Chapter 6 - Hot and Cold

2 0 0
                                    

G' POV

"Ms. G, good morning!" narinig kong bati ni Heidi. Papasok ako ng office sya naman mukhang galling ng pantry at may dala-dala na namang pagkain. As usual mukhang gutom na naman ang isang ito.

"Good morning! Mukhang pumapayat ka ha, anong diet ginagawa mo? Looks good on you in fairness."

"Grabe ang aga Ma'am ha." sabay tawa ng malakas. Inunahan ko na sya dahil kilala ko na to. Alam ko na kung paano sakyan ang mga usapan at biruan namin.

"Anyway tuloy ba pagsama mo samin mamaya para sa progress checking nung construction sa BGC?" tanong ko dahil alam kong every now and then sumasama sya to assist me and Stephen with the checking and proper coordination with the workers. Part na daw kasi ng JD nya na pumagitna Lalo na kung may kinalaman sa workers-related matters.

"Actually Ms. G hindi ako ang makakasama nyo later, pinapa-join ako ni Ms. Tanch sa meeting nila ni ALS with another possible investors for the company. Alam mo na minutes ang importante." So si Jasmine po ang sasama sa inyo mamaya. Binilin ko na po sa kanya earlier so need to worry po. Kayang-kaya nya na po kayong i-assist ni Ms. Stephen mamaya."

"Ok tell her aalis kami ng 3pm. Thanks Heidi."

I saw them when I went inside the office, Stephen and that new HR talking. Napatigil sila nung Makita nila ako. I don't think may mali sa itsura ko ngayong araw, nanalamin naman ako kanina so alam kong mukhang tao ako today. Pero iyong reactions nila pagkakita saken parang hindi ko mawari kung anong ibig sabihin. Sanay na ako kay Stephen actually and her poker face aura most of the time. But the other girl caught my attention, she's unreadable actually. I mean parang hindi nya alam if dapat nyang igalaw what ever part ng muscle ng face nya when she saw me. Human Statue, that's what she's like right now.

"What's wrong? Bakit kayo huminto mag-usap?" hindi ko na napigilang magtanong dahil konti na lang parang ma-sstroke na sila, I mean si Stephen wouldn't reach that point siguro, but this other girl mukhang pa-coma na din kung sakali. What's her name nga ulet? Jasper? Janine? Jammine? Ahhh,, whatever.

"Good morning Ms. G!"

When our Pinky Promise Ends.Where stories live. Discover now