Chapter 1

3 0 0
                                    

Heidi calling.....

"Yes Heidi?"

"Hi Ma'am G, update lang kita tomorrow daw may urgent mancom meeting daw according kay Boss."

"Urgent? Why" Akala ko this Friday pa?"

"May mga need daw kasing reports si boss, na kailangan nyang idiscuss during mancom, so kailangan daw present lahat tomorrow."

"Ok sige, as if may choice ako diba? Hayyy. sige adjust ako ng sched, andyan ba si Stephen? Pakisabi sa kanya cancelled na muna iyong alis namin tomorrow."

"Ok Ma'am, and sya nga po pala, iyong nabanggit ko sayo na applicant last time, hired na po. Pina-papunta na din siya ni Boss tomorrow."

"Oh I see, bakit ang bilis naman ata, I mean, yes hired na, pero hindi ba mag-rerequirements pa yan and all?" Expected ko kasing all newly-hired employees may atleast 2 weeks to compLy with all requirements needed before they could actually start working. I mean that's the SOP everywhere right?

"Most of her requirements are available naman na po, nung nagreport sya for final interview Ma'am. Kaya ayun nung tinanong po sya ni Ms. Tanch about it after her interview pinadiretso na saken para masubmit na iyong mga papers nya agad-agad. Sayang daw po kasi iyong araw." Buong paliwanag nya dahil alam nyang lagging kailangan ko ng complete explaination when it comes to things related sa work namin.

"Alright then, so let's see kung ok nga iyong newly hired assistant mo when we meet tomorrow. Is there anything else you would want to tell me? Tanong ko pa dahil I need to drive my self home pa.

"Wala naman na po Maam G, see you tomorrow, dala ka breakfast ma'am?" Sabay hirit nya. Itong HR namin na to na lahat na lang ata ng tungkol sa pagkain at libre ang alam ihirit.

"Wala akong pera, bye". I always make sure may maganda akong banat sa kanya para hindi na makahirit everytime matatapos ang conversation namin. I guess I have to prepare myself for another roller coaster experience bukas. Knowing we'll be attending another mancom tomorrow you should expect a lot of mixed emotions, Lalo na at urgent meeting ito everyone should be atleast ready to hear a lot of unexpected announcements, and "sermon" from the one and only BOSS.

When I got home, I saw my mom inside the kitchen, nagmano ako agad since nakaugalian na sa family na magmano everytime dadating kami sa Bahay. As usual since late na si mama na lang ang naabutan kong gising at naghihintay sa pag-uwi ko.

"Ma, bakit gising ka pa? Late na oh, sabi ko naman sayo hindi mo kailangan mapuyat sa pag-aantay sakin Lalo na at sobrang gabi na ang uwi ko madalas." I sighed while taking her hand.

"Hayaan mo na ako 'nak, alam mo naming hindi rin ako nakakatulog hangga't wala ka pa, kaya talagang mag-aantay ako sayo kahit anong oras pa yan, maupo ka na at ipaghahain na kita. Ano pa lang oras kita gigisingin bukas nyan? habang nagsasandok sya ng paborito kong ulam sa amoy pa lang alam na alam ko na. Yun lang parang nawala na lahat ng pagod ko sa katawan. Sanay naman akong kumakain mag-isa whenever uuwi ako ng late sa Bahay, pero mas naeenjoy kong kumain kapag paboritong ulam ko ang aabutan kong hinanda ni Mama para saken. Syempre ano pa nga ba e di Adobong Manok. One of the best ulam in whole world!

"Ok po, mga 7am ma, may meeting kami bukas hindi pwedeng ma-late."

"Naku kaya mo kaya yun, mga ilang gising ang gagawin ko nyan para magkatotoo yang gusto mo." Sabay tawa nya ng malakas, Mom knows best nga daw kasi, kaya bully din talaga sa totoong buhay ang mga nanay.

"Ma, tulungan mo na lang akong magising nga sa oras na sinabi ko, alam mo naman masarap matulog e, kung pwede nga lang talagang huwag muna magising ng ganung kaaga. Kaso urgent daw, so urgent meaning not allowed kami ma-late."

" Ok sige kumain ka na ng makapag-pahinga ka na agad, huwag ka na mag-hugas iwan mo na lang dyan sa lababo iyong pinagkainan mo ako ng bahala dyan. Basta matulog ka na agad ha? Huwag ng magpuyat anak."

"Opo ma, goodnight, pahinga ka na din thank you!"

And I started eating alone, eating alone my favorite ulam.

When our Pinky Promise Ends.Where stories live. Discover now