Chapter 2 - Ms. Sungit

3 0 0
                                    

"Made it! Nice one paj, pasok sa banga tayo this morning. Thank you for keeping me safe". I always talk to paj, my ever dearest malakas na paj. Been using him, yes him I always thought his a "He" just because i feel like lalake talaga tong mokong na to kung naging tao sya. Pero nope, paj is my service since I started driving. And yes dito ko natuto magdrive sa company na ito where, been here for quite sometime now. And I am not going anywhere else, i think. Sana.

I rang the doorbell, expecting Heidi to open it since sabi nya lagi syang maaga. But ilang pindot na parang walang gusto magbukas. Balak ko nang tawagan si Heidi sana buti na lang bumukas na ang pinto.

"Ay Ma'am G, goodmorning, pasensya na po naliligo kasi ako. Kanina pa po kayo nagdodoorbell?"
"Goodmorning din, Medyo lang ate  Len, wala pa bang tao sa kubo? Si Heidi?" Tanong ko sa katiwala namin dito sa kubo.
"Ay wala pa ma'am, pero may tao napo sa taas." Oh,, sino? Iyong bagong makakasama po ni Ms. Heidi"
Ah ok, sige thank you ate, akyat na muna ako."
As I was passing papunta sa kubo, narinig kong bumukas iyong kabilang pinto. So pagpasok ko, sya namang paglabas nung tao nasa taas na daw. Dumiretso na lang muna ako sa kwarto ko. Ako pala ang mauuna sa kanilang lahat, perks ng kulang sa tulog.

"Ay ma'am may kailangan po kayo?
"Mag-CCR lang po ate." Ay ayun pong pinto sa dulo. Nag-abot po ba kayo sa loob ni Ma'am G?
"Ay hindi pa po kasi saktong bumaba naman po ako, sya po ba iyong dumating ate Len?" Ay yes po, ma'am nagulat nga po akong maaga sya. Siguro po may meeting kaya maaga po sya, hinahanap nga po si Ms. Heidi, sabi ko wala pa. Kanina pa pala sya nagdodoor bell sa labas."
"Nagalit po ba? Hindi ko po kasi alam kung allowed na akong magbukas ng gate ate, sorry."
"Ay hindi naman Ma'am mabait naman po iyon si Ma'am G, hindi lang po sanay na walang nagbubukas ng gate kaagad." Sabay ngiti ni Ate Len.
Sige ma'am magluluto muna ako ng breakfast po ninyong lahat".
Magkakape na din iyon si Ma'am G".

"Ah o sige ate,CR lang muna ako. Thank you."

Calling Stephen...

"Hi Ma'am G, goodmorning" "Goodmorning Stephen, asan ka na?"
"Nasa FX na ma'am andyan ka na po sa office?"
"Yes andito na, kaya I called you agad". May mga files ba akong for review or whatever?"
"Ay sige, mabilis na lang naman to ma'am, aga mo po. Hahaha!"
"Nakakatawa yun? Dalian mo na lang kaya? Anong oras na! Sabat ko sa kanya, alam nyang ayaw kong ako iyong nauuna sa lahat.
"Ok po,, huwag ka na mainis. Eto na nga. Hahaha! Bye! Biglang binaba iyong call.
"Bwiset! Naunahan na naman ako" Iyong batang iyon talaga feeling close? Well close naman na talaga kami since kami lagi magkasama, ako kasi ang nagtratrain sa kanya about everything dito sa company. Gawin ko daw syang assistant para matuto sya saken. Sa isip isip ko siguro nagsisi na silang lahat bakit saken pa nila pinaturuan tong si Stephen.

Naalala kong wala pa pala akong kape,, so kailangan ko nang lagyan ng caffeine ang system ko or else buong araw lang akong lulutang. Can't live without coffee ang mantra ko since I started getting used to coffee. Coffee is life kaya!

