako ng maaga tonight dahil first day ko daw sa bagong work place ko and since nalaman nya na mas malayo to sa dati huwag daw akong magpagabi ng uwi." I was hoping na magiging positive ang sagot nya saken while tuloy-tuloy kong sinasabi iyong explaination ko sa kanya. Alam ko kasing may tendency na mauwi sa misunderstanding any moment iyong conversation namin, since nabanggit na naman ang conflict namin with the decision that I made, ang umalis sa dati kong trabaho where in magkasama kami dati. Isa sa mga reasons kung bakit mas madalas na kaming nag-aaway lately. Pakiramdam ko kasi kailangan ko ng bagong mundo where I can free myself from her shadow. Hindi ko na nararamdaman iyong career growth na gusto ko whenever I'm with her, she's the reason why I was there in the first place, in short sya ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa company na yun, at first akala ko advantage iyon on my side, pero nung lumaon nagiging negative na iyong impact saken noon. Hanggang sa nagdecide akong umalis at subukan maghanap ng work outside her world.

"You know what, let's just talk kapag gusto mo na akong makita at makasama ulit" after that I just heard that beep sound, she dropped the call. As usual expected ko na iyong reaction nya, hindi na nga dapat ako mag-doubt na ikakagalit nya yun. Bulag lang siguro ako dati, ngayon kasi nakikita ko na iyong side nyang ganito, iyong pagiging cold nya at magagalitin, hindi ko lang talaga pinapakinggan ang lahat ng tao sa paligid ko before. Laging sya lang ang pinakikinggan ko, pinaniniwalaan ko. Pero ngayon parang unti-unti nararamdaman ko na na nagbabago na iyong relationship namin, hindi tulad ng dati. Pero baka pagod lang kami pareho, stressed lang pareho. May solution pa naman siguro para bumalik kami sa dati. Mahal ko pa, alam ko mahal ko pa sya, hindi ko lang sigurado kung pareho pa din kami ng nararamdaman sa isat-isa.

"Hindi mo ba ako narinig? Uuwi nga ako ng maaga mamaya, sabihin mo kay mama, Love huwag ka makulit ha, o sige na byebye na nga. Love iyong sinasabi ko ha, lagot ka saken mamaya."

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong saken ng kaharap ko ngayon. Hindi ko sure kung dapat akong sumagot or hindi. Ano bang dapat kong isagot, "oo kanina pa po ako dito, at hindi ko sinasadyang pakinggan ang pakikipag-usap nyo po kay "Love"? After ko kasing itago sa bulsa ko iyong cellphone ko Nakita ko syang nakaharang sa dadaanan ko, hindi ko alam kung paano ko makakadaan ng hindi nya mapapansin. Literal kasing nakaharang sya sa front door. Kaya wala akong choice kundi mag-stay muna sa pwesto ko at hintayin syang makaalis. Hindi ko naman gustong panoorin sya at pakinggan ang boses nya habang may kausap sya sa cellphone nya, yung "Love" nga. Bwiset sino ba yun? Bakit ang sweet ng boses nya kahit parang sarcastic nya kausap si "Love". Magkasama pa yata sila nung "Love" na yun sa Bahay? So meaning may asawa na tong magandang, masungit na babae na to? O baka naman boyfriend pa lang,? O live-in? Ohhh,,,,

"Baka gusto mong sagutin iyong tanong ko kasi pwede naman? Naputol ang pag-iisip ko ng bigla syang nagsalita ulit. Ang sungit talaga nito, palibhasa maganda. Jasmine, tigilan mo na kasi ang pakikipagtalo sa isip mo. Malala ka na ata. Hindi ka papasinin nyang masungit na babae na yan. Pagconvinced ko sa sarili ko. Ready na akong sagutin sya ng bigla na lang sya umalis at dire-diretsong lumakad papunta ng pantry.

"Haayyy, naku naman! Bakit lahat na lang ng tao kundi nagwa-walk out, binabagsakan ako ng telepono?" Bulong ko habang humahawak sa noo. Nakakastress tong araw na to at nakakagutom. Bahala nga sila!

"Jasmine, andyan ka lang pala, tara na mag-lunch na tayo" sigaw ni Ms. Heidi habang may hawak na plato. Mukhang ready na nga syang kumain. Haha! "Yes Ms. Heidi, ito na po." Ikakain ko na lang to lahat. Naabutan ko silang nakapwesto na sa isang long table sa pantry area. Nakakatuwa dahil ang simple ng itsura ng pantry dito, literal na parang nasa bahay lang kaming sabay-sabay kakain. Ito iyong laging kinukwento ni Ms. Heidi saken, kaya pala tinawag na nippa hut ang office nato, Kasi Literal na kubo ang style ng office na nagpa-unique Lalo sa itsura nito plus complete package pa dahil may kusina, may garden, at kung ano-ano pa. Ito siguro iyong isa sa reason kung bakit naconvinced ako ni Ms. Heidi na lumipat dito, para daw maexperienced ko iyong mas magaan na environment. Hindi toxic iyong vibe kasi maaliwalas at magaan iyong aura ng lugar na to. Maliban nga lang siguro sa isang taong andito, well I guess sya lang talaga iyong nagbibigay saken ng kakaibang vibe, ewan ko ba parang normal na ata sa taong ito na maging cold, seryoso at hindi man lang yata alam ang salitang "smile". What's with her ba talaga?

When our Pinky Promise Ends.Where stories live. Discover now