"Ate Len, may mainit na pong tubig? Sigaw ko. Sana marinig nya.
"Yes Ma'am meron na po, akyatan kitang kape dyan ma'am? Sigaw nya din. Well, hindi naman sigaw as is in sigaw, malakas na boses lang para magkarinigan kami.

"Ok ate Len,please. Thank you!" Tamad kasi talaga ako pag-umaga kaya lahat kung pwedeng ipag utos na lang, sinasamantala ko din. Mabait naman daw ako. Choz! Hahaha!

"Ma'am ito na po iyong coffee nyo" dinig ko ng may pumasok sa room ko. Nakapikit kasi ako, ewan ko ba hindi talaga ako "morning person" i hate early mornings, kaya lahat ng chances na matulog o pumikit sa umaga gagawin ko, at eto nga nakapikit lang ako, pero gising naman, Buti na lang talaga at may mga taong mababait pa rin saken dito na iniintindi ang katamaran ko sa umaga.
"Ok thank you, iwan mo na lang dyan sa table ko. Pakisabihan na lang ako pag andyan na iyong iba." Haayy,, hindi ko alam kung bakit ako nauna sa kanilang lahat. Ang malas na araw" i sighed after my long hugot lines, can"t help it. Hindi talaga ako sanay na mauna sa kanila. Mas sanay akong, ako ang hinihintay and not the other way around .
Ramdam kong nakatingin lang saken the whole time iyong taong nasa harap ko ngayon, pero dahil tinatamad nga ako, kahit magdilat ng mga mata hinayaan ko syang tingnan ako. "Bahala ka dyan Ate Len sa isip-isip ko"
Pero weird, bakit parang iba iyong boses nya kesa kanina? Napapakunot tuloy ako, but I didn't bother to ask her. I'm just really really tired and sleepy. Mag-iisip na sana akong dumilat to ask her, when I felt that she started walking out of my room.

When I opened my eyes, It felt really weird talaga. Nakatayo lang ba talaga sya the whole time? Or hallucination ko lang? Pero feeling ko talaga may nakatitig saken kanina. Hindi lang talaga ako dumilat. Then I saw my coffee, with a note "Good morning!" 😊

"That's it!" Tumayo ako agad para lumabas ng kwarto. Kasi weird na talaga yun, never akong ginawan ng coffee ni Ate Len, oo nga pala naalala ko na, lagi lang yun Hot water ang laman at ako na ang magtitimpla. Alam kasi nyang ayaw kong pinagtitimpla ako ng kape. Nahihiya ako syempre, that's one, two I want the taste of my own coffee, and not anyone else's coffee!
"Sinong nagtimpla ng co" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, biglang bumukas kasi ang pinto sa kubo.

"Hi Ma'am G, goodmorning!" Nakasmile na bati ni Heidi saken, kasunod nyang pumasok si Stephen. "Hi Ma'am, goodmorning" bati din nya. "Oh bakit ka nakasimangot na agad Ma'am? Sabat ulit ni Heidi "ang aga mo pa naman?" Sabay tawa ng malakas sinabayan pa ni Stephen
"Nakakatawa yun?" Sagot ko sa kanila. Sabay pasok ko ulit sa kwarto. Ewan basta nabadtrip ako bigla. Halo-halo na siguro, maaga akong dumating, walang tao sa kubo except dun sa new employee na never ko pa ata nakikita since kanina, at ang pinaka malala may gumawa ng kape ko! My goodness!
"Opppsss! Lagot ka Ma'am Heids,, hahaha! Mukhang nabadtrip boss ko sayo. Hahaha! Ikaw kasi e, bakit ka ba late? Bakit sa lahat ng araw ngayon ka pa hindi nauna saming lahat? Tanong nya sa hindi mapakaling HR.
"Naku Ma'am Stephen, anong gagawing naten? Bakit kasi sya nauna saken? Bakit kasi sa lahat ng araw ngayon pa sya maaga dumating kung kelan ayaw pa magpaiwan nung anak ko sa bahay kanina kaya ako nalate! Naku naman! Pero ano ba kasing nangyare? Hindi naman yun basta-basta nagaga,, ay Jasmine andito ka na pala? Kanina ka pa ba?Pagkakita sa bagong empleyado. Diretso sa table para i-introduce sa iba.

"Ay sya nga pala, Ma'am Stephen, si Jasmine, bagong makakasama ko sa HR, si Ma'am Stephen, assistant ni Ma'am G." Baling ko ulit kay Jasmine.

"Goodmorning, Ma'am Stephen, goodmorning Ma'am Heidi!" Naguguluhang sagot sa lahat ng nasaksihan ko, bakit parang ang gulo? Bakit ang bilis magshift ng emotion ng mga tao dito? Ganito ba talaga dito? Lalo na iyong taong nasa loob ng kwarto, ganun ba talaga sya sa mga tao dito? Narinig ko na lang na nagsalita ulit si Ms. Heidi kaya napabalik ako sa realidad.

"HUY, Anyare sayo? May tinatanong ako sayo nakatulala ka na lang bigla dyan. Habang kinakalabit ang kausap nya. Bumalik na rin si Stephen sa pwesto nya para mag-ayos ng gamit.

"Ahhh,,, sorry Ma'am Heidi ano nga yung tanong mo? Sagot ko naman ng medyo nakabawi na ako sa pagkatulala.

"Ang dami ko ng tanong actually, anyway, kanina ka pa ba dito? "Opo mga around 7:30am po ako dumating. Sabi ni Ate Len, pwede na daw akong umakyat para dito na lang ako mag-antay sa loob ng office." Dire-diretso kong sagot.
"Ok next question, nagmeet na kayo ni Ms. G? Tanong nya sa mahinang boses, habang nakatitig ng mabuti saken.

"Ahhhh,, hindi pa." Hindi ko masabing nagmeet na kami dahil nung pumasok ako kanina sa kwarto nya nakapikit lang sya the whole time. Hindi ko din masabing wala akong ginawa kundi tumitig lang sa kanya, wait tumitig talaga self? Hindi ba pwedeng napatingin lang, ng medyo matagal? Wait bakit ko nga iyon ginawa kanina? Hmmmm,,, nagandahan ka siguro? Oppsss,, wait yes maganda nga siya pero masungit naman. Masungit pala ng sobra! Pakikipagtalo ko sa sarili ko.

"Ok, bakit hindi pa? So hindi ka pa nya nakikita? Eh bakit mainit na agad iyong ulo nun? Nagtatakang tanong ni Ms. Heidi, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tanong nya.
"May nangyare bang iba, habang wala pa kami dito? Tanong pa nya.
"Hmm,, wala naman masyado, oh wait kanina po pala nabanggit ni Ate Len na kanina pa daw nagdo-doorbell si Ms. G, and hinahanap ka daw po agad. Tapos narinig ko na nagsalita sya, asking Ate Len if meron na daw mainit na tubig na nakaready. Yhen sumagot naman si ate Len, I heard she answered back naman po ulet na, kung gusto daw ni Ms. G akyatan na lang sya sa office nya. Then pagkarinig ko po nun bumaba na ako to" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nagsalita na siya ulit.

"Shit! Iyon pala iyong sinasabi nya kanina nung bago kami pumasok ng pinto, Tinatanong nya kung sinong nagtimpla ng ka,, wait hindi naman nagtimpla si ate Len ng coffee nya diba?" Tanong nyang naniniguro.
"Hindi po." Ok good!" Sagot nya na parang natuwa sa narinig, pero bigla ulit napatanong, "Kung hindi sya sinong natimpla?" Pagtataka nya.
"Ako po, Ms. Heidi."
"Anooo????"

When our Pinky Promise Ends.Where stories live. Discover now